[ 10 ]

17 1 0
                                    

Chapter Ten. 


_____________________________


Napadilat ako at agad napabalikwas. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa orasan, mag-aalasais na pala. Wala pa yata si Gab. Naghikab ako. Magtatanggal pa sana ako ng muta ng mahawakan ko ang pisngi ko... basa? Umiiyak ba ako? 


Saglit akong napatigil. Parang kumirot naman ang dibdib ko. 




Si Amir... 




Napaginipan ko ang story nina Amir at Feliah. Tumayo ako naghilamos tsaka nag-ayos. Lumabas ako ng kwarto, wala pa nga si Gab. Parang ang lonely ko tuloy.. mas lalo ko tuloy naaalala si Amir! Napasimangot ako. Pinili kong lumabas ng bahay. Napatingala ako. 


Magkasama na kaya sina Amir at Feliah ngayon? Wala na kayang humahadlang sakanila doon? ... nagkatuluyan ba sila doon? 


Napaupo ako gilid. Ang OA mo, alice! Humawak ako sa tuhod ko at saglit na kumalma. Kakalma na sana ako kaso parang nagflashback sa akin yung moment na umiiyak si Feliah tapos nakita siya ni Amir tapos dinala niya si Feliah sa lupain ng mga rosas. Yung time na yun, naghaharutan pa sila.. okay pa sila.. masaya pa sila..


UGH! Tinakpan ko yung eyes ko. Hindi ako matigil! Namumula na rin siguro yung ilong ko kakaiyak. Sisipunin pa nga yata ako, hays. Hindi na ako iiyak... hindi na talaga.. promise--- joke lang pala kasi bigla kong naaalala na namatay si Amir para kay Feliah. Nagsacrifice siya... ang unfair! Hindi pa rin sila nagkatuluyan! Mas lalo akong naiyak.. kasi kahit pala mahal nila ang isa't isa, wala silang magagawa kasi hindi sila tinadhanang magkatuluyan.. 



"Ang isang binibining katulad mo ay hindi dapat pinapaiyak ninuman," Napatingin ako sa boses na narinig ko. Napalunok ako. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko. "Alam mo.. mas maganda ka kapag nakangiti ka,"



*Dug dug*







*Dug Dug*







*dug dug*







Tumayo siya at umatras ng onti. "That's what Amir said when he saw a beautiful girl crying." Aniya at tumalikod. Pumasok na siya sa bahay niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.





Si Rain.







Si Rain na naman!





Napahawak ako sa may dibdib ko. Kumalma ka, please. Napalunok ako.. SINONG KAKALMA?! Tumakbo ako papasok sa bahay at agad tumungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang ballpen ko at ang notebook ko. Sabi ni sir gumawa daw ng reflection tungkol sa kinwento niya.



Napangiti ako at nagsulat.





Ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig? Tama si Sir, marami itong ibig sabihin. Para sa akin, ang pag-ibig ay naipapakita kahit pa hindi kayo nagkakatuluyan. Minsan maraming hadlang. Hindi pwede kasi hindi kayo bagay, mayaman siya.. mahirap ka. Hindi pwede kasi hndi ko siya gusto para sayo. Hindi pwede kasi nakasundo kang ikasal sa iba. Hindi pwede.. hindi pwede. Pero ang pinakamasaklap sa lahat ng hindi pwede ay.. hindi pwede kasi hindi sumang-ayon ang tadhana. Wala kang magagawa.. kasi hindi pwede. At doon napakita nina Amir at Feliah ang totoong pag-ibig. Nilabanan nila lahat ng hindi pwede.. kahit pa ang tadhana. That's love. Walang kasiguraduhan pero susugal. Kasi mahal mo, e. Kahit sa anong paraan, mas pipiliin mo na lang isuko yung sarili mo kesa isuko mo siya. Ang mga nangyayari ay nakaayon sa tadhana, pero dahil nagmamahal ka, mas pipiliin mong kalabanin ito. Naniniwala ako na kapag tunay ang iyong pag-ibig, walang sinoman ang makakahadlang sa'yo---kahit pa ang tadhana." 

RainWhere stories live. Discover now