Cai's POV"Good morning,"
"Good morning apo!"
Nginitian ko naman si Lola na masayang bumungad sa akin ng makita niya akong pumasok sa dining kaya naman ginawaran ko agad siya ng halik sa kanyang pisngi.
"Ika'y maupo na para makakain,"
"Thank you po,"naupo na agad ako sa tabi ni Ruth na hindi man lang ako tinapunan ng tingin habang kumakain dati naman tuwing umaga ay nakangiti na siya sa akin at babatiin ako.
Abogado ang pareho naming magulang madalas ay hindi namin sila nakakasabay mag almusal at mag hapunan dahil sa sobrang busy nila. Kaya naman lumaki kami ni Ruth na malapit sa isat isa, wala siyang sinisikreto sa akin. Ang turing ko sa kanya ay nag iisang prinsesa ng buhay ko. Ganon ko siya kamahal bilang kuya niya pero habang tumatagal ay nagiging malihim na siya katulad ng pagmamahal niya kay Pol.
Ang alam ko lang ay crush niya ito pero hindi hahantong sa pagmamahal.
"I h-have to go Lola, I'll see you later!"bigla ay paalam ni Ruth kay Lola na kakaupo pa lamang kaya nagtaka ito sa kapatid ko.
"Pero kakasimula mo pa lang, hindi mo pa nga ubos itong pancake mo oh!"turo ni Lola sa pancake niya na kalahati pa lang ang bawas. Ngumiti naman si Ruth sa kanya.
"I'm sorry but I r-really have to go m-may gagawin pa kasi ako sa school!"
"Ha? Hindi mo ba hihintayin kuya mo? Sabay naman ka--"
"No Lola, magpapahatid na lang ako kay Manong. Bye see you later!"sabay halik kay Lola sa pisngi at walang tinginan na lumabas siya ng dining.
Parang gusto kong habulin si Ruth sa inaasta niyang iyon. Hindi ako sanay dahil malambing siya sa akin at tuwing papasok ay sumasabay siya sa akin pero ngayon ay iwas na iwas siya. Kagabi ay hindi siya sumabay sa dinner at wala talaga siyang balak kausapin ako.
"Ang batang 'yon oo, ngayon lang siya hindi kumain ng breakfast. Kagabi pa siya ganyan,"rinig ko pang sabi ni Lola habang tinatanaw si Ruth na lumabas na ng bahay.
Si Lola Cora ang ina ni Mommy simula ng mamatay si Lola ay naisipan na niyang dito sa amin tumira dahil nalulungkot siya sa bahay nila sa Davao. Kaya naman simula ng dito siya tumira ay siya na ang nag alaga sa amin ni Ruth at nag aasikaso.
"Alam mo ba kung bakit ganyan ngayon si Ruth ha Cai?"baling ni Lola sa akin tumingin naman ako sa kanya at umiling.
"Hindi po Lola,"pagsisinungaling ko pa alam ko kasi magagalit siya oras na ako ang dahilan kung bakit ganon si Ruth. Ang turo niya kasi sa akin ako ang dapat magtanggol sa kapatid ko at magsisilbing sandalan niya kapag may problema, kaso ako ngayon ang dahilan kung bakit ganyan si Ruth.
Bumuntong hininga naman si Lola Cora"Kausapin mo ang kapatid mo ayokong ganyan siya pati pagkain kinakalimutan,"iiling iling na sabi niya pa.
"Opo,"
Naging maayos naman ang agahan namin ni Lola marami siyang tinanong sa akin tungkol sa school at mga kaibigan ko. Para rin siyang si Mommy kung mag tanong sa akin.
"I'll go ahead 'la,"humalik na ako sa pisngi niya
"Alright, ingat ka"
"Okay bye!"
Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng kotse ko saka inistart. Nang makalabas ako ng Village namin ay mukhang maayos naman hindi masyadong traffic kaya naging swabe lang.
Habang nasa high way ako ay napapansin ko ang dalawang kotse na nakasunod sa akin. Kanina pa sila nakabuntot sa akin simula nung makalabas ako ng Village.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...