Renzy's POV
Ewan ko ba kung umaakting o malala pa din lagay netong Jerald na to sa utak charot sa natamo niyang sugat at pasa sa katawan. Isang linggo na kasi siyang nakahiga dito araw araw akong nandito sa kanila eh. Inuutusan pa ako palagi hindi ko na din masyadong nakikita yung nanay niyang pulis na mukhang miss universe ang ganda ganda kasi eh.
"Hoy ano ba? Di ka pa ba magaling naiinis na ako sayo ha?"
"Hindi pa eh, Ang sakit pa ng katawan ko pati puso ko."
"Yuck ang corny mo para kasi sa Anjie na yan deds na deds ka--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang nanay niyang pulis.
"Anak? May kausap ka nanaman bang ghost?" Hala. Pano niya nalaman?
"Yes, Mommy siya ang aking gayghost friend, baklang nagmumulto nagpakasagasa iniwan kasi ng boyfriend sabi ko nga kung ako boyfriend niya diko siya iiwan." Sabay kindat niya saken.
"Hoy kapal ng mukha mo." Sabay irap ko sa kanya.
"Really son? Kawawa naman anong name niya?"
"Yes, Renzy mom"
"Renzy what? Sounds familiar."
"Ano surname mo babe?"
"Ulul babe your face , Renzy Domingo"
"Domingo daw Mom, Renzy Domingo"
"Omg anak siya ni Ate Mira Domingo? Yung may anak na nacomatose nasagasaan ng van, Yan yung hawak kong kaso ngayon eh hindi pa kasi natutukoy yung nakasaga eh. Malapit na kaibigan ko si Mira matagal na anak? Nagkakilala pa nga kayo nun nung anak niyang binabe yung pinagtanggol mo sa batang nang-aasar sa kanya?"
"Talaga ba totoo? Mama si Renren?"
"Oo nak sige alis na ako ha?"
Napatingin ako kay Jerald nagulat ako kaya pala sa tuwing nakikita kp yung mga mata niya napakafamiliar kaya pala pag nakikita ko siya parang may kakaiba akong nararamdaman siya yung first love ko. Pero?
"Jer?"
"Ren.."
Namiss ko siya. Sabi na nga ba unang kita ko pa lang sa kanya gusto ko na mga titig niya at pag ngiti niya.
"Kaya pala hindi ko magawang magalit sayo, Nakakainis ka ikaw pala yan Jer"
"At hindi ko magawang hindi macute-tan sayo ikaw pala yan Ren."
"Namisa kita ah? Naalala mo pa si Joan? Hindi na siya madungis katulad nung kita mo samin. Chicks na siya."
"Talaga? Hayaan mo pag gumaling na ako, pupunta ako sa hospital na pinaghihigaan mo."
"Sige"
Ang sarap sa pakiramdam na nandito na siya may magtatanggol na pala ulit sa akin pero paano na lang kung?
Biglang may kumatok na malakas sa pinto niya. Pagkabukas napairap na lang ako ng sobrang taas.
"Babe?" Hulaan niyo kung sino? Edi ang bruhang Anjie may dala pang prutas sarap ipakain sa kanya lahat yon ng mabilaukan at itulak sa hagdan.
"Anjie.." At tuluyan na ngang naiyak itong Jerald na to. Tanga din eh. Sarap dagdagan ng pasa at tiklupin ng maliliit.
"Nandito na ako patawarin mo ako pangako hindi na kita ipagpapalit." Lumapit pa ang kulugong pakyunginang higad kay Jerald.
"Wag mo na akong iiwan." At naghalikan ang dalawa hello? Nandito ako no? Ano pornstar kayo?
Nakapokerface at nakatingin lang ako sa itaas at nakapangalumbaba.
Naimbyerna ako sa dalawa mamaya na ako babalik sa kanila pag wala nang aso at kelangan ko pang makausap mama ko.
Nasa labas lang ako ng gate hanggang nakita ko na lumabas ng gate yung Anjie, pumasok na ako sa loob ng kwarto niya. Ang chimpanzee nakangisi.
"Saya mo ah?" Walang buhay kong tanong.
"Syempre naman Renren , bumalik na kasi sa buhay ko ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." Puta ang sakit ah?
"Talaga? Ang galing"
"Bat ganyan ka sumagot?"
"Ha? Ano ba dapat isasagot ko?"
"Ewan ko sayo, kinukwentuhan ka parang di ka interesado. Dika ba masaya sa childhood bestfriend mo?"
"Masama pakiramdam ko. Alis na muna ako sige."
"Teka lang may sasabihin pa ako sa---" hindi niya na tinuloy yung sasabihin niya lumayas na ako.
Palusot ko lang yung masama pakiramdam baka sumasama pakiramdam namin. Nakakatawa diba?
--
Jerald's POV
Masaya ako na bumalik na siya sa akin. For the first time may nangyari sa amin that was so great basta iniisip lang namin yung sarili namin.
Masaya sana ako lalo na nung nalaman ko na si Renren ang multong kasama ko ngayon. Bigla nga lang siya nagiba ng mood.
Lumipas ang dalawang linggong hindi nagpapakita si Renren sa akin. Dalawang linggo na din simula ng maging kami ni Anjie sobrang saya ko alam mo kung bakit dahil lalo niya akong minahal mahal na mahal. Hindi din sumagi sa isip ko na pumunta ng ospital dahil palagi kaming magkasama ni Anjie.
--
Renzy's POV
Wala na bwst ako kay Jeral bahala siya sa buhay niya, naglalakad lakad ako sa park nang makita ko si Anjie 2 weeks na din kasi simula ng di ako nagpakita kay Jer.
Sinundan ko ito kasama si Jerald, Oo nagseselos ako eh diba first love never dies at naniniwala ako sa phrase na yan.
Buti naghiwalay na din ang mga higad naunang umalis si Jerald naiwan si Anjie nag kiss pa nakakadiri.
Hanggang sinundan ko si Anjie.
"Psst? Babe?" Tawag nito kay Raul?
Lumapit ito saka humalik kay Raul. Gago talagang babae to oh! Napakalandi manloloko.
"Ano nakahingi ka ba ng pera sa ex mong tanga tanga?" Tanong ni Raul.
"Yes, wais to"
"So tara na? Lets rock " naghalikan pa sila mga baboy.
So sobrang inis ko. Tinulak ko si Anjie ngunit napasama yata ito. Joke lang pala nasugatan lang yung tuhod niya.
Umalis na kaagad ako saka ako pumunta papunta sa bahay nila Jerald.
Pagpasok ko sa kwarto niya nagcecellphone siya.
"Jerald? May kelangan kang malaman."
"Ano yon? San ka ba nagpunta ha? Namiss kita."
"Mamaya na tayo magkamustahan. Si Anjie nakita ko magkasa sila ni Raul niloloko ka lang nila. Pinperahan ka lang."
"What!? Ano bang kasinungalingan yan?"
"Hindi ako nagsisinungaling."
"Wag nga ako mahal ako ni Anjie mahal niya ako kaya niya ako binalikan wag mo nga siang siraan alam kong galit ka kay Anjie at wag kang mangigielam ha? Wala kang karapatang manghimasok at manira ng relasyon ng may relasyon bakit hindi ka na lang manahimik? Perwisyo talaga kayong mga multo sana mawala ka na. Nakakaimbyerna kang multo ka." Sunod na sunod na sabi niya saken.
"Oo nga no? Sino nga ba naman ako? DATI mong kaibigan na ngayon nagmumulto baklang di matahimik ang kaluluwa na sana tahimik na lang pasensya na ha? Nagmamalasakit lang naman ako at kahit kelan dikp forte ang magsinungaling and this is the last time na makikita mo ako."
Umalis ako ng masama ang loob ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas.