Jerald's POV
Nakakainis yung bwst na bakla na yon. Siraan daw ba si Anjie sa akin kung ginagawa niya to dahil Hindi ko siya tinutulungan pwes. Hinding Hindi ko na talaga siya tutulungan kahit kailan aba ang kapal naman yata ng mukha niya.
Katext ko ngayon si Anjie, magkita daw kami sa park ng 9pm may pupuntahan kami dahil 7 months na kaming nagmamahalan ngayon.
Naka khaki short lang ako na light brown, sneakers na sapatos at gray v-neck shirt. Gusto kong maging simple sa harap niya. Binrush up ko po ang buhok ko at nagshave pa ako ng bigote para mas malinis at gwapo akong tingnan.
Tinawagan ko siya nandon na daw siya.
Dumaan muna ako sa flower shop saka bumili ng white rose. Sabi kasi nila pag binigyan mo daw ng white rose ang isang tao it means love.
Pagdating ko sa park, Nakita ko siya na nakaupo sa may bench naka white dress lang siya na off shoulder, Hay napakaganda pala niya sobra walang lalaki ang hihindi sa kanya. Thankyou lord!
"Hi.." Nahihiya kong bati sa kanya na akala mo ngayon lang kami nagkakilala.
"Hi." Bati niya din saka siya tumayo. Pinagsalikop niya ang kamay namin.
"For you.." About ko sa kanya ng white rose.
"Thankyouu." Halik niya sa labi ko.
"San nga pala ang pun----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may nagtakip sa bibig ko saka ako nawalan ng malay.
--
Renzy's POV
I was too dumb to notice
That theres somethin about you
TANGINANG KANTA YAN, LAKAS MAKAEMOTE NAKATAMBAY ANG WALANG KWENTA KONG KALULUWA SA LUGAWAN NAKATINGIN SA MGA KUMAKAIN AT BAKIT BA HINDI NAWAWALAN NG MAG JOWA DITO SA MUNDO.
LALO NA NGAYON ITONG DALAWANG LABIRDS NA NAGSUSUBUAN NG LUGAW BAKIT AKALA NIYO BALDADO MGA KATAWAN NIYO AT HINDI NYO KAYANG MAGSUBUAN? NABUBUWST LANG AKO LUMAYAS NA LANG AKO. PUPUNTA NA LANG AKO KILA JOAN TITIGNAN KO LANG YUNG BABAENG YON.
Pagdating ko sa loob ng bahay nila nakaupo siya sa sala sa sofa katabi si Renato? Teka kelan pa sila naging close kaharap nila ngayon ang isang albularyo? Ano na engkanto ba to si Joan? Sabi na eh kaya pala loka loka.
"Uy kuya Pedro ano na po ba? Nakikita niyo na po ba kung nasan ang kaluluwa ni Renzy?" Tanong ni Joan sa albularyo. May pinapatak ito sa bowl na tunaw na kandila maski ako nakasilip.
"Wag kang magmadali ija." Nagpatak patak pa siya. "Hindi ko alam kung nasan ang kaluluwa niya." Dismayadong sabi ni Albularyo.
"Ano ba yan mang Pedro nangalay na eyeballs ko kakatitig diyan, pano namin sya makakausap?" Iritang sagot ni Joan.
"Hmmm. Buksan natin ang thirdeye mo." Alok sa kanya ng albularyo.
Napatingin siya kay Renato. Saka nagsalita.
"Sige po Mang Pedro papabuksan po namin." Sabi ni Renato.
"Wag kang feeling ijo. Isa lang ang pwedeng buksan manghihina ako sa gagawin kong ritwal."
Napahiya si Renato namula siya gagong albuaryo to.
Nilapat ng albularyo sa noo ni Joan ang kanyang hinlalaki.
"Pumikit ka!" Utos nito kay Joan.
"Wait lang po, forever na po ba ito?"
"Hindi naman pansamantala lang siguro tatagal ng isang linggo, isang linggo kang magtitiis sa mga makikita mong mga kaluluwa." Napalunok ng laway si Joan.
"Sige po para sa kaibigan ko gagawin ko po." Pumikit siya saka pumikit din ang albularyo.
May binubulong ang albularyo na Latin words tapos biglang nawalan ng Malay ang aking kaibigan.
"Ano pong nangyari?" Tanong ni Renato sa albularyo.
"Wag kang mag alala ganyan talaga ang epekto niyan pag gising niya. Bukas na ang ikatlong mata niya." Sabi ng albularyo. "Sige na akoy tutuloy na." Tumango si Renato.
Sinakal sakal ni Renato si Joan para magising joke lang! Tinapiktapik lang niya sa pisngi. Medyo na kinusot kusot ng mata si Joan.
"Anyare?" Tanong ni Joan.
"Anong pakiramdam mo?" Tanong ni Renato dito.
"Okay lang nasan na yung albularyo na yon bwst yon akala ko kukunin ako ng lupa."
"Pssst.." Sit sit ko.
"Halaaaaaaa!!!!" Sigaw niya. "Nakikita na kitaaaaaaaa bessyyyyyy!!!!" Mangiyak ngiyak niyang saad.
Lumapit siya saken para yakapin ako pero hindi niya nagawa. Ewan ko kinabahan ako ng hindi niya ako nahawakan. Naalala ko lang yung sinabi ni Jerald. Hindi kaya malapit na akong mawala?
Wag naman sana.
"Kamusta ka na?" Tanong niya.
Kinuwento ko sa kanya lahat lahat pati yung kay Anjie at Jerald. Ayun nga kababata namin si Jerald.
"Talaga yung si Jerald yung kababata naten dati?" Tumango ako. "Ang pogi kaya non yun nga lang ang gf kadiri, pumupunta sa room naten yun saka supersikat sa school."
"Sikat? Hindi ko nga kilala yung hayop na yon." Sabi ko. "Puro ka kasi Renato." Sabat ni Joan sakin.
"Hello nandito po ako?" Sabi ni Renato na OP yata.
"Sorry ha?" Sabi ni Joan.
"Bat nga pala yan nandito? Yan?" Tanong ko kay Joan.
"Ano.. Huy Renato bat daw andito ka?"
Tumingin sa baba si Renato.
"Ahhm. Ano kasi Renzy kung nakikinig ka, gusto Kong aminin sayo na gusto kits. Matagal na."
Natulala lang ako. Kasi simula pa lang nung Grade 7 ako hanggang ngayong Grade 12 crush ko na siya. Pero bakit hindi ako kinikilig sa kanya?
"Huy bakla natulala ka na diyan? Ayie kinikilig! Crush mo si Renato diba? 6 years mo na siyang crush. Dream come true." Sabi ni Joan, kahit kelan talaga pasmado bibig neto.
"Tigilan mo ako, May naalala lang ako."
Nagkwentuhan lang kami ni Joan lahat ng nangyari sa akin. Basta yung kagagahan namin. Tapos nagdecide na umuwi na si Renato. Pag gising ko daw manliligaw daw siya. As if magising pa ako.
"Ikaw kamusta kayo ni Jm?" Nagiwas lang ito ng tingin.
"Actually hindi maganda nangyari sa akin at sa kanya. Ewan ko isang araw nakita ko may kasamang babae kaya pala hindi na ako tinitext itsura ng babae hipon. Nang gigil ako bes gusto kong ipakain sa kanya lahat ng pangako niya hanggang sa mabilaukan." Nanggagalaiti niyang sabi.
"Hayaan mo na, dami dami diyang iba. Madami ka namang manliligaw si Francis bat hindi na lang siya? Tagal tagal na nun naghihintay sayo ah?"
"Ay nako saka na. Kaya ayokong magmahal eh."
"Sus, ang drama mo."