Renzy's POV
"Ayoko nga." Pag di sang ayon sa kondisyones ng kurimaw na to.
"Madali akong kausap kung ayaw mo makakaalis ka na" Sabay higa niya sa kama niya.
"Bakit naman kasi ganon yung kondisyon mo?"
"Bahala ka nga. Ikaw lang yung multong maarte!"
"Okay payn. Kelan ko ba gagawin yon?"
"Bukas din, Ill say to you the instructions."
Tumango na lang ako.
"Goodnight baklang nagmumulto" sabay ngisi niya.
"Hindi ako nagmumulto no! Comatose lang ako pag ako nagising na kokonyatan kita."
"Hahahaha. Eto naman pikunin, Ano pala pangalan mo?"
"Im Renzy"
"Nice name ha? Im Jerald." Sabay abot niya ng kamay.
"I know it already binanggit ng mommy mo."
Ayoko siyang makasundo. Kung wala lang akong kailangan sa ulupong na to nilayasan ko na.
Humiga na ang Jerald sa kama niya. Pinagmamasdan lang siya kasi naman gwapo pala to lalo na pag walang salamin sa mata. Kung itatanong kung natutulog ba kaming mga multo? NO is the answer emotion lang yata meron kami di rin ako makaramdam ng pagod ewan ko.
"Wag mo nga akong titigan." Sabi ni Jerald habang nakapikit.
"Kapal ng mukha mo." Sabay alis ko don. Bukas na ako babalik sa bahay ng unyango na yon.
--
Hindi ko alam, Daily routine na siguro ng kaluluwa ko ang gumala gala minsan pupunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko. Minsan naman sa room namin. Nakikinig sa tinuturo ni Maam. Nalulungkpt ako pag nakikita kong bakante lagi yung upuan ko na may pangalan ko.
Ang bilis ng araw mag-uumaga na bago ko pa makalimutan agad na akong nagpunta sa bahay ng asong ulol.
Hala alas siete na pero tulog pa ang ungta.
Hinipan ko ang tenga neto para magising ito.
"Ano ba!! Epal naman tong baklang multo na to." Sabi niya yon with his husky voice.
"Tumayo ka na kaya, Its almost past 7 na."
"I dont care, I can do what i want."
"Sasaniban kita? Para magbihis diyan?" Pananakot ko.
"As naman kaya mong gawin."
Akala ko effective na eh. Yung ang realidad sa palabas lang pwede yung multo sumanib pero sa totoong buhay? Nah! Hindi applicable nakakainis naman.
Umupo siya sa edge ng kama niya, Messy pa ng buhok niya. Gwapo niya don pero yung ugali ekis.
Sasabihin ko na nga yung kundisyones nito. Niloko daw kasi siya ng jowa niya pinagpalit siya sa kateam mate niya sa basketball. May training daw sila bukas which is ngayon. Pag nag shooting daw sila isa isa hubaran ko daw yung lalaki. Nakakadiri siya kasi lahat daw huhubarin ko. Tuwang tuwa pa nga siya habang sinasabi yon pero halata mo yung sakit sa mata nya habang tumatawa ng peke.
"Tara na? Excited na ako." Gulat na lang ako ng bihis na pala siya at ligo na din. Ang tagal ko ba nag emote oh? Mabilis siyang kumilos?
Parehas lang pala kami ng skwelahan. Pero bakit diko nakikita to? Varsity pa ng basketball ang isang to? Waw. Pinapanuod ko lang siya magaling magaling three points shooter pala. Ekis ka pa din.
Nakaupo lang ako sa bleacher habang pinapanuod si Jerald. Habang nagmumuni muni ako. Nakita kong pumasok sa covered court si Anjie kasama ang isang lalaki, Classmate ko tong si Anjie hindi kami close kasi ayaw niya saken or i must say homophobe siya, bah! kasalanan ko ba na yung tatay niya tatay din ang gusto? Triggered lagi siya pag nakikita ako. Minmalditahan ako lagi niyan. Fuck girl naman. Maputi lang naman siya.
"Hoy!" Nabalik lang ako sa ulirat ng sigawan ako sa tenga ng Hunghang na to.
"Oh?" Sagot ko pero di siya tinitignan. Tumabi siya saken.
"Kita mo yung lalaking may kasamang magandang babae? Yung lalaki mukhang chonggo?"
"Si Anjie ba?"
"Yes, pano mo nalaman?" Taka niyang tanong.
"Eh malamang classmate ko yan!"
"Ha? Bakit hindi kita nakikita dati sa room niyo pag hinahatid ko siya?"
"Ewan ko sayo. Ano namang pake ko sa inyo?"
"Selos ka no?" Kapal.
Saniban ko kaya to saka ko pagsasampalin ang sarili niya.
"Nakalunok ka ba ng aircon?"
"Joke lang. Ano ganto plano naten ha? Pag nagshoor na ang Raul, si-Raul-o na yan hubaran mo ah?"
"Teka? Si Anjie ba yung ex mong niloko ka?"
"Sige ipamukha mo pang niloko ako, Mahal na mahal ko yan si Anjie Mendoza, Wala eh pinagpalit ako sa Raul na yan pero kahit niloko ako ni Anjie i still love her."
"Luh ang drama mo. Bakla ka boy no? Mas beki ka pa saken."
Nagpito na yung coach nila hudyat para sa indvidual shooting.
Nung si Raul na, Yung pwesto niya dun sa free throw? Nakangiti pa ang Anjie hindi man lang nahiya dito kay Jerald.
Tutal angry din ako kay Anjie bery light lang.
Tumayo ako saka ko. Pumwesto sa likuran ni Raul, Saka ko binaba yung short ni Raul. Napatakip ng Mata si Anjie. Pavirgin? Eh fvckgirl ka nga wag ako iba na lang.
Tawanan lahat ng kateamate niya pero mas nangibabaw ang halakhak netong Jerald na 'to.
Nagthumbs up si Jerald at nginitian ko na lang siya.
Hanggang sa pag-uwi tawa pa rin siya ng tawa.
"Grabe yung itsura ni Raul, priceless sayang walang video tas inupload ko. Viral yon HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nakahawak pa siya sa tiyan niya.
"Bah? Sayang saya, Ang kasunduan?"
"Panira naman to ng moment tsk. Sige bukas san ba nakaratay katawan mo sang sementeryo?"
"Quingina ka, Comatose ako hindi patay gago!"
"Chill. Nagjojoke lang naman ako eh."
"Di nakakatuwa!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/117268849-288-k356592.jpg)