Zia's POV
Matapos naming kumain ni Macky ay nag simula na siyang dumaldal habang naglalakad kami pabalik ng classroom.
"Nakakaloka ang mga eksena kanina! Para akong nasa teleserye slash action movie at ako ang bida. My gosh I can't believe what I've just heard, sila Cai at Pogs magkakaibigan noon? Like how? Ang tagal ko ng nag aaral sa school na ito pero never ko silang nakitang magkakasama. Nakakapraning! At ang eksena mo Zia,wow just wow ang lakas mong sumuntok! Nagawa mong saktan si Pogs? Si Papa Pogs na kaibigan mo! How could you?!"madrama naman at maarteng tanong sa akin ni Macky saka ako tinignan na hindi makapaniwala. Umiling naman ako at seryosong naglakad kasabay niya.
"Tsk kasalanan naman niya e, pagkatapos ng mga pinagsasabi niya tingin mo matutuwa ako? Gago siya. Oo nga kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin non ay may karapatan na siyang pahiyain ako sa harap ng mga estudyante! Napahiya ako Macky kaya ko na gawa iyon!"inis na sabi ko sa kanya at ramdam na ramdam ko ang salubong kong kilay.
"O e, anong drama niyo? Friendship over na ganern?!"malandi niyang tanong sa akin habang nakapameywang.
"Anong friendship over? Huwag kang OA bakla, ayoko lang muna siyang makausap dahil mainit pa ang ulo ko sa kanya nakakabadtrip e!"
"So paano 'yan magkatabi kayo sa upuan?"
Natigilan naman ako at napatingin sa kanya"E di huwag pansinin!"
"Hmp kung gusto mo ako na lang tatabi sa kanya, do'n ka muna sa upuan ko para madamayan ko siya kawawa naman kasi tatlong beses na sapak!"sabi pa nito binatukan ko naman siya"Aray! Enebe?"maarte niyang sabi sa akin at inirapan ako.
"Ang landi mo e kaya ka napapahamak, huwag ka ng umasa na papayag 'yon makatabi ka!"
"Hmp sabihin mo nagseselos ka lang!"
"Anong nagseselos? Gusto mo talagang masaktan e 'no?"pagbabanta ko pa sa kanya at aktong sasapakin pero mabilis itong lumayo.
"Joke! Hindi ka na mabiro? Kaloka kayo mag kaibigan nakakatakot! Hmp. Oo nga pala bakit may paalila effect ka kay Quintin? Yiee...gusto mo ako na lang magpapaalila sa kanila? Grabe kahit mga bully sila dito sa school walang patapon sa kanila, ang gagwapo nilang lahat e! Gaaaddd!"tumili pa ito at kinilig saka ngumisi sinamaan ko naman siya ng tingin at napailing.
"Bakla ka talaga, bakit gusto mo bang mapalapit sa mga 'yon? Kakawawain ka lang nila. Alam mo bang nanakit din sila ng bakla lalo na kung nilalandi sila? Baka mas pipiliin mo na lang magpakalalaki kesa makasama ang mga iyon?"saka ako napangisi tinaasan naman ako ng kilay ni Macky.
"No no no no! Hindi na lang 'no. Ayoko magpakalalaki dahil alam ko sa sarili ko na babae ako saka pwede ba Zia? Ikaw na nga itong inaalala e, bakit nga ba nagkaganon kayo nila Quintin? Nakakaloka nabully na rin nila ako at hinihingan ng pera but never silang nag habol sa akin ng ganon! Hindi ko tuloy mapigilang isipin na pinipersonal ka nila!"mahaba niya pang sabi bigla ay natigilan ako.
Personal? Bakit naman?
"P-Paano mo nasabi?"
Nanlaki naman ang mga mata ni Macky at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Omg Zia wala kang idea? Ako pa talaga ang tinanong mo? Kaloka, pero sige I'll explain it to you para malinawan ka teh! So ito nga, ayon sa mga narinig ko kanina magkakaibigan sila Pogs at 'yong grupo ni Quintin at ayon kay Trei, tumalikod si Pogs sa kanila at since...magkaibigan kayo nitong si Policarpio ikaw ang binabalingan nila para magantihan ang kaibigan mo! Ganern!"mahabang paliwanag niya sa akin.
Hindi naman agad ako nakapag salita dahil sa totoo lang posible nga na ginagamit ako nila Quintin para gantihan si Pogs sa ginawa nito sa kanila.
"Oh di ba may point ako? Hindi ko na nga sana sasabihin sa'yo 'yong iniisip ko kaso nasabi ko na. You know we're friends na nga di ba? Kaloka, hindi ko maintindihan kung bakit nahiwalay itong si Pogs sa kanila? Hmp! Para ang lumalabas tuloy ay nag traydor siya sa grupo ni Quintin!"
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...