Zia's POV
Matapos ang tatlo naming subject ay lunch break na kaya naman habang nag lalakad kami ni Macky papuntang canteen ay panay ang reklamo niya.
"Kaimbyerna naman wala si Papa Pogs, nakakamiss. Bakit ba kasi suspension agad ang desisyon? Ang OA naman nito ni Ma'am lakas makaarte 'kala mo kinaganda niya. 'Yan tuloy hanggang bukas ay wala pa rin si Pogs! Huhuhu I miss him already..."
Napapikit naman ako sa kaartehan ni Macky kanina ko pa tinitiis ang ingay niya habang magkatabi kami. Dahil wala si Pogs ay siya muna ang umupo sa pwesto ng kaibigan ko at nag simula na siyang madrama.
Badtrip.
"E ikaw ba hindi mo ba siya namimiss?"baling sa akin ni Macky ng hindi ko siya pansinin kunot noo ko naman siyang tinignan sabay iling.
"Hindi, bakit ko naman siya mamimiss?"inosente kong tanong sa kanya tumirik naman ang mga mata niya bago sumagot.
"Duh Zia, wala siya baka hindi mo alam? Ikaw hindi ko alam kung tanga ka ba o nananadya?"
"Bakit ko naman kasi siya mamimiss pwede ko naman siya puntahan sa bahay nila mamaya?"
Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"Omg! Pupuntahan mo si Pogs dahil lang gusto mo siyang makita?"parang nanunuksong tanong niya sa akin.
"Tsk baka kasi kapitbahay ko siya?"
"Weh?"
"Oo masyado kang malisyosa,bakla!"inis na sabi ko sa kanya.
"Alam ko ba na mag kapitbahay kayo? Tse tomboy!"mataray niyang sabi sa akin at inirapan ako napailing na lang ako sa kanya saka kami sabay pumasok ng canteen. Nagtatanungan muna kami kung anong bibilhin na pag kain bago pumila pero hindi ko inaasahan na biglang haharang sa harapan namin sila Trei at Jack.
Napalunok ako at napatingin kay Macky na bigla ay pumunta sa likuran ko para magtago.
"Zia.."nakangising tawag sa akin ni Trei kaya naman kinabahan ako. Alam kong inutusan sila ni Quintin para kausapin ako kaya naman pinilit ko maging normal sa harap nila.
"Anong kailangan niyo?"seryoso kong tanong sa kanila.
"Alam mo naman siguro ang dahilan?"nakangising sabi ni Jack sa akin napatango naman ako.
"Oo alam ko pero ano ba ang kailangan niyo sa akin?"
"Sumama ka sa amin do'n tayo sa table namin,"sabay turo ni Trei sa pwesto nila kaya napatingin ako doon. Malapit sa entrance ang table nila at nakita ko nga sila Quintin,Cai,Xander at Yael habang nakatingin sila sa gawi namin.
Napalunok naman ako ng makita ko si Quintin na walang emosyon na nakatitig sa akin. Mabilis naman akong umiwas ng tingin sa kanya at bumaling kay Trei.
"Pwede ko bang isama si Macky?"tanong ko sa kanya sumulyap naman ito kay Macky na nagtatago pa rin sa likuran ko.
"Hindi pwede, sabi ni Quintin ikaw lang ang kailangan niya"
"G-Ganon ba? S-Sige sandali kakausapin ko lang si Macky.."humarap naman ako kay Macky na halatang natatakot ngunit makikita ang pag aalala habang nakatingin sa akin. Hinila ko siya palayo sa dalawang lalaki.
"Oy te..anong gagawin nila sa'yo? Natatakot ako sa kanila, isumbong kaya natin sila kay Pogs? Baka sakali iligtas ka niya.."puno ng pag aalala na sabi ni Macky sa akin habang nakatingin sa dalawang lalaki.
"Tsk huwag kang OA, kaya ko sila sigurado akong wala naman silang gagawin sa akin. Sa ngayon hindi muna tayo magkakasabay kumain. Kung anuman ang makita mo huwag kang makikialam naiintindihan mo? H-Huwag ka rin mag susumbong kay Pogs!"bilin ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...