[ 4 ]

30 1 0
                                    

Chapter Four

________

Napatingin ako sa orasan ko, 8:00 pa lang. 8:30 pa ang next class ko kaya may 30 mins pa ako.

Napatingin ako kay Eunice.

"Okay ka lang?" aniya. Napataas naman ang kilay ko, "Ba't naman hindi?"

Ngumiti siya ng tipid, "Wala. Lodi! Hindi ko akalain na ganun ka katapang. Si Samantha kasi? Kumbaga sa mga palabas, siya yung sa mean girls. Yung pinakamean. Siya yung kadalasan nakakatuluyan ng main character. Maganda, mayaman, matalino. Kaya wala talagang kumakalaban sakanya."

Napairap ako, "Maganda, mayaman, matalino? Okay na sana kaso nawawala yung mabait, e." Natawa siya. "Atsaka yung mga katulad niya? Yun yung mga kadalasang umuuwing kawawa kaya sus, hindi dapat ganun. Pantay pantay tayo dito,"

"Ikaw." Napatingin ako sakanya. "Maganda na mabait pa, nakakatuwang isipin na kahit papaano e naging kaibigan ko ang taong iyon. Sana.. ikaw ang makatuluyan ng main character. Yung mga katulad mo naman kasi ang dapat, e."

Natawa ako.


"Hindi ako yung makakatuluyan ng main character," ani ko.

"Ha?"

"Kasi ako yung main character." At nagtawanan kami. Talaga! Hindi pwedeng hindi ako ang bida.

Tumigil siya, "O'siya, sige na! Papasok na ako! Babye." Aniya pa niya at kumaway kaway pa.


Magkaiba pala kami ng schedule. Buti na lang magkaklase kami ni Gab sa 2nd subject ko kasi kung hindi, ugh, loner na naman ba ako? Napatingin ako sa orasan ko, antagal naman. Nasan na ba kasi si Gab?


Dahil madami pa namang oras, naisipa kong pumunta sa roof top. Paniguradong may roof top ang isang 'to. Hanggang 8th floor lang ang building na 'to pero malawak talaga. Para bang naexcite ako lalo kaya sinipag akong umakyat ng hagdanan.

Nang makarating akong fourth floor, parang di ko na keri pisti. Lumingon lingon ako at nakakita ng....


Oh!


Elebweytor!



May ganito naman pala, e! Nagpakahirap pa ako. Ang sosyal talaga ng school na 'to. Marami rin kasing mga estudyante at yayamanin talaga. Tumungo akong elevator at pinindot yung R. Roof top?

Nag-antay ako at ng bumukas ang pinto ng elevator, agad akong lumabas at para bang hinawakan nito ang puso ko. Mahangin dito at kitang kita mo ang mga building at mga ulap.


"Wow! Ang ganda! Ang ganda, ang ganda!!" Tila ba ako batang nagtatatalon pero hindi ko talaga kayang pigilan! Lumakad pa ako palapit at napapikit ng mariin. Dinama ko yung hangin. Wala na akong pake kung magulo pa yung buhok ko o ano.


"Ang ganda..." mahinang sambit ko nang mapadilat muli ako.

"Ang panget."


Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napalingon. "Sino yan?" Nilibot ko ang tingin ko.

May mumu dito?

"Hoy!" salita ko pa. "Ano ba, sino ba yan kasi, ha?!"


Napahinto ako sa pagsigaw ng may lalaking lumabas doon sa parang likod ng mga gamit gamit na ewan.


At tila bumagsak ang aking mga balikat sa nakita. Nagsalubong ang kilay ko. "Ikaw na naman?!"


Napairap siya, "It's me and you again."



RainWhere stories live. Discover now