Pogs' POV
"Ginawa ko iyon dahil alam kong mahal niya ako!"
Natigilan si Zia sa sinabi ko rumihistro sa mukha niya ang pagtataka at pagkagulat. Lumunok muna ako bago mag salita.
"Hindi ko intensiyong saktan si Ruth,"pagtatapat ko sa kanya umiling ako ng ilang beses"Inaamin kong babaero ako Zia, pero kahit kailan hindi ko intensiyong saktan si Ruth. N-nung lapitan ko siya at ayain makipag-date sa akin, gusto ko iyon. Seryoso akong i-date siya at hindi lang para paasahin hindi ako ganon kasama tulad ng iniisip niyo sa akin. Mabuting kaibigan si Ruth, alam ko na may gusto siya sa akin pero kahit kailan ay hindi ko siya niyaya makipag date dahil wala akong gusto sa kanya at kaibigan ang tingin ko sa kanya. Pero naisip ko kung bakit hindi ko subukan? Kahit na ba may lamat na ang pagkakaibigan namin ni Cai,"
"Pero na realized ko na mali kung susubukan ko, baka mas lalo ko lang siya masaktan at kapag nasaktan ko siya alam kong pati si Cai masasaktan dahil malapit siya kay Ruth. Kung susubukan ko lang at hindi ko masuklian ang pagtingin niya sa akin mas lalo ko siyang masasaktan kaya mas pinili ko na maaga pa lang ay itigil ko na. Hindi ko ginawa iyon dahil sa pagitan namin ni Cai ginawa ko iyon para hindi na lumala pa ang sitwasyon Zia iyon ang totoo,"paliwanag ko pa sa kanya hindi naman makapag salita si Zia nanatili siyang tahimik habang naguguluhan.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Pinagmasdan ko ang mukha niya lalo na ang sugat malapit sa labi niya nagkaroon na iyon ng pasa. Parang gusto kong sugurin si Cai ngayon dahil sa ginawa nito sa kaibigan ko.
Simula ng makilala ko si Zia ay gusto ko na siya, sabihin na nating naging crush ko siya dahil ang ganda ng personality niya. Siya yung tipo ng kaibigan na paprangkahin ka kapag hindi niya nagustuhan ang ginagawa mo, nandiyan siya para sa'yo kapag nangangailan ka, hindi man siya sweet pero mararamdaman mong concern siya sa'yo. Hindi siya nangingialam kung anong gusto mong gawin pero huwag ka lang sumugad dahil siya mismo ang gagawa ng paraan para mag tigil ka.
Mahalaga sa akin si Zia siya na lang ang kaibigan ko na totoo at hindi ako iiwan kahit na gaano pa ako katarantado. Oo may gusto ako sa kanya pero hindi umabot sa puntong gusto ko siyang ligawan. Hindi dahil sa itsura niya kung bakit ayokong umabot sa puntong iyon dahil alam kong wala naman akong pag asa sa kanya. Ang isang katulad ko ay hindi niya sineseryoso at pinapatulan.
"A-Ano ng gagawin mo? Galit na galit sa'yo si Cai,"bigla ay sabi ni Zia sa akin matapos ang pananahimik niya tinitigan ko naman siya saka bumuntong hininga.
"Ako ng bahala don,"
"Paano kung saktan ka niya Pogs?"nag aalalang tanong ni Zia nasa mukha nito ang takot. Tipid akong ngumiti sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Saktan niya I deserve it, pero oras na saktan ka niya uli ako na mismo ang susugod sa kanya"pagbabanta ko pa umiling naman siya.
"Huwag na, ayoko ng lumaki pa ang gulo"
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
"Sige mananahimik ako. Masakit pa rin ba?"turo ko sa sugat niya hinawakan nito iyon at umiling.
"Hindi na masyado,"sagot niya tumango ako pero hindi ko mapigilang titigan iyon. Pakiramdam ko ay malakas ang pagkakasapak ni Cai sa kanya hindi ko pa rin mapigilan makaramdam ng galit. Naiinis ako dahil hanggang bukas ang suspension ko.
Tsk hindi ako papayag na saktan mo ng ganito ang kaibigan ko Cai. Hintayin mo lang, gaganti ako.
Pareho naman kaming nagulat ni Zia ng marinig namin ang busina. Pag lingon namin sa isang kotseng paparating ay nakilala ko na agad kung kanino iyon.
Ang Tita Sabel nito, ang totoo ay gandang ganda ako sa kanya. Sexy at kung mag ayos ay daig pa si Zia magdala ng damit, parang modelo. Ngunit mahahalata mong matalino at may ibubuga, sa edad kong ito hindi malabong magkagusto ako sa kanya. Pero dahil hindi ako pumapatol sa mas matanda pa sa akin ay pag hanga lamang ang mararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...