[ 8 ]

16 1 0
                                    

A/N : Sobrang lab ko si Juanito at siya ang inspirasyon ko hehe. Ilang beses ko ng binabasa ang ILYS1892 pero still the best! Habang gumagawa ako ng makalumang storya, walang ibang nasa isip ko kundi ang pag-iibigan nina Juanito Alfonso at Carmela Isabella. Huhu, basahin niyo rin! 



Chapter Eight. 



__________________________________

"Eto nga pala ang aking bunsong anak.." Pagpapakilala ni Don Karlo sa kanyang amigo na si Don Julio. "Feliah, anak, siya si Don Julio.. ang aking pinakamatalik na Kaibigan." 

"Magkasing edad lang sila halos ng aking pangalawa sa panganay. Bueno, napakaganda mo, binibini." Wika ni Don Julio kaya't napangiti na lamang ang dalaga sa kanya. Nagkekwentuhan sina Don Karlo at Don Julio kaya't hindi na nila napansin na umalis na pala si Feliah. Nang mapansin ito ng kanyang ama ay agad itong napahilot sa kanyang sentido, 'tumakas na naman..' isip nito. Agad niyang inutusan ang guardiya personal para hanapin si Feliah. 

Sa kabilang banda, si Feliah ay mabilis na tumakbo palayo sa pagtitipon na iyon. Nanlaki ang mga mata ni Feliah nang marinig niya ang mga guardiya personal na nag-uusap. 

"Hay.. tumakas na naman yata si Binibining Feliah!" Wika ng guardiya. Agad na naghanap ng pagtataguan si Feliah ngunit wala siyang makita. Ang tanging nakita lamang niya ay ang puno ng narra. "Bahala na.." Wika nito at umakyat sa puno ng narra. Hindi siya sanay na umaakyat ng puno ngunit mas gugustuhin na niya dito kesa makihalubilo sa pagtitipon ng kanyang pamilya kasama ang kanya kanyang amigos nito. 

Nakahinga ng maluwag si Feliah nang makalagpas na sa pinagtataguan nito ang dalawang guardiya personal. Hindi na niya napansin ang isang ginoo na tumungo sa ilalim ng puno ng narra. Si Amir. Naupo ito at nais magpahinga dahil sa dami ng bisita ni Don Julio, ang kanyang ama. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng sigaw mula sa itaas ng puno. Agad siyang tumayo at tumingin dito. Naabutan niya ang isang binibini na nasa puno ng narra at tila ito'y malalaglag na. 

"Ah!" Napasigaw ang dalaga nang makabitaw ito sa kanyang hinahawakan at nawalan ng balanse. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pumwesto naman agad si Amir upang saluhin ang binibini. Napadilat na si Feliah nang maramdaman niya na nakapatong siya sa isang lalaki. Nung sinalo siya ni Amir ay parehas itong bumagsak. Nanlaki ang kanyang mga mata atsaka tumayo at inayos ang damit. Tumayo na rin ang binata. 

Dahil sa hiya, napasigaw si Feliah. "S-sino ka?!" Nagulat si Amir nang sigawan siya ng binibini bagamat tinulungan lamang niya ito. Marahil ito'y nahihiya dahil bumagsak ito sakanya. Napangiti si Amir at napagisipan niyang.. hindi katulad si Feliah ng ibang babaeng nakilala niya. 

"Kumalma ka, binibini. Tinulungan lamang kita." Pormal na sabi nito. Agad umiling si Feliah, "H-hindi.. wala naman akong sinabing saluhin mo ako!" Inis na sambit nito. 

Bahagyang napangiti si Amir. "Hindi naman maaaring hayaan na lamang kitang masaktan." Sa pagkakataong iyon, napataas ang kilay ng Feliah at balak pang magsungit. Ngunit si Amir, hindi niya alam pero iba ang dating sakanya ng binibini na 'to. 

"Ikaw si Amir?" Wika ni Feliah. Nagulat si Amir nang mapag-alaman ng binibini ang kanyang pangalan. "Ako nga." Sabay ngiti nito. "Ikaw? Ano ang iyong pangalan, binibining..? 

Tumingin si Feliah kay Amir, "Feliah. Ako si Feliah." 

"Binibining Feliah.. ngayon lang yata kita nakita?" Singhal pa ni Amir. Magpapaliwanag pa sana si Feliah nang marinig niyang may tumawag sa kanya. 

RainWhere stories live. Discover now