Renzy's POV
I just stared at my owns body wearing a lab gown at maraming aparatus na nakasaksak sa buong katawan ko.
Ang ganda ko pala no!? Shunga nga lang dahil sa piso eto ngayon pinagmamasadan ang katawan kong lupa sa higaan ng ospital tangengeng baklita pinagkaitan para sa piso.
Ganto kasi yon.
Flashback :
"Renren, ibili mo nga ako ng pamintang durog sa tindahan ni ka Pising" sabay abot sa aking ni Inay ng limang piso. "Sige po inay" rarampa na sana ako ng naghabilin pa ulit. "At wag mong kukupitan kahit piso yan malilintikan ka saking bakla ka pag nagkulang kahit piso yan." Tumango na lang ako saka rumampa malapit lang naman ang tindahan dito konting kembot lalu pa yun na yern.
"Ka Pising? Pabili ho ng pamintang durog?" Habang tinutoktok ko sa bakal na riles ng tindahan ni Ka Pising. "Naku ijo wala na." Doble imbyerna ako gigil ako ni Ka Pising sa dalawang kadahilanan UNA walang paminta tatawid pa ako para sa kabilang tindahan. PANGALAWA hell-o? Do i look ijo? For real? Eh mas maiksi pa short ko kay sa beshienuts kong si Joan na kasalukuyan kong nakikita kasama ang jowakels niyang si Johnmark. "Uy te?" Bati ko dito. "Uy bes andiyan ka pala?" Kaltukan ko kaya to no? Minsan obvious to magtanong. "Ay wala ko te, Hologram to! Hologram!" Inirapan lang ako neto saka lumayas sige besshy tamo wag kang tatakbo sakin pag niloko ka nanaman niyang jowa mo.
Sa wakas naka bili na ako ng paminta, Pagtawid ko rumampa pa ate mong Renzy pang miss universe gandara ate mo eh. Sabay laglag naman ng piso sa kalsada buti wala masyadong sasakyan pabebe pa akong umupo para damputin yung piso. Hindi ko pa hinahablot ng may sasakyan ng humarang sa harap ko na diko alam saang lupalop ng mundo o niluwa ng kalsada para sagasaan ako. Imbyerna.
End of Flashback.
At eto na nga comatose na akis, Mygas im only 18 para mangyari to. Low virgin pa ako at ayokong mamatay na virgin. Hanggang pumasok sa loob ng kwarto na hinihigaan ko si Inay. Mahigit isang buwan na din nakahiga ang katawan ko. Sabi ng Doctor 20% lang daw ang pag asang magising pa ako. Nag offer na nga ang Doctor na i-Mercy Killing na lang daw ako. Ang nanay ayaw pumayag sabi ng Doctor lalaki lang daw ang gastusin namin. Ngunit matigas ang Inay wala daw siyang pake sa pera, Dahil mas mahalaga ang buhay ko kesa sa pera. At kung tatanungin niyo yung nakasagasa saken? Hit and Run mga ateng. Kawawang bakla na hit and run na nga comatose pa.
"Nak magpakatatag ka ha? Alam mong namimiss na kita lalo na pagkasama kitang naglalako ng bagoong kahit kaamoy yun ng hininga mo." Okay na madir eh. "Joke lang nak, pinatatawa ko lang ang sarili ko." Hinalikan ko sa Noo si Inay kahit na hindi niya ako nakikita. "Nay, Wag kang mag alala ha? Tatatagan ko ang sarili ko. Magigising din ako. Lavarn lang!" Sabi ko sa kanya na kahit katiting walang pag asang marinig niya.
Nagpawalk lang ako i mean naglakad lakad habang napadpad ako ng kaluluwa ko sa church ng ospital na ito walang tao umupo ako sa may unahan na upuan. Baka pakinggan ako ni Lord ngayon kahit napakamakasalanan ko. 'Dear Lord, Alam ko pong bihira lang po akong lumapit sa inyo pero sana po ngayon po pagbigyan niyo na po yung kahilingan ko. Please po oh? Kung magigising na po yung katawan ko bat dipa po ngayon?---' naputol ang pagdadasal ko ng may tumabi saken, "Pwede makiupo?" Tanong niya. "Sige lang--- teka?" Tinignan ko siya. Pero siya nakatingin lang sa harap. "Nakikita mo ako?" Tango lang ang sinagot neto saken. "Ah..multo ka din?" Natawa siya sa tanong ko. "Ofcourse not. I have third eye to see ghost baklang multo pa nakita ko." Luh epal to no? "I gotta go bye baklang nagmumulto awooo"paalam ng kupal na yon. If he see me? Maybe he can help me? Pwede niyang sabihin kay Inay mga gusto kong ipasabi.
Tumagos na ako sa mga pader para maabutan siya eto advantage pag multo ka pwede kang tumagos kahit saan.
"Mr. Nakasalamin?" Tawag ko dito. Pumunta ako sa harapan niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Pwede mo ba akong tulungan?" Napahalf smile siya. "Sabi na e, Marami na akong naencounter na ghost na nagmamakaawang tulungan sila but if they say that ang creep bakit yung sayo parang jolly?" I rolled my eyes. "Tulungan mo na lang ako pls?" Sabi ko. "In one condition?" Katakataka. "Ano namang magagawa ko bilang multo?" Hindi siya sumagot bagkus sabi niya lang "Follow me!" Sumunod na lang ako sa kanya. Wait is this his house? "Anong gagawin naten?" Out of curiousity. Pumasok siya sa kwarto niya at sinara. Well tumagos ako yun nga lang wrong move nagbibihis pala siya. Quingina kita ko nakabrief lang Oo brief lang wala ng iba. "Shit wala akong sinabing pumasok ka!!" He shouted. "Sorry?" Nakita ko namang may lumabas sa kabilang kwarto na babaeng naka police attire ganda ah?
Kumatok ito saka nagsalita "Son Jerald are you okay?" Tanong pala ng Mommy niya. "Yes Mommy may ipis lang kasi." Sagot ng kumag kinumpara pa ako sa ipis vuweeset! "By the way Son, Aalis na si Mommy gabi kasi ako naka duty dapat before seven pm nasa head quarters na kami"
"Okay Mom ingat." Umalis na yung Mommy niya.
"Pumasok ka na!" Tumagos na lang ako, wala namang silbi kung pagbubuksan pa ako ng pinto.
"So whats the condition?" Tanong ko. Unti unti siyang lumalapit sa akin. Ang pinagtaka ko nahahawakan niya ako sa dalawang magkabilang pisngi.
"Hoy hoy!" Saway ko ipushed his chest toward me.
"If you think that i will make love to you, You're wrong duh! Assuming, Chineck lang kita kung malapit ka ng sunduin ni Kamatayan but probably no!"
"Ha!?" Taka kong tanong.
He sighed "okay ill Explain to you, Kapag nahahakawan ko pa ang kaluluwa it means hindi mo pa oras but if i cannot touched you sorry susunduin ka na ni kamatayan and that ability is only had a third eye like me" pagmamayabang niya.
U-moo na lang ako.
"The condition? Im waiting" then i crossed my arms.
"My condition is...
![](https://img.wattpad.com/cover/117268849-288-k356592.jpg)