Quintin's POV
Mula sa pwesto namin ay natatanaw ko ang mesa nila Pol kasama si Zia at ang kaibigan nilang bakla na si Macky. Hindi ko maintindihan kung bakit magkasama sila gayong ang laki ng atraso ng kaibigan nito sa kaniya?
Nung araw na sumugod ang frat ni Pol sa school namin para pagtulungan si Cai ay kitang kita ko kung paano sinapak ni Pol si Wesley dahil sa paghampas nito sa likod ni Zia na dapat sa akin tatama. Oo alam kong hindi siya ang papalo sa akin kung hindi ang lider ng frat nila galit lamang ako dahil sa pag hingi pa nito ng resbak. Bakit kailangan pa niya humingi ng tulong sa mga ito gayong alam ko naman na kaya niya si Cai?
Galit na galit ako sa kaniya dahil nararamdaman ko na wala na talaga itong malasakit sa amin at tuluyan na niya kaming kinalimutan. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagagawa ito ni Pol ngayon? Ganon na ba kalaki ang galit niya sa amin simula ng umalis siya sa grupo? Hindi ko tuloy maiwasang mainis.
"Are they really friends or lovers? "
Naalis naman ang tingin ko kanila Pol at Zia na panay ang tawa habang nagkukwento ang bakla nilang kaibigan nang bigla ay marinig kong mag salita si Trei na nasa gilid ko lamang. Katulad ko ay nakatingin din siya sa direksiyon nung dalawa habang sumusubo ng pag kain.
"Who? "taka namang tanong ni Cai at lahat naman sila ay napantingin kanila Pol at Zia na ngayon ay nakatingin sa isat isa habang nag uusap at nakangiti.
"Magkaibigan lang sila bro, hindi papatulan ni Pol si Zia! "tatawa tawa namang komento ni Jack
"Pano mo naman nasabi? Tignan mo nga silang dalawa kulang na lang langgamin! "pagbibiro naman ni Trei saka ngumisi.
"Bobo, malamang magkaibigan sila. Ganyan naman si Pol sa mga babae nung kasama pa natin siya lagi siyang sweet kanila Ruth at Melody non! "sabi naman ni Jack natahimik naman kaming lahat ng mabanggit nito ang dalawang babae na naging parte rin ng barkada namin noon. Kaso simula ng mamatay si Melody ay lumayo na rin si Ruth pati sa kapatid nitong si Cai ay unti unti na rin siyang lumayo simula rin nang umalis si Pol sa grupo.
Hindi na lingid sa kaalaman namin na may gusto talaga si Ruth kay Pol kaya hinahayaan na lang namin. At totoo ang sinabi ni Jack na pagdating sa mga babae ay malambing talaga si Pol kahit noon pa man. Spoiled sila Ruth at Melody sa kaniya kaya gustong gusto siya makasama ng dalawa kahit na magmukha na siyang bakla kakasama noon sa dalawa ay ayos lang sa kaniya basta makita lang niyang masaya ang mga ito.
"Oo nga naman saka isa pa, hindi pumapatol si Pol sa mukhang tomboy. Tignan niyo nga si Zia, porma pa lang pang kanto na at parang sanay sa bakbakan. Alam ko ang tipo ni Pol, yung tipo niya katulad ni Ruth 'di ba Cai? "siniko pa ni Xander ang lalaki na nanahimik lang habang nakangisi seryoso naman nitong sinulyapan ni Cai ang lalaki at sinamaan ito ng tingin.
"Tumahimik ka nga! "inis pa nitong sabi at kumain na lamang pinagmasdan ko naman siya kunot ang noo nito na para bang may iniisip. Hindi ko alam pero may kutob ako na may tinatago si Cai na hindi namin alam. Sa kilos nito ay parang hindi nito normal kaya naman ng mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay tumingin siya sa akin. Ngunit mabilis din umiwas saka tumingin sa ibang direksyon.
"Sabagay, matalino at maganda si Ruth ganon ang tipo ni Pol"sang ayon naman ni Yael"o kaya yung katulad nung Tita ni Zia si Tita Sabel. Wow ang ganda talaga niya kung may pagkakataon lang ako liligawan ko siya! "sa pagkakarinig ko sa pangalan ni Sabel ay biglang humigpit ang hawak ko sa kutsara ko at napatitig sa kaniya.
"Ulol. As if Tita Sabel will like you e, estudyante ka pa nga lang. Pagtatawanan ka lang non! "pang aasar naman ni Trei dito kaya nagtawanan silang lahat. Habang ako naman ay hindi umiimik dahil pakiramdam ko ay natamaan rin ako sa sinabi nito kaya naman padabog kong binaba ang kutsara at tinidor na hawak ko. Napatingin naman silang lahat sa akin at natigilan sa tawanan nila.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...