Chapter~ 11

11 2 0
                                    

Khymer's POV

Nakahiga ako at yakap yakap ang babaeng pinakamamahal ko. Si Stacey. Ganon ko talaga kamahal ang isang ito. Kahit ang sarili kong buhay kaya kong isakripisyo para sa kanya 'wag lang siyang mawala sa akin. Sobrang lalim ng pagmamahal ko para sa babaeng ito. Para itong isang halaman na itinanim mo ng sobrang lalim na kahit anong gawing mong bunutin ay hinding hindi maiaalis sa pagkakapunla.

Katatapos lang naming mag making love at sobrang nagustuhan ko kung ano man ang nangyari sa amin. Parehas kaming walang saplot. Sobrang saya ko dahil nasa akin ulit siya. I dont want to lose her anymore kahit siya ang nakipaghiwalay sa akin. Mahal ko talaga siya.

Me and my friends we're in grade 12. I'm 18 pero nakakaranas na ako ng sex. I must admit that it's my habit. Kahit sino naman ay mararanasan at mararanasan ang ganoong bagay. At 'di ako nagsisisi na ginagawa ko ang bagay na iyon. Kay Stacey lang ay solve na ako.

'Yung sinabi ko kina Zeehan na crush ko si Ennvy ay 'di totoo. Gumawa lang ako ng kabalustugan sa kanila. Hindi ko naman crush ang isang 'yon. Sadyang napadaan lang ako sa kanila at nakinig tsaka totoong iihi ako no'n.

Hindi sa pagsisinungaling pero alam ko sa sarili kong hindi pagsisinungaling ang mga sinabi ko kina Zeehan. We're buddies and friends so I know they will understand my situation.

"Hmmmm," umungol si Stacey habang nakahiga sa braso ko.

Ngumiti ako.

"Baby," agad kong inalalayan ang ulo niya at niyakap siya. Mahigpit na mahigpit.

Tumingin ako sa buong mukha niya. Ang ganda niya. Para sa akin walang ibang maganda kundi siya. Siya at siya lang. Siya at siya lang ang mamahalin ko. Wala ng iba.

I remember when she told me that she's breaking up with me. I feel the severe pain. I feel my pain and I guest that was the end of our relationship. I dont know what to do that time. Uminom ako, nagpakasasa sa alak, nagkulong sa kwarto, iyak ng iyak. Iyong pangyayaring iyon ang hindi alam nila Zeehan tungkol sa akin. Ayokong sabihin ang mga nangyari sa akin isang taon na ang nakalipas. Sobrang sakit. Parang gusto ko ng patayin ang sarili ko nung nawala sa akin si Stacey. I love her very much kahit pa ang buhay ko'y kaya kong itaya para lang sa kanya. 'Wag lang siyang mawala sa akin. Siya lang ang buhay ko, siya lang ang mundo ko. Mahal na mahal ko siya.

I am senior high nung nakilala ko si Stacey. Habang naglalakad kasi ako sa corridor ay nakasalubong ko siya. Then our eyes met. D'on ko pinakinggan ang pintig ng puso ko. Ang bilis nito, sobrang bilis nito at alam kong dahil ito sa kanya. Kaya nung unang pagkikita naming iyon ay nasundan ng isa pa at that time sobrang saya ko. Parang ayoko siyang mawala sa akin. And niligawan ko siya na sinang-ayunan naman nito. Naging kami and the rest was history.

"Baby, tulog ka pa," malambing kong sabi dito. Inubob niya ang ulo niya sa dibdib ko. Niyakap ko siya. Sobrang higpit.

Pinikit ko ang mata ko. Masaya na ulit ako. Masaya na ulit ako dahil nandito siya. Si Stacey, ang mahal ko...ang baby ko.




***






Charmaine's POV

Nakahiga ako sa kwarto ko. Tunog ng tunog ang cellphone ko. Actually kanina pa 'yan tunog ng tunog. Ayokong sagutin ang nasa kabilang linya kasi alam kong si Zymon 'yan.

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Sobrang sakit lang. Bakit kasi nagpapakatanga ako sa taong di naman ako gusto. Ang sakit sakit.

Namatay ang tunog sa telepono. Lumapit ako dito at tiningnan ang miscalls. 126 miscalls ang nakalagay dito. Kanina pa siya tumatawag sa akin pero ayoko talagang sagutin. 'Di ko alam kung bakit. Basta ayaw ng puso ko at ayoko rin. 56 messages naman nung pumunta ako sa inbox.

The Lady Hater (On-going)Where stories live. Discover now