Zia's POV
Dumaan ang sabado at linggo buryong buryo na ako sa bahay ni Tita dahil ako lang mag isang natitira. Maaga pa rin akong nagigising para gawan ng almusal si Tita kahit na sinaway niya na ako na huwag kong agahan dahil kailangan ko ng pahinga, pero sabi ko sa kanya ang buong araw na wala akong nagawa nung biyernes ay bawing bawi na ang katawan ko.
Kaya ngayong araw ng lunes ay sobrang aga kong nagising dahil excited na akong pumasok. Kagabi lang ay naka-chat ko si Macky ang dami niyang kwento kesyo hindi na siya makahintay sumapit ang lunes dahil gusto na niya akong makita. Bakla talaga.
Nabanggit niya si Pogs. Sobrang tahimik daw nito at tila nakipag away dahil putok daw ang labi nito at may mga sugat at pasa nagtaka naman ako kung sino ang nakaaway nito? Hindi ko tuloy mapigilang mag alala sa kaniya. Baka binawian ito nila Quintin? Hindi naman siguro imposible iyon alam kong galit sila sa ginawa ng kaibigan ko kay Cai. Wala rin daw itong kinausap sa classroom maski si Ruth na nilapitan ito ay hindi rin daw pinansin kaya naiyak dahil napahiya. Hay siraulo talaga alam naman niyang iyon ang dahilan kung bakit galit sa kanya si Cai.
Natakot din si Macky na kausapin o lapitan ang kaibigan ko dahil parang wala sa mood si Pogs nung biyernes. Usap usapan din ang nangyari sa parking lot kaya asahan ko na daw sa pagpasok ko ay instant celebrity na ako.
Loko talaga...
Tungkol naman sa pangyayari sa amin ni Cai ay inimbestigahan din iyon ngunit iniwasan nila na magsalita. Wala rin gusto mag witness kaya naman itigil na iyon ngunit hinigpitan ang seguridad sa campus upang walang makapasok na outsider tulad ng mga sumugod sa campus.
Matapos naming mag agahan ni Tita ay nauna na siyang umalis. Nang handa na akong pumasok ay lumabas na rin ako ng bahay ni Tita siniguradong nakalock na ang lahat ng pinto.
Pangiti ngiti pa ako habang naglalakad palabas ng subdivision. Tumingala ako ang ganda ng panahon parang ngayon lang uli ako nakalabas ng bahay matapos ang nangyari.
Ngunit natigilan ako sa paglalakad ng may marinig akong busina mula sa likuran ko kaya naman dahan dahan akong lumingon doon. Isang pamilyar na kotse ang huminto sa harapan ko kilala ko na kung sino ang nagmamay ari non dahil ilang beses na rin akong nakasakay do'n.
Bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas ang lalaking sakay no'n. Hindi siya lumapit sa akin ngunit ang mga mata niya ay malungkot na tumingin sa mukha ko.
"A-Ah.. s-sabay ka na sa akin.."kabado pa niyang yaya sa akin hindi agad ako sumagot at nakatitig lang sa kanya. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita at hindi nakausap sinunod niya ang gusto ko na huwag munang magpakita. Halata pa rin ang mga pasa at sugat nito sa mukha kaya nakaramdam na naman ako ng awa sa kaniya.
Bumuntong hininga ako ang totoo namiss ko naman siya at nag alala sa kanya pero alam kong magiging okay din siya.
"Sige na, gusto na kitang makausap.."makaawa niya sa akin nung hindi ako kumibo ilang sandali pa ay tumango ako sa kanya at lumapit sa kotse niya. Bigla ay sumigla ang mukha ni Pogs binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at pumasok doon. Mabilis din siyang sumakay at nilingon ako.
"Salamat,"nakangiti niyang sabi halatang masaya sa pag sakay ko sa kotse niya. Hindi ko siya kinibo tumingin lang ako sa labas ng kotse niya.
Tahimik ang naging biyahe walang nag salita sa aming dalawa ang totoo hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Nang makarating kami ng school at maipark niya ang kotse ay nauna na akong bumaba.
Hindi ko na siya nagawang hintayin dahil nauna na rin akong naglakad pero naramdaman ko na lang na may humawak sa siko ko. Natigilan ako at huminto sa paglalakad agad na binawi ko ang siko ko sa kanya pero hindi ko siya nilingon.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
General FictionAng simpleng buhay lamang noon ni Zia ay gugulo simula ng malaman niya ang sikreto ni Quintin ang lider ng grupo na kinakatakutan ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa inaakalang masamang ugali ng lalaki ay unti-unti na kikilala niya ang totoong pagkata...