Prolouge

50 3 4
                                    

Prolouge.

_______________

"Isang bagyo ang inaasahang pumasok sa Philippine area of responsibility sa loob ng 24 oras ayon sa state---" 

Agad akong napairap at inilipat ang channel. 

"Heavy rains with lightning and strong winds due to thunderstorms are expected over---" 

Oh, please. 


Pinatay ko nalang yung TV at kinuha yung laptop ko. Napatingin ako sa bintana atsaka ko naramdaman ang kakaibang kaba. Makulimlim

Why?


Because I hate rains.


Nevermind. 

Pagkalog-in ko ng account ko, may nagpop agad na message. 

"UY BEKS!!!"

Napakunot noo naman ako. Ano na namang kabalbalan netong babaeng 'to? Pero dahil mabait akong nilalang, rereplayan ko. 

I typed, "Oh?" sabay send. 

Habang naghihintay ng reply niya, napatingin ulit ako sa bintana. Makulimlim pa rin. Padilim na ng padilim. Punyeta, araw! Wer na ba kasi u?  Nagbalik ang tingin ko sa laptop at may reply na siya. 

"Panoorin mo 'to, mamsh!" Reply niya. Napataas ang kilay ko ng makitang mayroon siyang sinend na link. 

Kalokohan. "ABA BA'T KO NAMAN PAPANOORIN YAN? MAMAYA MAY VIRUS PA YAN E!" I replied.

"It's up to you, gaga ka! Tingnan lang natin kung matatapos mo HAHAHAHA!!" Reply niya. Parang tanga lang. 

Madiin akong napapikit. Oh, gab. You know me well, ugh.  Nope, wala kang balak buksan iyon! Ugh! 

Wala nga ba?


Inis kong pinindot yung link at inantay magloading. Letche kasi si Gab! Alam niyang hindi ako matatahimik hangga't di ko yun nakikita, ugh. Binuksan ko ang phone ko at dali daling minessage si Gab, "habulin ka sana ng aso!!"


Hi.


Napaayos ako ng upo at natuon ang atensyon ko sa video. Isang matandang babae na nakajacket na black. Weird. What's this? Nagvavlog na matanda? Weird.


Kamusta?


Kung napapanood mo man ang video na ito, makinig kang mabuti sa akin. Uulitin ko.. makinig kang mabuti


Hindi ko alam pero habang sinasabi niya ang mga iyon, may iba sa pakiramdam ko.

Sundin mo lahat ng sasabihin ko. Tumingin ka sa langit. Pagmasdan mo ito ng mabuti

Hindi ko namalayan na lumakad pala ako papunta sa may bintana. Binuksan ko ito at tumingala. Pagmasdan mong mabuti.. Wala akong ibang makita kundi ang ulap na madidilim na tila ba'y malapit na ang pagsapit ng ulan. 

Ngayon, pumikit ka

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at umihip ang malakas na hangin.

Damhin mo ang ihip ng hangin at makinig kang mabuti sa aking sasabihin.. 

Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang mga bagay bagay. Weird. Inilabas ko ang aking kamay sa bintana. 

Nais kong sabihin sa'yo na... malapit na

Napatigil ako. Malapit na? Ang alin? La luna sanggre?


Lahat ng bagay ay nakaayon sa tadhana. At sa puntong ito, pinaglalaruan ka ng tadhana


Napadilat ako at lumingon sa laptop. Bumilis ang tibok ng puso ko. 

Kahit anong takas mo, wala kang magagawa.. Dahil ito ang nakatakda


Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng tubig sa aking kamay. Umuulan na. Dali dali kong inayos ang sarili at sinarado ang bintana. Tumakbo ako papunta sa kama kung saan nakalapag ang laptop at pinause ang video. Hindi ko alam pero, ugh, ang bilis ng tibok ng puso ko! Para bang... para bang... EWAN KO! Basta ang weird!


Napatingin ako sa bintana. Pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan. Hindi ko namalayan na kasabay pala ng pagpatak ng ulan..

   .. ang pagtulo ng mga luha ko. 



Umayos ako ng upo. Napangiti ako at napabulong,






"Hindi ko pa rin pala kaya,"










____________________________________________________________

A/N : Halu, guys! So first time ko ngayon. Actually, andami ko ng ideas about different kinds of stories pero never kong ginawa or natapos kasi tinatamad ako and minsan, wala ng ideas. Ang hirap ng dugtungan. Kaya goodluck sa akin HAHAHAHAHAHAHA. 

Since first time ko nga, siguro napakalowquality pa nito. Don't expect too much. MAHIRAP YUN MGA MAMSH! Masakit masaktan noh. 


You have been warned. Lovelots! 

RainWhere stories live. Discover now