MGG : 3

1.8K 59 2
                                    

Renzy's POV

Gagong Jerald yon, sabi saken hintayin ko daw siya ng maaga sa tapat ng ospital. Aba tanghali na, Tangina niya ihahampas ko yung mga aparatus na nakakabit sa katawan ko sa pagmumukha niya.

Kingina wala pa din pala ang hudyo! Gabi na wala pa din talaga. Hanggang inugat na mga paa ko dito salamat siya hindi ako napapagod imbyerna nga lang parang gusto kong ipatawag lahat ng multo at sugurin ang impaktong Jerald sa kanila.

Dahil ang ganda ko para umasang dadating siya? Hindi na ako umasa sasaksakin ko ng injection yang lalaki na yan pag ako napikon.

Humanda ka saken bukas talagang tungunu mung Jerald ka! Pupuntahan kita. Imbyerna akong pumunta sa kwarto ko. Laking gulat ko ng makita ko ang Crush-mate kong si Renato Gonzales na may dalang calachuci? De joke white rose. May pa bulaklak kuya mong Renato ano eksena neto? Are we close tanggap ko pa kung si Joan nandito bat malungkot siya nakaharap sa may paanan ko. Kamukha ko talaga si Liza, Oo na Liza Seguerra na.

"Kamusta ka na? Renren? Namimiss na kita kelan ka papasok? Kelan ka gigising pasensya ka na ha? Diko sayo to naparamdam nung gising ka pa, Tapos ngayon ganto nga at aamin ako sayo nakahiga ka impossibleng marinig."

Hanudaw? Si Crushie? Nagcoconfess omaygas natatapakan na yung hair ko. Kelangan ko ng bumili ng pamusod.

Tapos hinalikan niya ako sa Noo. For real my gas!!

"Sige na, Renz alis na ako. Bukas ulit." Natulala lang ako habang palabas siya ng pinto napangiti ako dahil may nakakaappreciate pala ng ganda ko.

Emote pa sana ako tas biglang dumating itong si Joan, nag iiiyak.

"Bes? Huhuhu niloko nanaman ako ni Jm anong gagawin ko? Gara mo kasi kung mag syesta ka wagas wala na tuloy babatok saken.",

Yan kasi sabi na eh, putrages ka kung gusto ko mang hambalusin ka ng oxygen at hampasin ng ilaw para maliwanagan at magising ka sa natutulog mong puso.

Umiiyak pa din pala siya, Namimiss ko na to si Joan magbestfriend na kami simula bata hanggang magdalaga kaagapay ko na yan sa ginhawa at kalandian sa pagiging broken hearted niya sa exs niya ako naman sa mga crushes ko.

Naalala ko nga 8 years ago. Were 10 yrs old. Inaasar ako ng mga kalaro naming na bakla daw ako. Kumuha siya ng plastic cup at sumandok siya ng tubig gaming kanal saka niya sinaboy sa mukha ng mga batang lalaki nambubully sa akin. Galit na galit sa kanya yung mga lalaki na sinabuyan nagtatakbo kami hanggang sa maabutan kami ng mga batang bully akala namin noon masasapak na kami buti may dumating na batang lalaki para ipagtanggol kami ni Joan, If im not mistaken Jer ang binigay niyang name samin ni Joan hes cute yun yung first time na nagkacrush ako asan na kaya siya? Sana magkita pa kami.

Natapos ang pagmumuni muni ko sa pagtitig ko sa aking katawang lupang sexy oh buhat kama.

Tutal wala naman akong magawa ngayon ko na pupuntahan ang bwst na Jerald yan, Manda ka saken.

Nakatitig lang ako ng masama sa bahay ng ungas, Talaga nakakagigil ka ha! Dumiretso ako sa kwarto niya ng laking gulat ko ng nakahiga siya at..

Jerald's POV

Bakit ba ang saya saya ko? Kasi naman. Nakaganti ako sa si-Raul-o na yan paparty na ako. Laking pasalamat ko dahil tinulungan ako ng baklang multo na yon nagkasilbi din. Marunong naman ako tumupad ng usapan eh, Madami naman na din akong natulungang multo masarap sa pakiramdam.

Nakahiga ako sa kama at inaalala ang nangyari sa Raul na yon ng may nagdoorbell sa bahay.

"A-Anjie?" Takang tanong ko sa babaeng napakaganda. Halata sa boses ko ang kaba at saya ng makita ito.

"May kinalaman ka ba sa nangyari kanina?" Tanong niya, Nagiwas lang ako ng tingin.

"Wa-wala.." Palusot ko.

"Sinungaling ka!!"

Isang malakas na sampal ang binigay neto sa akin.

"Oo ako nga ang may gawa non, Masaya ka na? Hindi ko maisip na sa sobrang pagmamahal ko sayo nagawa mo pa akong ipagpalit sa iba bakit anong dahilan mo ha?" Shet nakakabakla na tong ganto i hate it.

"Alam mo kung bakit kita iniwan simpleng sex lang ang hinihingi ko sayo dimo maibigay?"

"Anjie ayoko nga eh, Ayoko kasi nirerespeto kita."

"Tanginang respeto yan" hinatak niya ako sa kwelyo at siniil ng halik.

"Mga hayop kayo anong ginagawa niyo!" Sigaw ng kung sino sa likuran ni Anjie.

"R-Raul?"

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ng hayop.

"Babe siya yang si Jerald pinakiusapan ko lang na wag na akong guluhin bigla akong hinalikan huhuhu."

"A-Anjie? Sinungaling ka."

"Hindi ako sinungaling ikaw nga itong naghahabol saken eh." Sigaw ni Anjie.

Sinapak ako ni Raul natumba ako saka niya ako pinagtatadyakan ewan ko parang hindi ko kayang gumanti sinipa sinikmuraan.

"Subukan mo pang gawin ulit yan kay Anjie magkamustahan na lang tayo sa impyerno."

Hindi ko alam paggising ko. May mga benda na ako sa katawan.

Nakita daw ako ni Mom nakahandusay sa labas. Sinabi ko na lamang na nakasagupa ako ng mga magnanakaw.

--

Renzy's POV

Ang kaninang galit ko kay Jerald napalitan ng awa. Puro pasa at sugat siya.

Nainis ako dito sa Anjie na to. Makati talaga kung ano kinaganda ng mukha amoy basura naman ang ugali pwe!

Pero kahit ginawa na daw sa kanya yon mahal na mahal niya pa din daw si Anjie.

Ewan ko parang may something na ewan akong naramdaman.

"Kamusta naman pakiramdam mo?" Tanong ko dito hirap na hirap kasi lumamon paano yung kanan niya pinang kakain niya samantalang kaliwete pala si Ungas.

"Okay lang tulungan mo nga ako?" Abot niya nung kutsara saken.

"Yaya ba ako?"

"Sige na?" Nagpapacute ba siya? May naaalala ako? Parang nakita ko na siya. Ay ewan!

"Waw ha? Pag ako nagising lilibre mo ako fries, ice cream, hot dog at burger"

"Sige ba? Pwede mo na makuha yung hotdog" sabay taas baba niya ng kilay.

"Gago ang manyak mo, dagdagan ko yang sugat at pasa mong hayup ka!" Napangisi na lang ako.

My gayfriend ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon