Zia's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may humahawak ng kamay ko kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nilingon ang taong iyon.
Bigla siyang napatayo ng makita akong gising na, bakas ng pag aalala at puno ng konsensya ang mukha niya.
"Zia.."
Tinitigan ko siya hindi ako maaring magkamali siya yung lalaking humampas ng baseball bat sa likod ko. Nakita ko kung paano niyang tinanggal ang takip sa mukha niya at bitawan ang bagay na iyon upang mabuhat ako.
"Zia, I-I'm sorry.."nangingilid ang luhang sabi niya sa akin saka yumuko iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at binawi ang kamay ko na hawak niya.
Hindi ko pa siya kayang harapin. Masyado pang masakit, masyado pang bago itong nararamdaman kong galit, inis at pagtataka kung bakit niya iyon ginawa? Bakit kabilang siya sa grupo na iyon?
Tama nga si Cai. Hindi pa kita lubos na kilala..
"I-Iwanan mo ako dito, ayokong makita ka.."mahinang sabi ko sa kanya naramdaman ko ang pag tingin niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Ayokong makita ang mukha niya, nasasaktan ako.
"Zia, please magpapaliwanag ako--"
"Umalis ka na,"
"Zia.. please.."hinawakan niya ako sa braso kaya tumingin ako sa kanya ngunit matalim.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Ayokong makita ka, lumabas ka na dito!"sigaw ko ngunit nakaramdam ako ng sakit mula sa likod kaya napahiga uli ako ng iangat ko ang katawan ko. Bumakas uli ang pag aalala sa mukha niya pero hindi ko na siya hinayaan pang makalapit o mahawakan ako.
"Umalis ka na Pogs, please. Saka na lang uli tayo mag usap.."iwas ang tingin na sabi ko sa kanya hindi na siya nagsalita pero alam kong ayaw niya akong iwanan ngunit ayoko siyang nandito.
Humarap lang ako ng marinig kong sumara ang pinto. Doon lang bumagsak ang luha ko na pinipigilan ko lamang kanina huwag tumulo.
Paano niya nagawa ang bagaya na iyon? May frat din ba si Pogs? Kelan pa?
Ang daming pumapasok na tanong sa utak ko ngunit ayoko munang sagutin at ayoko munang marinig ang sagot niya dahil hindi pa ako handa.
Kamusta na kaya si Cai? Si Quintin? Anong nangyari sa kanila?
Ilang sandali pa ay bumukas uli ang pinto at pumasok si Macky.
"Zia!"agad na sinugod niya ako ng yakap at halatang alalang alala siya sa akin kaya naman naiyak ako"Diyos ko Zia, ano bang nangyari bakit napang abot kayo sa ospital? May nakapagsabi na lang na may kaguluhan sa parking lot. Sobrang nag alala ako dahil alam kong nandon ka kasama si Cai!"
Hindi agad ako nakapag salita dahil sa sobrang pag iyak kaya naman kinalma ko ang sarili ko at pinahid ang luha sa mukha ko. Tumingin ako kay Macky na awang awa na nakatitig sa akin.
"Nakita ko si Pogs sa labas, ayaw mo daw siya makita. Ano bang nangyari ha Zia? Sabi nung nakakita, limang lalaki daw ang dumating at lahat may takip ang mukha. Bugbog sarado si Cai kaya parehas kayong nandito sa ospital ngayon.. hindi nakilala ang mga lalaking sumugod dahil nakatakas na sila. Zia, mag kwento ka"
Bumuntong hininga naman ako at pinagmasdan ko siya.
"Kamusta si Cai?"tanong ko sa kanya kumunot naman noo ni Macky.
"Ikaw ang pinunta ko dito hindi siya,"
"Macky, walang kinalaman si Cai sa nangyari pareho kaming biktima dito. Mabuti na nga lang dumating si Quintin kung hindi baka napano na ang kaibigan niya,"nag alalang sabi ko sa kanya bigla ay nagbago ang expression ng mukha niya saka nagsalita.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...