Zia's POV
Kinabukasan ay naging maayos naman ang klase namin, sa tatlong subject namin ay parehong may pa-quiz tapos may pa-activity pa. Grabe parang sumabog ang utak ko sa sunud-sunod na ginawa namin. Ngunit bago matapos ang tatlong subject namin ay hindi nakaligtas ang mga ginawa ni Pogs sa last subject namin kanina.
Dahil by numbers ang magiging grupo ay hindi ko kagrupo si Pogs. Ang naging kagrupo niya ay si Ruth syempre kilala ko ang lalaking iyan habang ginagawa ng mga kasama ko ang activity ay panay naman ang sulyap ko sa kanilang dalawa. Ewan pero parang gusto ko silang bantayan.
At ayon sa aking mga nakikita ay panay ang kwentuhan nila at ngitian dahil sila ang magkatabi. Sobrang lapit nila sa isat isa kaya naman mahahalata mong naglalandian sila.
Sino ka ba Ruth at ayaw kang paiyakin ni Cai kung si Pogs ang dahilan?
Kagabi hindi ko maalis sa isip ko ang pinagtapat ni Pogs sa akin na dati niyang mga kaibigan sila Cai.
Tsk paano? Bakit hindi na sila magkaibigan ngayon? Anong nangyari at nahiwalay si Pogs sa kanila?
Ang daming gumugulo na tanong sa isip ko. So ibig sabihin bago ko pa makilala itong si Pogs ay matagal na niyang kilala ang frat nila Quintin? Hanep.
Hindi man lang halata..sabagay hindi naman sila nagpapansinan kapag nagkikita o nagkakasalubong. Ako lang ang kinokorner nila kapag wala si Pogs at sisingilin.
Napatitig ako kay Pogs kung titignan mukha siyang matino. Malinis sa katawan at nag uumapaw ang kagwapuhan hindi katulad nila Quintin na mga may itsura nga ang papangit naman ng ugali.
"Hmmm selos ate girl?"rinig ko pang bulong ng katabi ko kaya napalingon ako kay Macky na bakla. Siya ang partner ko sa activity bale hinati ang mga gagawin at by partners daw para mabilis matapos.
"Selos saan?"naiinis kong tanong sa kanya.
"Ayses,mag maangan ba ate girl? Kanino pa do'n sa kaibigan mo na si Policarpio!"malandi niyang sabi sa akin sabay irap sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit naman ako magseselos? Bakla!"
"Tomboy! Huwag ka na nga magmaangan kitang kita na salubong kilay mo habang nakatingin sa dalawa!"
"Kapag magkasalubong ang kilay nagseselos na agad? Ang galing mo rin mag hinala e 'no? Kabaklaan mo!"
"O e bakit ka galit? Defensive mo rin,tomboy!"
"Nililinaw ko lang ang madumi mong pag iisip. Hindi ako magseselos sa mga babaeng nakakasama ng kaibigan ko!"
"Kaibigan nga ba? Diyan nagsisimula 'yan!"panunukso pa niya sa akin saka ngumisi ng nakakaloko umarte naman akong aambahin siya pero hinarang niya ang kamay sa akin"Don't please stop! Maawa ka sa akin gusto ko pa mabuhay!"maarte niyang sabi sa akin na akala mo ay aping api sinamaan ko naman siya.
"Ikaw tigilan mo ako sa pang aasar sa kaibigan ko baka hindi ako makapagpigil ilublob kita sa inidoro e!"
"Hindi ka na mabiro!"
"Wala ako sa mood makipagbiruan lalo na sa'yo! Bakla!"
"Tse! Tibo!"
"Sige na gawin mo na 'yong iyo tapos na ako!"inis na sabi ko sa kanya
"Kanina pa ako tapos busy ka kasi--"
Pinandilatan ko naman siya ng mga mata at nagbanta na huwag ituloy ang anumang sasabihin niya. Naitikom naman niya ang bibig saka ako inirapan.
Bakla! Kakabadtrip!
Umiling ako at muling sumulyap kay Pogs pero hindi ko inaasahan na nakatingin siya sa akin. Tinanguhan ko siya pero matamis siyang ngumiti sa akin kaya naman iniiwas ko na ang tingin sa kanya at tumingin kay Macky na nakatingin uli sa akin at ang nakakainis at nakita niya ang matamis na ngiti na binigay ni Pogs sa akin kaya naman nanunukso ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...