Chapter~ 12

22 2 0
                                    

Zeehan's POV





Pinarada ko na ang sasakyan ko sa parking lot ng bahay namin. Inayos ko ang damit ko at naglakad na ako sa papasok ng bahay. Huminga ako.

"Hi Mom," bati ko kay Mom ng makita ko itong nagluluto sa kusina.

"Ohh hello son, kakain ka na ba?" tanong sa akin ni Mom. Mukhang naisipan niyang magluto. Hindi ang katulong ang nagluluto dito eh. Bakit kaya?

"Mom bakit mo naisipang magluto ngayon?" tanong ko dito.

Mahina itong tumawa, "Bakit masama ba? Ayaw mo ba akong paglutuin para sa dinner natin ngayon?" balik tanong nito sa akin.

"Hindi naman po but dinner? Tayo pong dalawa magdi-dinner?" tanong ko ulit dito. Ngumiti siya sa akin.

"Uhm yes pero kasama ang Dad mo," masayang sabi nito sa akin. Ngumiti rin ako dito. Medyo natuwa ako ng marinig ko na may dinner kaming tatlo.

"Atsaka pala kasama rin ng Dad mo si Jasper 'yong pinsan mo," dugtong pa ni Mom sa sinabi niya.

"At ako ang nagluto para sa kanila," dagdag pa nito na sinagot ko ng tango.

"Sige Mom akyat muna ako sa taas," ang sabi ko dito. Medyo na-excite ako kay cousin na paparating daw ngayon. Ano kayang itsura no'n ngayon? I dont know.

Agad naman akong umakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto ko. Tinanggal ang dala kong bag at ipinatong sa study table. Inalis ko din ang uniform sa katawan ko pati ang pantalon at tinungo ang cr para magbihis. May damit akong nakapatong sa cr kaya 'di na ako kukuha sa cabinet ko.  Natapos naman ako at tinungo ang kwarto ko para mahiga. It's 3:25 pa lang ng hapon batay sa relong suot ko. Kailangan ko ngang magpahinga muna tutal parating sila Dad kasama pa si cousin Jasper. I need rest.

Agad akong sumampa sa ibabaw ng aking kama at humiga. Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa study table at nakita ko na naman ang iba't-ibang notifications ko sa mga taong 'di ko kilala. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at ibinalik ito sa lamesa.

Pinikit ko na ang mata ko at nilamon na ako ng kadiliman.


**



"Hey bro, I'm here. Wake up cousin, wake up!" nakaramdam ako ng taong sumisigaw sa akin. Tinatapik pa nito ang balikat ko. Naalimpungatan ako sa ginawa niya kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga ko.

Inunat ko ang kamay ko, "Oh cousin," ang sabi ko dito habang humihikab pa.

"Gising na cousin tara na sa baba gutom na ako eh haba rin ng byahe ko galing Melbourne eh," hayag nito sa akin. Mukhang ilang oras din ata akong nakatulog. Tumingin ako dito at...

"Hello cousin!!!! Musta na!!! Anong nangyari sa 'yo!!??" agad kong sigaw dito ng mapagsino ang taong kaharap ko. Nagyakapan kami parehas haha. Parang timang lang kami dito haha.

"Okay lang ako ikaw ang kamusta na!!!!?" tanong nito sa akin pabalik.

"I'm okay too," sagot ko rin sa tanong niya. Nakangiti ako.

"Magmumog ka na cousin mukhang bad breath ka na hahahaha!!!" tawa nito sa akin. Agad naman akong tumayo at tumungo sa banyo para magmumog. Natapos din ako at bumalik sa kwarto. Naroon pa rin si Jasper.

"Oh ano cousin are you alright!?" tanong nito sa akin habang tatawa-tawa.

"I'm okay now hahaha," tawa ko rin dito. Tumatawa parin siya hanggang ngayon.

"Ahh cousin what time is it?" tanong ko dito. Tumingin ito sa relo niya at sabing, "...5:47," sagot niya sa tanong ko. So I sleep within one hour.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lady Hater (On-going)Where stories live. Discover now