[ 1 ]

46 3 0
                                    

Chapter One.

___________

"Ugh! Nasaan ka ba kasi?" Inis na sabi ko. Nasa school kasi ako ngayon, inayos ko yung mga papeles para sure na makakapasok na ako next week. 

I heard her chuckled. [Sa bahay nga ni Adsley!]

Napapikit ako, "Kasi naman e! Bakit mo kasi ako iniwan? Sunduin mo ako dito, sige, bilis!"

["Nako, nako, alice! Wala akong pera!"]

"WALA AKONG PAYONG, GAB! UMUULAN! ANG KULIT MO KASI!" Sigaw ko atsaka pinatay ang tawag.

"Ugh!" Napasipa ako sa isang bato. Bakit ba naman kasi pinahiram ko siya ng payong e? Hindi pa rin binabalik e palagi naman kaming magkasama, ugh! Epal talaga 'yung babaeng yun!

So, ano na? Ligo na ako sa ulan ganun? Napatingin ako sa aking orasan, 5:30. Umuulan pa naman kaya mabilis magdilim, kailangan ko ng umuwi. Hays. Inayos ko ang aking bag at inilagay ito sa aking harap. HAYNAKO GAB!!!

Tumakbo ako patungong waiting shed. Binilisan ko kasi palakas na ng palakas ang ulan---

*BEEEP!!!!*

"AHHH PUNYETA!!!!" Napaupo ako sa lapag. MUNTIK NA AKONG MASAGASAAN!

Inis akong tumayo at pinagpag ang damit ko.  Lumapit ako sa bintana ng sasakyan, kinatok ko ito.

Nagulat ako ng bumukas ang bintana. UY PUNYE----- PAPI!! Ilang segundo rin siguro akong napatigil.

"What?" Painosenteng tanong pa nito.

Joke lang pala.

Sinong tanga ang magtatanong ng 'what' ng muntik ng makasagasa?

"What?" Inis kong inulit ang tanong niya, "What talaga? Baliw ka ba? Muntik mo na akong masagasaan!"

Tumaas ang kilay nito, "Is it my fault that you are stupid?"

At hindi ako natuwa roon.

Hindi talaga!

"Ako pa?!" Sigaw ko sa kanya, "Great, ako pa! Sige, sorry ah? Sorry! Sorry kasi muntik na akong masagasaang hayop ka!"

"What's with you, woman?" Matigas na aniya. Tanga talaga 'to. Papulit ko 'to!

"What's with me?" Inis ulit na tanong ko.

He rolled his eyes. "Are you that stupid that you repeat every question I ask?"

"SIRAULO KA PALA E! MUNTIK MO NA AKONG MASAGASAAN!"

"Fuck," he hissed.

"Anong fuck fuck? Eh kung sapakin kaya kita?" Pagsigaw ko pa.

"Look," he sighed. "You're not my type so better get out of my sight,"

"ABA'T!!---"

Sasagot pa sana ako ng mabilis niyang pinaharurot ang kotse palayo. "Putcha!"

Nabasa pa ako ng putik!

"Letche ka! Letche ka talaga!" Sigaw ko.

Padabog akong nagtungo sa waiting shed at naghintay ng masasakyan. Nabasa na nga ako ng ulan, muntik na nga akong masagasaan, naputikan pa ako! 

Masaklap pa doon? BWISIT YUNG LALAKI! Kung sinuman siya, mabaog sana siya, ugh!

 Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko.

["Uy, mamsh! Wer na u?"]

Napasinghap ako, "Waiting shed pa, bwisit kasi, e!" Inis kong sambit. Naaalala ko na naman yung lalaki, ugh! Napapadyak ako sa inis. 

RainWhere stories live. Discover now