Chapter~ 7

13 2 0
                                    

Zeehan's POV





"Ano bro okay na ba?" tanong ko kay Khymer. Hindi ko rin kasi mahagilap yung dalawang kaibigan ko.

This day was our performance. The venue was held on gymnasium of the campus. Kinakabahan pa rin ako. Namamawis ang mga palad ko sa di ko malamang dahilan. Siguro dahil sa performance namin mamaya kaya ganito ako. Hindi ko ito nararanasan noon pero bakit parang iba ngayon. Parang may something different eh anyway I should focus on what we doing later. Isasantabi ko muna ang mga iniisip ko tungkol dito.

"Bro kailangan na nating umakyat sa stage. Mukhang marami ng tao ang nandoon. Grabe di ko in-expect 'yon," gulat na pahayag ni Khymer sa akin. Ang mga mata ay kumikinang.

"Tsaka naroon na rin sa bungad yung dalawang tukmol haha. Mukhang excited na excited eh," bulalas niya.

"Ok let's go," nakangiti kong sabi kay Khymer. Pero sa loob loob ko sobra na akong kinakabahan ngayon. Ewan mukhang weird ang araw na ito sa akin. Dati naman kapag magpe-perform kami hindi ako ganito kabahan. Kinakabahan oo, yung natural na pintig ng puso pero ngayon iba talaga eh. I dont know but I force myself to connect with them. To make beautiful and clear when we start. Iba talaga eh pero baka mamaya mawala rin ito. I wish.

Naglakad na ako at nakita ko sa bungad ng pintuan patungo sa stage si Khymer, Kishou at Aeiou. Mukhang excited nga sila. May mga malalapad na ngiti sa kanilang mga labi. Kailangan ko rin pa lang pagbutihin ito para hindi sila ma-disappoint sa amin mamaya. Kaya namin 'to. Fighting lang.

"Guys pwede bang mag-pray muna tayo," suhestiyon ko sa tatlo. Nang tingnan ko ang mga mata nila ay gulat ang nakikita rito. Sa bagay ako rin naman. Nagulat ako sa sinabi ko pero sinasabi ng puso ko na kailangan ko talagang gawin ang bagay na iyon. Haaaay bahala na.

"Himala pare, bakit naisipan mo yan," natatawang sabi ni Khymer.

"Wala lang gusto ko lang," sabi ko sabay kamot sa ulo. Ewan talaga kung bakit ako nagkakaganito. Something weird, isn't it.

Nang lumingon ako kay Khymer ay tawang tawa na ito. Si Aeiou naman ay lumingon sa'kin at patalikod na tumawa. Nang lumingon naman ako kay Kishou ay pangiti-ngiti na rin ito at halatang pinipigilan lang tumawa. Sa bagay di naman nila ine-expect na gawin ko ang bagay na 'yon. Ngumiti na lang ako.

Maya maya lang ay nakita kong pinukpok ni Kishou ang ulo ng dalawa gamit ang kamay niya. Buti nga sa inyo! Natigilan naman ang dalawa sa ginawa nito. "Mga ulol itigil niyo nga yan! Tama si Zeehan kailangan nating gawin ang bagay na iyon. Mas makakabuti kung magdasal tayo ng sa gayon makuha natin ang kaligayahan ng bawat isa at para na rin hindi sila ma-disappoint sa atin! Kayo talaga kung ano anong utak meron kayo!" bulyaw niya sa dalawa.

Tumingin naman ng masama yung dalawa kay Kishou. "Ang sakit no'n ah! Eh pano naman kasi si Kishou may nalalaman pang padasal-dasal. Nakakapanibago kaya!" saad naman ni Khymer.

"Palibhasa 'di lang kayo banal!" saad naman ni Kishou. Tatawa-tawa pa.

"Pake mo ba!" sabi naman ni Aeiou. Nagkakamot din ng ulo. Mula sa salitang 'yon ay sunod sunod na bangayan na ang narinig ko sa kanila.

Tumikhim ako. "Ehem!" nilakasan ko talaga. "Kung di kayo titigil diyan! Uupakan ko na kayo!! Magsitigil kayo!" bulyaw ko sa kanila. "Kung ayaw niyong maging pangit ang performance natin mamaya please lang itigil niyo yan! Mga siraulo talaga kayo!!!" tumatawa kong sabi sa kanila.

"Ito kasi eh," paninisi naman ni Khymer kay Kishou. Huminga ako.

"Ok kailangan natin mag pray," pagtatapos ko sa usapan namin. Sinimulan ko na ngang magdasal at tahimik naman na nakinig ang tatlo. Pansin ko pa nga ang tila pigil na tawa nung tatlo. Hindi ko na lang ito pinansin. Bahala sila kung ayaw nilang makinig. Natapos ko naman ng maayos ang pagdarasal ko. Ngumiti ako. Sana naman sa ginawa kong iyon mabawasan ang kaba sa dibdib ko. I hope so.

The Lady Hater (On-going)Where stories live. Discover now