[ 11 ]

16 1 0
                                    

Chapter Eleven

______________________

"So ano nga?"


Inis ko siyang tiningnan. "Gab, for the fifth time, hindi nga!" Inirapan naman niya ako. Ano ba kasi huhu. Mahirap ba yon paniwalaan?

"Iba ang sinasabi mo sa sinasabi ng mata mo."

Hinampas ko naman siya, "Kailan ka pa naging hopeless romantic, bish? Ano ba kasi, naiinis na ako, ha!"

"Naiinis na rin ako! Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan? Ba't di mo maamin sa akin na crush mo si Rain? Mahirap bang aminin yon?" Madramang sabi niya. Naningkit ang mga mata ko sakanya. MAHIRAP KASI WALA NAMAN AKONG AAMININ E.

"Wala naman kasing aaminin, e.."


Mag-pafive na pala ng hapon. Tumigil na rin ang ulan. Naglalakad kami ni Gab ngayon pauwi.

"Psh, wala daw..." Dinig ko pang bulong ni Gab. Hindi ko nalang pinansin. Wala naman kasi akong gusto kay Rain. Hindi ko rin alam kung bakit pangalan niya yung nabigkas ko kanina. Hindi ko rin alam, mamsh.

"Alam mo, Alice, elementary palang kilala na kita. Halos pitong taon na tayong magkasama, bish. Wala ka ng maitatago sa akin... bwisit kasi deny pa." Inis na sabi niya.



"Gab, wala nga e!!!"



"Che! MAHIRAP BANG SABIHIN YUNG 'OO, OO NA, GAB!! OO NA GUSTO KO SI RAIN!"


"WAG KA NGA MAINGAY!"



Tinakpan ko ang bibig niya. Nagulat ako kasi napatigil siya kaya tumingin ako sakanya. Teka ano bang sinabi ko? Sabi ko lang naman wag siyang maingay... e ano pake ko kung mag-ingay siya diba? Kahit ipagsigawan pa niya, okay lang, kasi di naman totoo?


Dahan dahang binaba ni Gab yung kamay ko. Napapangiti rin siya. Nakangiti siyang nang-aasar sabay tingin sa akin. Bwisit, sige, subukan mo!

Nakapamewang siyang nagsalita, "Wag palang maingay ah?"


"Syempre! Baka mamaya may makarinig sayo, ano pa isipin e." inis na sabi ko pero tumawa lang siya. Malay kasi niya dumaan dito si Rain diba?! Hindi ko pa pala kasi nasasabi sakanya na kapit bahay namin si Rain.. ugh. In this situation? Na-uh.

Ngumisi siya, "Crush ni Alice si Rain?"


"Gab."


"Crush mo si Rain?"


"Hindi nga!"



Sinamaan ko siya ng tingin. "Gab!!!---" Napatigil kaming dalawa ng makita namin si Rain.

Naglalakad at mukhang pauwi na rin. Dahan dahan akong napatingin kay Gab. Gab.... punyeta, gab. Saglit siyang napatingin kay Rain at mukhang nagpaprocess pa. Pero knowing gab?



Wala sa dictionaru niya ang alamin ang mga bagay bagay... basta maasar niya ako, okay siya.


Ngumisi ito kaya nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Tinaliman ko ang tingin ko sakanga na parang sinasabi kong... tigilan mo. Mukhang nagets niya dahil mas lumaki ang ngiti niya. Ngiting nang-aasar. Ngiting tagumpay.


Gab, please don't..... "Punyeta ka." Bulong ko.


"ANO?! ANONG SABI MO ALICE?! CRUSH MO SI RAIN?!"




"HOY SIRAULO!!!!---- HINTAYIN MOKO PAKY--" Napayuko nalang ako kasi punyeta iniwan ako ni Gab. Lumingon siya at ngumiti. Oo na, panalo ka na, bwisit. Napapikit ako ng mariin. Ugh, gab. Dahan dahan akong nagtake ng step. Tama yan, Alice. Kunyari na lang walang rain diyan. Atsaka bakit ako mahihiya? Wala namang katotohanan yung sinasabi ni Gab!

RainWhere stories live. Discover now