Renzy's POV
Mabilis pa sa pagkalat ng scandal ni Dora, ang usapan sa aming dalawa ni Jerald sa naturang skwelahan namin. Well flip hair na lang ang ginagawa ko. Ang tingin kasi nila makakapatay eh. Hindi nila matanggap na sa isang bakla tinamaan si Jerald. Naka-akbay pa sa akin kasi tong unggoy na to ayaw ko nga pero mapilit.
"Sige na punta ka na sa room niyo?!" sabi ko sa kanya ng nasa pintuan na kami ng room ko.
"Sige bye" sabay halik nanaman niya sa labi ko.
Napangiti na lang ako sa ginawa ng boyfriend ko. My ghad boyfriend ko. It means akin pag-aari ko.
Pagharap ko sa classmates ko mga nakangiti sila lalo na si Bes.
"Kamusta naman kahapon?"
"Ayon. Thankyou Bessy ko salamat sa inyo ng bebe Francis mo hahahaha. Boto na ako don sagutin mo na kasi."
"Malapit na no! Basta ikaw eh kayo ba?"
"Kami na kagabi pa"
"Owemjiiiii!!!"
Tinakpan ko yung bibig niya.
"Congrats."
Singit ng isang boses sa likuran ko. It was Anjie.
"Thanks."
"Bagay kayo. I'm happy to both of you sana maging friends tayo?" lahad niya ng kamay niya. Kahit Hindi mukhang sincere nakipag kamay ako sa kanya.
"Friends."
"Bes wala akong tiwala diyan sa glutatawas na yan"
"Glutatawas?"
"Oo bes may pangbili gluta pero tawas wala hahahahaha"
"Gaga ka marinig ka niyan nakipag-ayos na nga siya kahit paano eh hayaan na lang naten."
"Basta ako bes wala akong tiwala sa tikas ng babae na yan"
"Sus malay naman naten bes nagbago na diba?"
"Omg the hell!!!!"
fast forward uwian na namin. Syempre sabay kami ni Jerald nakasakay sa kotse niya akala ko ba naman ihahatid ako sa bahay namin eh. Dumiretso pa kami sa kanila.
"Wag kang mag alala naipalam na kita kay Tita alam ko naman yung sasabihin mo eh, Kaya inunahan na kita."
"Ano bang gagawin natin dito?"
"Ipapakilala kita kay Mom!"
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Paano kaya kung ayaw niya sa akin? Hindi katulad ni Anjie maganda at tunay na babae pa ano naman panama ko sa kanya diba? butt hurt.
"May next time pa naman diba!? Saka ang haggard ko saka na."
"Kung iniisip mong di ka tatanggapin ni Mommy wag kang mag-alala I'm here di kita papabayaan." Sabay hawak niya ng mahigpit sa kamay ko. I feel safe.
"Hay! Sige na nga"
"Let's go?" tango na lang ang naisagot ko sa kanya.
Dumiretso kami sa sala ni Jerald magkahawak kamay kaming pumuntang sala. Bumungad sa amin ang nanay niyang nakasuot ng uniporme ng pulis.
"Good Afternoon po Ma'am" bati ko.
Nginitian ako neto. Napadako naman ang tingin nito sa kamay naming magkahawak.
"Mom? Si Renzy po. Kasintahan ko po."
Napayuko ako sa narinig kong pahayag ni Jerald sa nanay niya walang pakundangan ang bibig ni Jerald na ipakilala ako sa nanay niyang pulis na anytime pag di niya ako tanggap barilin na lang ako.
"Maupo kayo." Maotoridad na sabi ni Tita. Assuming ka teh?
Umupo kami.
"You're Renzy? Yung anak ni Mira? I'm glad you're finally awake."
"Yes Ma'am"
Tumawa ito ng mahinhin.
"Don't call me Maam, Call me Tita."
"Sige po Ma-- este Tita po"
"Well, sa kaso niyo ng anak ko? Na magkasintahan? Walang problema basta ako doon ako sa ikakasaya ng anak ko diba Son?"
"Thankyou Mom! Iloveyou" lumapit si Jerald dito saka niya hinalikan sa labi.
"Oo na, by the way aalis na ako. I had my duty na e."
"Ingat po!"
Parang nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan. Grabe akala ko talaga di ako matatangap.
Medyo naiyak ako na napansin naman ni Jerald.
"Why are you crying?"
"Wala naman akala ko kasi Hindi ako matatangap ng mama mo eh"
"Tsk. Sabi ko naman sayo trust me! Tara hatid na kita?"
Tumango na lang ako.
--
Jerald's POV
One week na kami ni Renzy the feelings is the same mas lalo pa ngang lumalalim e.
I texted him na dumiretso siya sa Café Madera mamayang uwian which is 3pm. Ill dated him ayaw niya ng sosyalin masyado gusto niya sa isawan, fishballan, Lugawan or café.
Then 3pm came im excited to see his face smiling and blushing because of me. Until suddenly I forgot something in library I need to find some books related to our thesis.
Tumitingin ako sa book shelves when I hear someone asking for help.
"Is somebody there?" sigaw ng isang Boses masyadong malawak ang library namin para marinig ng librarian. Paglapit ko. I saw Anjie namimilipit sa sakit naipit ng hagdanan ang kanan niyang hita. Naawa naman ako sa kanya. Agad ko siyang nilapitan
"Are you okay?" nagaalalang tanong ko dito.
"No. Pls help me?"
Tinanggal ko yung bakal na hagdan na nakabagsak sa binti niya.
"Hindi ko kayang maglakad Jerald. Buhatin mo ako pls?" sabi ni Anjie while crying.
"Okay okay. You'll be fine" binuhat ko siya pa bride style. Papuntang Clinic.
"Anong nangyari?" tanong ng nurse sa clinic
"Nadaganan po ng hagdan eh."
"Okay okay pahigain mo siya ijo."
Medyo nagtagal pa kami dahil habang tinitignan si Anjie siya namang iyak nito. Naawa naman ako dito kahit papaano may pinagsamahan naman kami.
"Ijo pwede mo ba siyang ihatid sa kanila? di kasi siya pwedeng maglakad na siya lang eh."
"Sige po."
"Uhmmm thankyou Jerald ah? Salamat." then she kiss me in my lips.
"Walang anuman pagaling ka."
Sumakay na ako sa sasakyan. Kawawa naman si Anjie. Sheeeeet!!!!! May usapan pala kami ni Renzy ngayon pagkatingin ko sa orasan ko its already 7:03 pm na. Dali dali akong nagpatakbo ng sasakyan halos paliparin ko na nga yung kotse ko. Shet na traffic pa ako. Saktong 7:58pm na ako nakarating nagsasara na sila. Agad kong tinanong yung crew.
"Kuya meron po ba kayong napansin na customer na kamukha ng uniform ko? Medyo maliit siya?"
"Ah? yung binabae bang mukhang babae? nako kaalis lang Hindi nga umorder iyon puro tubig lang kanina pa nga po yung alas tres dito hanggang sa magsara na ho kami. Kaawa awa nga po yung itsura e. Sige po aalis na ho kami."
"Thankyou po kuya." agad kong tinawagan yung number niya pero Hindi sumasagot.
Shet!!!!!! Damn!
![](https://img.wattpad.com/cover/117268849-288-k356592.jpg)