[ 3 ]

21 1 0
                                    

Chapter Three


_________


"ALIIIIIICE!!!!!!"


Oh, ghad, no! Nagtakip ako ng unan at nagbalot sa kumot. Napapikit ako ng mariin ng narinig ko na naman siyang kumatok. "HOY BABAE GUMISING KA DIYAN! HOY, ALICE HA! PANGPITO KO NA 'TO, BUMANGON KA NA NGA KASI DIYAN!"


"Ugh,"



"MAY KUKUNIN LANG AKO! PAGBALIK KO TAPOS HINDI KA PA BUMABANGON DIYAN NAKO EWAN KO NA LANG!" Rinig ko pang aniya bago sumunod ang mga yapak niya paalis. Naalimpungatan nako atsaka umupo sa kama. Nag inat ako at kumusot kusot pa sa mata ng nakita ko ang isang babae sa may salamin na katapat ng kama.



Napangiti ako, "Ganda mo, beh!" TARAY! Natawa tawa ako at masiglang tumayo para ayusin ang kama. Habang nagtitiklop ako ng kumot biglang pumasok si Gab dala dala yung uniform ko. Napatingin naman ako sakanya, syempre. "Aga mo naman ako ginising!" Reklamo ko.


"Alice, jusko, babaeng toh!" Ani pa niya at napasapo sa noo.



Lalo akong napatingin sakanya at nagtataka. "Ba't kasi dala dala mo yan dito? Diba sabi ko i-hanger muna doon kasi--"


"EH KUNG NALILIGO KA NA DIBA?! KAYA NGA KITA GINISING NG MAAGA KASI HELLO!!!!!!! HINDI TAYO PWEDE MALATE SA FIRST DAY!" Sigaw pa niya.



Oh, shet! Oo nga pala!


Napatingin ako sakanya at tinuro ang mga gamit ko, "Nawala sa isip ko, Gab! huhu di ko pa ayos gamit ko!"


Napairap siya at dali dali akong tinulak papasok ng banyo. "Alice, bilisan mo lang! Hindi yung magcoconcert ka na naman diyan! Bilisan mo lang para maayos mo pa mga gamit mo---haynako, malolosyang ako sayo, e!"



Mabilis lang akong naligo. 7:00 ang pasok at 5:54 na dito, magsisix na! Pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Napatingin ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili habang suot suot ang uniporme. Parang pajacket siya na top na kulay dark blue kaparehas ng palda na hanggang tuhod atsaka tinernuhan ng long black socks. Grade 11 na ako pero ganito pa rin uniform namin. Napatingin pa ko sa salamin ng mapaisip ako na parang.. maiksi ba? "Ay nako," salita ko, "Wala nakong oras sa ganyan!"



Napatingin ako sa orasan ko at watdapakeningpakpak ----- 6:15 NA! Agad akong napatakbo sa mga gamit ko at nagsimula ng ayusin ito. Dinala ko lahat ng kailangan atsaka nagmadaling bumaba.


"Wow, bumaba ka pa ha! Tara na, nagpabook na'ko uber, syempre kelangan sosyal sosyal rin tayo kahit papaano!" Aniya atsaka ako hinila palabas at sumakay ng kotse. Habang nasa kotse kami, abala si Gab sa pagpophone niya at ako naman eh abala sa kakatingin ng schedule ko.


Third floor ang first subject ko tapos first floor naman ang second. Jusq. Titingnan mo palang schedule na paakyat-baba e nakakapagod na. Madame Oclapoz. Napapikit ako at naramdaman ang kaba. Pangalan pa lang, masungit na.

RainWhere stories live. Discover now