[ 6 ]

12 1 0
                                    

Chapter Six

_______________

At nakita kita.. sa tagpuan ni bathala

May kinang sa mata na di maintindihan..

Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan



"At tumigil ang mundoooo, nung ako'y ituro moooooo--"

"ALICE, NAG IINGAY KA NA NAMAN!" Dinig kong sigaw ni Gab. Napangiti ako at mas lalong nilakasan, "SIYA ANG PANALINGIN KOOOOOO,"



Minsan talaga nakakahingal din yung ibang kanta ni Moira pero keri, ipupush ko 'to! Nakaharap ako sa laptop sa may desk ko sa tapat ng bintana. Sinadya kong buksan ang bintana at mag-ingay talaga. Lol. Tapat pa naman ng binatana ko eh isang bintana rin. As in tapat talaga. Pero nakasarado naman ito.

Kinuha ko ulit yung suklay, eto ang mic ko! Atsaka ako pumikit, "BAAAAHHHKIIITTTT umalis ng walang sabi? BAAAAAHHHKIIIT di siya lumaban kahit konti? BAAAAAAHHHKIIITTT DI MAITAMA ANG TADHANA?"

Saglit akong tumigil para makahinga naman lol.



"AAAAATTTT NAKIIIIITTAAA KITAAAA---" Napadilat ako at agad nanlaki ang mga ata ko. "AAHH!" Napatakip ako sa bibig at nabato ang suklay na hawak ko. Agad akong tumayo at sinarado ang bintana. UGHHHH!!!! Since transparent iyon at di pa natatakpan ng kurtina e nakikita ko pa rin siya at nakikita pa rin niya ako at nakakahiya na! Nakasalubong ang kilay ko pero napalunok nalang ako sa kahihiyan at agad ihinarang ang kurtina. Parahas akong napaupo.

Gusto kong iuntog sarili ko huhu. Napapikit ako nang maalala ko ulit. Feel na feel ko pa yung pagkanta, bibirit pa ako, eh kaso dumilat ako. Pagdilat ko--holehshh-- nakabukas yung bintana ng tapat ko at nakatingin iyon sa akin!

Napangiwi ako ng maalala ko kung sino yung nakatingin sa akin at naririnig yung kahihiyang nagawa ko.



Si Rain.





Napahilamos ako ng mukha. "Aliiiiice, alice anong kahihiyan yon ha?" Bulong ko pa sa sarili. Tumayo ako at tumalon sa kama. "AAAAAAAHHHHHHH!!!!"



"HOY ALICE ANO NA NAMAN YAN?" Dinig kong sigaw ni Gab pabalik galing sa sala. Nabato ko ang unan na hawak ko, "GAB NAKAKAHIYA HUHU!!"

ANG EPIC NAMAN KASI. Todo pikit pa ako tapos kanta kanta pa tapos pagdilat ko---UGH! Humiga ako at nagbalot sa kumot. "Mamshieeee, ano ba naman yon huhu," bulong ko pa.

Hinawi ko ng onti yung kumot at tanging mata lang ang nakalabas. Napalingon ako sa may bintana. Hmp! Inalis ko ang kumot at dahan dahang tumungo sa may binatana. Pumunta ako sa may gilid. Unti unti kong hinahawakan ang kurtina. Bubuksan ko 'to. Pumikit ako. Isa.. dalawa... tatlo!

Napadilat yung isang mata ko para makasilip. Napatigil ako at nanlaki ang dalawang mata ko. ANO BA YAN! Nagmadali akong takpan ulit iyon ng kurtina.

Napasapo ako sa noo. "Pangalawang beses na, ayoko na!" Atsaka ako tumakbo sa kama at nagbalot ulit ng kumot. Halos ngumawa ngawa na ako. Pagkabukas ko ba naman kasi ng kurtina, EH ANDON PA RIN SIYA AT NAPATINGIN RIN SA AKIN!

"AAAAANNNNOOOOOO BAAAAAA!!!!!!!!"



Ano nalang iisipin niya? Ang weird ko? Napangiwi ako. ANG MALAS! Ilang beses na akong napapahiya sakanya huhu lalo na yung kanina ugh, ano nalang mukhang ipapakita ko bukas?!

_______________

"Tara na kasi!" Sabay hila sa akin ni Gab palabas ng gate. Hinawi ko ang kamay niya at sumilip muna, "Wait lang kasi."

RainWhere stories live. Discover now