Zia's POV
Nang makalabas si Tita at sundan ito ni Quintin ay tinadtad na naman ako ng tanong ni Macky.
"Bakit ka ba nag sinungaling sa Tita mo ha? Bakit hindi mo sinabi ang totoo Zia? Nakakaloka ka talaga! Tama siya, hindi ka lalaki para gawin mo 'yon. Nasisiraan ka na ng ulo!"
Hindi ko siya pinansin lalo pa at nakita kong pag lapit sa akin ni Pogs.
"Zia,"tawag niya sa akin at tinangka akong hawakan pero mabilis akong umiwas.
"Bakit nandito ka pa? Sabi ko di ba umalis ka na? Hindi kita kailangan dito"malamig pa na sabi ko sa kaniya
"Zia, ano ba nangyayari sa'yo? Kaibigan mo 'yan!"inis na sabi ni Macky sa akin pero nginisihan ko lang siya at masamang bumaling kay Pogs. Nakita ko namang nangilid ang luha sa mga mata niya alam kong nasasaktan siya sa pakikitungo ko sa kanya ngayon pero hindi niya ako masisisi.
"Wala akong kaibigang sinungaling,"mariin na sabi ko nakita ko naman kung paano nagulat si Pogs sa sinabi ko at rumihistro ang sakit sa mukha niya.
"Zia, a-ano ba pinagsasabi mo?"rinig kong tanong ni Macky sa akin at hindi maintindihan kung bakit ako nagkakaganon kay Pogs.
"Alam kong galit ka sa akin Zia, pero bakit mo ako pinagtakpan sa Tita mo?"
Tinitigan ko naman siya at masama siyang pinagmasdan.
"Dahil iyon ang tama,"
"Zia-"
Umiwas ako ng tingin sa kanya may pumatak na luha sa mga mata ko.
"Kahit galit ako sa'yo, kahit ang sama sama ng loob ko dahil sa ginawa mo Pogs, k-kaibigan pa rin kita. Kahit na hindi na kita kilala ngayon, ikaw pa rin ang kaibigan ko na kahit loko loko mabuting tao ka naman. Kung hinayaan kitang mag sabi ng totoo kay Tita tingin mo ba mapapatawad ka niya sa ginawa mo sa akin? Tingin mo ba madali para sa akin iyon ha? Hindi ka nag iisip!"sigaw ko sa kanya at kahit nanghihina pa ay nagawa ko siyang itulak at hinampas ang dibdib niya. Hindi pumalag si Pogs nanatili siyang nakayuko ngunit alam kong umiiyak na rin siya.
"Iniisip pa rin kita Pogs, iniisip ko pa rin ang pwedeng mangyari sa'yo. Pwede kang ma-expell dahil sa ginawa mo, gago ka ba? Kilala mo si Tita kaya niya gawin iyon. Wala siyang pakialam kahit kaibigan kita, hindi magiging madali sa kanya ang patawarin ka. Kaya kita pinagtakpan dahil iniisip ko pa rin ang kapakanan mo, paano kapag nalaman ng school kasali ka sa mga sumugod kay Cai ha? Paano kung malaman ng magulang mo ang tungkol dito? Paano na Pogs? Mag isip ka, maaring galit ako sa'yo pero hindi ko kinakalimutan na magkaibigan pa rin tayo. Sa ngayon ayaw na muna kitang makita at makausap pagbibigyan kitang mag paliwanag pero hindi pa kita kayang kausapin ngayon,"tumulo uli ang luha sa mga mata ko at huminga ng malalim.
"Saka na lang kapag handa na kong pakinggan ka kaya nakikiusap ako sa'yo ngayon umalis ka na muna at huwag magpakita sa akin"pakiusap ko sa kanya at umiwas ng tingin. Nakita ko namang nakanganga si Macky habang pinapanood ang nangyayari sa amin ni Pogs alam kong nagulat siya sa mga narinig kaya kakausapin ko na lang siya kapag umalis na ang kaibigan ko.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Pogs at sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nag pahid ng luha.
"Okay naiintindihan ko, t-thank you Zia pero nakikiusap ako sa'yo, oras na marinig mo ang paliwanag ko huwag mo sana akong kamuhian o talikuran. I-Ikaw na lang ang kaibigan ko,"pakiusap pa niya sa akin sinulyapan ko naman siya at kita sa mga mata niya ang lungkot. Gusto kong maawa sa kanya at intindihin pero sadyang galit ako ngayon.
"Hindi ako mangangako Pogs, pero sisiguraduhin kong makikinig ako sa'yo"
Rumihistro ang matinding sakit sa kanyang mata at lungkot saka tumango.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...