Between The Lines
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please vote, comment and follow.
-------
Zia's POV
Lunes.
Kinakabahan ako pumasok sa loob ng campus namin pakiramdam ko ay iyon na ang huling araw ko. Palingon lingon ako sa tapat ng gate tinitignan ko bawat mukha ng estudyanteng pumapasok kung may pamilyar akong makikita baka kasi bigla silang sumulpot sa harapan ko at kuhain ako. Nakakatakot.
Pero nang masiguro kong wala akong makitang pamilyar na mukha ay saka ako napapalunok na pumasok sa gate ng campus namin. Sinadya kong sumabay sa mga nag uumpukang estudyante na naglalakad papasok at mapagitnaan nila. Mahirap na baka makita ako.
Inayos ko ang suot kong baseball cap, imbis na ilagay ko sa likod ang visor na nakasanay ko ay sinadya ko iyon iharap na halos matakpan ang mukha ko sa sobrang pagkakayuko pero sinugurado kong may nakikita pa akong daan baka kasi matisod ako.
Nang makalayo na ako sa entrance ng school namin ay saka lang ako tumingala. Nasa loob na ako ng building naglalakad sa hallway marami pang mga estudyante na naglalakad at lumalabas ng classroom nila kaya kampante akong maglakad at ibalik ang visor ng sombrero ko sa likod.
Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi at lumingon lingon uli sa likuran ko at sa paligid ng hallway na iyon baka kasi bigla silang sumulpot. Kinakabahan ako isang linggo ko na kasi sila pinagtataguan at alam kong mainit na ang mga mata nila sa akin kaya mukha akong tanga na naghahanap sa kanila.
Pero nakahinga ako ng malalim at nakahinga ng maluwag dahil mukhang ligtas na naman ako.
Thank you Lord!
Napapikit pa ako at napangiti saka bumuntong hininga, yumuko ako saka kumapit sa strap ng bag ko.
Ngunit ganon nalang ang gulat ko ng pag mulat ko ay may tatlong lalaki nakatayo sa harapan ko at lahat sila ay nakangisi sa akin habang nakahalukipkip.
"O parang gulat na gulat ka naman yata Zia,"ngingisi pa na sabi sa akin ni Trei na siyang nasa gitna habang sa kaliwa naman niya ay si Yael at sa kanan ay si Jack.
Badtrip naman nahuli nila ako? Paano?
Tumambol naman ng pagkalakas lakas ang dibdib ko sa sobrang kaba at takot pero kailangan hindi ako magpahalata sa kanila dahil mas lalo nila akong tatakutin kapag nakita nila iyon kaya naman mabilis akong umiling saka pilit na ngumiti.
"A-Ah! Hehehe h-hindi ah. B-Bakit naman ako magugulat? Hindi, Hindi talaga promise!"tatawa tawa pang sabi ko ngunit halatang kabado tumango naman si Trei sa akin habang pinagmamasdan ako ng maigi.
"Mabuti naman ang akala namin ay tinataguan mo kami. Ang tagal mo kasing hindi nagpakita alam mo bang hinahanap ka namin ha?"
Nagkunwari naman akong nagulat at nagtaka.
"W-Weh? Bakit naman? Nandito lang naman ako sa school! Ha-ha-ha!"nagkibit balikat naman si Trei tapos ay nilapitan ako kaya napaatras ako bigla.
"E para kasing ayaw mong magpakita sa amin Zia,"
"Hala grabe siya h-hindi naman sa ganon T-Trei..a-aray!"
Napaigik ako ng bigla niya akong sakmalin sa kwelyo at bahagya akong inangat. Ramdam na ramdam ko ang panggigil niya sa akin habang nakatitig ng matalim sa mga mata ko kaya napalunok ako ng matindi.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...