[ 5 ]

14 1 0
                                    

Chapter Five

______

Mabilis akong tumakbo patungo sa next class ko. HINDI AKO PWEDENG MALATE, MAMSHIE! Bago pa man ako pumasok ng room, sumilip muna ako sa bintana. Oh shoot! Andyan na yung prof! Napapikit ako. Papasok na ba ako o ano? Okay, papasok na lang ako. 







Wait.







Hindi ko kaya, shet! Kinakabahan ako! First day, second class, mapapagalitan agad ako? Pero.. hindi ako pwedeng hindi umattend ng class. Saglit akong pumikit at huminga ng malalim. Bumulong bulong pa ako sa sarili ko.

"Okay, alice. Papasok ka in three... two.."



Pinihit ko ang doorknob. "On---AH!"



Napatigil ako atsaka dahan dahan dumilat. At lahat sila sa akin nakatingin. Lumingon ako.  Pinandilatan ko ng mata yung lalaking nagtulak sa akin papasok. Halos gusto ko na siyang dambahan ng makita ko pa yung ngisi niya.



Narinig kong nag-ehem ang prof kaya napatingin ako, "Excuse me?"



Nakita kong sa akin nakatingin ang prof kaya ako ang inaantay niyang sumagot, "U-uhm.." Napalibot rin ako ng tingin at nakita ko si Gab na nakatingin sa akin na mukhang nagpipigil pa ng tawa. 



"Yes, Miss?" Nagsalita ulit si prof. 



Napalunok muna ako bago sumagot sana ng maayos. "Uh, k-kasi po--"



" Nakita ko po kasi siyang nagbibilang pa bago pumasok. Late po siya, diba?  kaya tinulak ko ang pinto. Wala lang, panira lang ng trip. " Mabilis akong lumingon doon sa lalaki at naabutan siyang nakangiti habang nakatingin pa sa prof. 



"Is that true, miss?" Napaharap agad ako. Uh, speak! "Nagbibilang ka pa bago pumasok?" Ani pa ng prof atsaka ko narinig ang pagpipigil tawa ng klase. 

Hindi ako makapagsalita at napayuko na lang ako. Nagsalita muli ang prof, "At bakit mo naman siya itinulak, Mr. Reyes?" Inis akong lumingon doon sa lalaking tumulak nung pinto habang nakapikit ako. Ang lalaking rason kung ba't nakapasok ako at napahiya. 

Sinamaan ko siya ng tingin. At siya? Napangiti ang loko. Ngiting tuwang tuwa na inaasar ako. 



"Because she's cute," 



Pinanlakihan ko siya ng mata nang marinig ko ang buong klase na nag-ingay. 



"Uuuuuuuuuyyyyyy!"



"Ayiiiieeeeee!"





At kung ano ano pang pag-iingay. Mariin akong napapikit dahil sa inis at pagkadilat ko, bumungad agad sa akin ang ngiti niyang nakakaloko. "Okay, that's enough. Mr. Reyes?" Ani pa ng prof. 

Narinig kong tinatawag na siya ng prof pero nakatingin pa rin siya sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya na parang hindi nakakapaniwala.

"Mr. Reyes?" Ulit ni Prof.

And he was just looking at me. Ang weird! Bumulong ako, "Hoy tawag ka." Tumaas ang kilay niya at sumenyas na lang ako na para bang tinuturo ko yung likod ko at sinasabi kong tinatawag siya ni prof since sakanya ako nakaharap. 

"Ah," he chuckled. Umayos na ako ng tayo at gumilid ng unti para makapag-usap sila. 

"Prof?" Aniya. Tumingin si Prof sa orasan niya, "It's late. Pumunta ka na sa next class mo." 

RainWhere stories live. Discover now