Chapter 9

13 3 0
                                    

Zia's POV

Dahil nakasanayan ay maaga pa rin akong nagising kinabukasan. Bumangon ako sa kama ko at inayos ang higaan dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos at nag sipilyo. Nang makalabas ako ng banyo ay inayos ko muna ang sarili ko pinakiramdaman ko uli ang likod medyo masakit pa rin pero kaya ko naman kumilos.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Dahil sa mga ginawa ni Tita sa akin kahapon at pag aasikaso ay gusto ko pa rin siyang pag handaan ng almusal alam kong pagod siya dahil sumugod siya ng ospital kahit may trabaho siyang iniwan.

Habang naghahanda ako ng lulutuin ko para sa almusal namin ni Tita Sabel ay biglang may nag doorbell. Nagtaka naman ako kung sino ang dumating?

Sino naman 'yun?

Lumabas ako ng kusina upang tignan kung sino ang tao sa labas. Pero nakita kong bumaba rin si Tita sa hagdanan nagulat pa siya ng makita ako.

"Why are you early? "taka pa niyang tanong sa akin nakasuot ng bathrobe si Tita mukhang maliligo na siya ng marinig nito na may ag doorbell.

"Paghahandaan ko po sana kayo ng almusal Tita, "nakangiti ko pang sagot.

"Sinabi ko naman sa'yo na huwag kang magkikilos 'di ba? Bawal pa sa'yo mapwersa kailangan mo pang magpahinga, "

"Pero Tita wala po kayong kakainin, "

"Pwede naman ako mag breakfast sa office, "

"Pero--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla uling tumunog ang doorbell.

"Sino ba 'yun? "nagtatakang tanong ni Tita Sabel at sumilip sa bintana.

"Titignan ko po Tita, "sabi ko pa at lumabas. Pagbukas ko ng gate ay nagulat ako ng makita kung sino ang nakatayo sa labas.

"Quintin, "

Tipid namang ngumiti sa akin si Quintin habang nakatingin sa akin"Hi, morning! "bati pa niya sa akin habang nakasuksok ang pareho niyang kamay sa magkabilaang bulsa ng kaniyang suot na slacks. Hindi ko naman maintindihan ang magandang aura na iyon ni Quintin sa akin sa ilang beses ko na siyang nakikita ay ngayon lang siya naging ganito. Babatiin ko na sana pabalik kaso may biglang nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito? "nagulat naman ako ng bigla ay sumulpot si Tita sa likuran ko sumunod pala siya para makita kung sino ang dumating. Tumabi naman ako upang magbigay daan para makaharap si Quintin.

"Sinabi ko na sa'yong huwag ka ng babalik dito 'di ba? "inis pa na dagdag ni Tita sa kaniya marahan naman siyang tumango.

"Oo alam ko, "may lungkot namang sagot ni Quintin at bigla siyang tumingin sa akin nagulat naman ako"pinuntahan ko lang si Zia para sana makausap, "seryoso pa nitong sabi habang nakatitig sa akin nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na ako ang sasadyain niya.

"Ha? T-tungkol saan? "nauutal ko pang tanong sa kaniya saka sumulyap kay Tita na tila hindi rin makapaniwala.

"It's personal. Pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang"pakiusap pa nito sa akin napalunok naman ako at muling napatingin kay Tita. Nagpalipat lipat naman sa amin ni Quintin ang paningin niya bago huminto sa akin.

"Sige, pwede mo siyang papasukin. Kailangan ko na rin maghanda for work, "sabi pa nito at iwanan kaming dalawa ni Quintin na hindi man lang nito sinulyapan.

Nang maiwan naman kami ni Quintin ay saka lamang ako tumingin sa kaniya.

"Ano ba talagang ginagawa mo dito? "may inis na tanong ko sa kaniya at nilapitan siya.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon