[12]

14 1 0
                                    

Chapter Twelve.

_________________________

"Let me remind you this. Etong project na ito, this holds 50% of your grade. Ako na nagsasabi sainyo, don't take it as a joke. We will be having a debate." Panimula ni Sir Zaldy.

Rinig naman ang mga side comments ng mga kaklase ko. I'm sure lahat sila excited, kahit naman ako. You see, tamad ako pero sobrang grade conscious.

"Debate tungkol saan, sir?" Ashley raised a hand.



Napatahimik ang lahat ng hampasin ni Sir ng malakas ang table. "Listen," aniya. "Class, remember the story about Feliah and Amir?"


The class went silent. Ano ba naman kasing kwento yan, sakit sa heart. Naramdaman ko ang pagbigat ng tibok ng puso ko ng may maalala ako.


Ang isang binibining katulad mo ay hindi dapat pinapaiyak ninuman.

Alam mo.. mas maganda ka kapag nakangiti ka,

That's what Amir said when he saw a beautiful girl crying.



Napatakip ako ng bibig ng masamid ako. Napaayos ako ng upo. It was Rain. Silly me. That was the night where Rain saw me crying. Naiyak ako dahil kela Feliah at Amir, they touched my heart, so did rain. Napasinghap ako. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, dalang dala pa rin ako sa sinabi niyang iyon. Aaminin ko, my heart throbbed from an unknown feeling.


I tried to ignore that silly thought and gave my attention to the Class. Akala ko nawala na doon ang atensyon ko marahil ay nagsalita muli si Sir, "Their story will be the highlight of your debate."


"HUUUUUH?" The class president mumbled,



"Simple lang," Ani ni Sir. "Pag-uusapan muli natin ang kwento ng kanilang pag-iibigan. In short, let's talk about love."


Saglit tumikhim ang buong klase. "SIRRRR! HINDI PO BA PARANG ANG KORNI NUN?" Sabi ng lalaki kong kaklase at sumunod na rin ang iba. Napahawak sa sentido si Sir at umiling na lamang. "Girls vs Boys tayo. Go, group yourselves. The content will be.. boys, ipaglalaban niyo ang side ng nang-iwan and sa girls naman ang side ng iniwan. Sinong mas mali? Yung nang-iwan o iniwan? Now."


Tumayo na ang lahat at nagpunta sa kanya kanyang grupo. Nagtipon tipon kaming mga babae sa right side at ang mga lalaki naman sa kabila. Nakaupo kaming lahat sa sahig.


"Taas kamay ng mga iniwan dito!" Ani ni Gab. Natawa naman ang iba at nagsitaasan rin. Tiningnan ako ni Gab at tinaasan ng kilay, "OOOOPS, ALICE TALAGA BA? HINDI KA MAGTATAAS?"


Pabiro akong umirap at nagtaas na rin ng kamay. "Oo na, ako na iniwan." Ani ko pa at nakitawa.


Nagsalita si Joy, ang Vice President ng buong klase. "Sooooo, ganito. Ipaglalaban natin ang side ng mga iniwan which is tayo. Imaginin nalang natin na kausap natin yung nang-iwan sa atin tapos barahin natin, ganern para pak!" Aniya.


At nagtuloy tuloy ang kwentuhan. Napatingin ako sa katabi ko ng kalabitin niya ako. Si Ashley pala. "Kilala ko ba?" Aniya. Napakunot naman ang noo ko, "Kilala sino? Sabog kaba?" Salita ko at natawa.

RainWhere stories live. Discover now