MGG : 6

1.5K 56 0
                                    

Jerald's POV

Nagising ako sa isang restaurant na maganda yung parang kaharap ko.

"So? Nasurprise ka ba babe?" Tanong ng isang babaeng ubod ng ganda.

Ngumiti ako ng sobrang lapad. Itong babaeng ito ba ang lolokohin ako? Hindi. Isang kasinungalingan. Napakimpossibleng mangyari.

"Ikaw lahat nagplano nito?" Tanong ko.

"Yes ofcourse. Lets eat?"

"Iloveyouuu..Alam kong hinding hindi mo ako lolokohin." Medyo nagulat siya sa last kong sinabi.

"Where did you get that idea na lolokohin kita?"

"Nevermind babe lets enjoy our momthsarry."

Masaya naman ang nangyari sa akin ngayong araw.

Yun nga lang pag-uwi ko may dalawang tao, ay isa lang pala yung tao yung isa multo.

"Bat nandito kayo?"

"Nandito ako para mag apologize sayo..dapat pala hindi ako nangielam sa inyo ni Anjie." Sabi ni Renren.

"Oo nga Jer." Nilahad ng babae ang kamay niya sa akin. "Ako to si Joan?"

"Ikaw na ba yan? Its okay Renren. Sige una na ako." Papasok na sana ako ng magsalita si Renren. "Pwede ka bang makausap?"

"You are talking to me right now." Im trying to be cold to him. But may nagsasabi sa utak kong wag. Diko alam gumulo kasi sa utak ko tong si Renren simula nang magkatampuhan kami. Simula pa lang bata kami hindi lalaki ang tingin ko sa kanya kundi babae.

"Pls an hour lang?"

"Okay follow at my room."

"Bes una na ako sa inyo ah?" Sabi ni Joan.

--

Renzy's POV

Umamin ako kay Joan na bata pa lang hanggang ngayon gusto ko si Jerald. Kaya ito kami ngayon hinihintay siyang umuwi. Bumaba siya sa tricycle mukhang masaya siya pero napalitan ng makita ako.

Tama kaya tong pakulo ng bestfriend ko na umamim sa kanya? Sabi kasi niya umamin daw ako hanggat maaga para wala daw akong pagsisihan sa huli.

Tawagin niyo na akong malandi pero okay lang alam mo yon? Parang sasabog na yung kaluluwa kp pag diko pa inamin to.

Sumunod ako sa kwarto niya gaya ng sabi niya.

"Salita? Nagsisimula na oras mo!" Cold niyang sabi.

"Kasi.."

"Kasi ano?"

"Gusto kita. Dati pa."

"ANO?"

"SABI KO GUSTO KITA!" Nakayuko na lang ako niyan.

Natahimik siguro ng isang minuto bago nagsalita.

"Ah? Siguro kaya gusto mong siraan si Anjie kasi gusto no ako? Grabe ganyan na pala ngayon ang kilala kong Renzy gagawa ng paraan para ano? Para sumaya siya at makasira ng buhay ng ibang tao?"

"Pero Jerald. Totoo lahat ng sinasabi ko at kahit kailan hindi ako nagbago sinasabi ko lang ang nakikita ko. Dahil Gusto kita ayokong nakikita kang nagmumukhang tanga. Ayoko non.."

"Ayaw mo? Pero ano yang ginagawa mo? Desperado."

"Putangina!! Ako desperado? Nagmahal lang naman ako ah? Wag kang magbulagbulagan Jerald. Okay lang sa akin kung hindi mo ako mahalin basta hindi ka lang masaktan. Kasi ang sakit sakit pag nakikita ko kayong magkasama ni Anjie."

"Ewan ko. Naguguluhan ako. Gumugulo ka sa pinakaloob ng utak ko. Ano bang ginawa mo sa akin? Hindi ko alam parang gusto na din kita pero mahal ko si Anjie."

Biglang nagiba yung pakiramdam ko. Parang nawawala ako.

"Jerald.." Tawag ko sa kanya tumingin siya sa akin.

"Renren? Anong nangyayari sayo naglalaho ka! Hindi hindi ka mamatay hindi pwede!!!!!!!!"

"Siguro huli na ang lahat. Mawawala na ako sana sana mamulat na ang lahat sayo. Paalam!" Pakiramdam ko non nakatulog ako ng mahimbing.

--

Joan's POV

Pauwi na ako non. Sana lang maayos ang lagay ni Renzy don sana di siya ireject ni Jerald bibigawasan ko talaga yon.

Biglang nagring yung phone ko.

Tumatawag ang Mama ni Renren.

"Hello po tita?"

"Anak Jo, punta ka dito nag-aagaw buhay si Renren ko."

Tumayo yung balahibo ko. Gusto ko mang lumipad na papunta don sa ospital.

Pagdating ko don. Nakita ko si Tita nasa labas ng kwarto ni Renren. Umiiyak!

"Kamusta na po si Renren?"

"Ija! Nasa loob siya sinusurvive siya ng doctor. Binabantayan ko siya ng nagmulat siya bigla na parang umiiyak tapos pumikit saka bigla na siyang nag collapse." Hagulgol ni tita.

"Hindi po pababayaan ng Diyos si Renzy tita."

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

Tumango kami.

"Napakaimpossible po ng nangyari akala namin hindi na siya magigising isang milagro at gising po ang anak niyo. Pasok po kayo."

Parang lumiwanag ang pakiramdam namin ng marinig namin yon.

Pumasok kami sa loob nakita namin ang mukhang nakangiti ni Renzy.

Niyakap siya ng nanay niya.

"Salamat sa Dyos at nagising ka."

--

Renzy's POV

Pagmulat ko. Nasa isang lugar lang ako na kulay puti. Walang katapusang kulay puti. Sa di kalayuan nakita ko si Itay. Lumapit ako dito at yumakap.

"Itay? Patay na po ba ako?"

Nginitian lang ako nito.

"Anak? Hindi mo pa oras. Ipikit mo ang iyong mga mata. Marami ka pang dapat gawin sa mundo kasama ng iyong Ina."

Kusa ng pumikit ang dalawa kong mata.

Pagmulat ko. Nakita ko ang paligid na nakahiga ako sa kama ng ospital. Papalapit si Inay ar Joan sakin.

"Salamat sa Diyos at nagising ka."

"Opo Inay sobrang bait satin ng Dyos."

Tinignan ko si Joan. Ngumiti ako dito nang mapait.

"May kelangan kang ikwento sakin bes."

Napagdesisyunan na lang namin na lumabas na lang. Hinatid pa kami ng albulansya hanggang sa bahay namin.

Naghanda si Mama ng napakadaming pagkain ang tagal ko ding nakahiga hello namiss kong chumibog. Need ko lang na 1 week rest tapos pwede na daw akong pumasok makakahabol pa daw ako may sasagutan lang akong activities 2 months lang naman akong nacomatose eh.

--

Jeralds POV

Ayoko ng nararamdaman ko. Pilit kong pinipigilan pagkasama ko si Anjie siya ang naiisip ko.

Isang araw pumunta ako sa ospital kung nasan siya naka confine.

Ngunit wala na raw ito dito. Nagising na daw kasi si Renzy. Masaya ako para sa kanya. Laglag balikat akong lumabas.

"Ah sir? Yung hinahanap niyo po ba yung baklang parang babae? Alam ko ho kung nasan nakatira yon. Hinatid ko sila nung mismong araw na nagising yung pasyente."

"Talaga ho? Pwede niyo po ba akong samahan?"

Tumango siya.

"Naku kuya maraming salamat po." Niyakap ko pa ito.

My gayfriend ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon