Asan nga ba si Agatha? Ang tanong ng lahat.... Bakit nga ba nagpakamatay si Charlie? Nagpakamatay? O pinatay?
"Tita nakikiramay po kami sa pagkamatay ni Charlie.."
Pagdamay nila Nicole at kanyang mga kaibigan sa burol ni Charlie
"Hayy! Bakit pa ngayon nangyari to? Di pa tuloy makakagraduate si Charlie Salutatorian pa naman natin siya.."
Panghihinayang ni Kurt.. Walang imik sa paligid.... Ang tanging maririnig mo lamang ay ang iyak ng bawat isa
"Magtatagal pa sana ang buhay mo tol! Pero ano ba talagang sanhi ng pagpapakamatay mo?"
Tanong ni Adam sa sarili
"Sayang naman... Pero ano kaya mangyayari sa Completion natin sa Friday? Tapos libing na rin ni Charlie sa sunday... Hayy buhay nga naman"
Pagaalinlangan ni Allison sa pagkawala ng kaibigan..
"Sa tingin ko hindi matutuloy ang Completion ng 4th year dahil sa nangyari..."
Pagtingin ni Kristen..... Sa ilang sandali pa ay nawala ng katahimikan sa lugar at nabalot ng kababalaghan......
"Ahhh!!!"
Sigaw ng isang babae mula sa bakanteng lote na nasa tabi lamang ng bahay ng binata..
"Ano yun?"
Sabi ng isang lalaki
"Tara tignan natin..!"
Aya naman ng Ama ni Charlie..... Ng makabalik ang mga kalalakihang tumingin sa sigaw... Nagulantang ang lahat....
"Charlie, Charlie, are you here?"
Ang mga katagang paulit ulit na sinabi ng Ama....
"Pa? Ano ba nangyayari sayo?"
Tanong ng Ina... Bumagsak na lamang ito at nahimatay....
Makalipas ang halos 1 oras, nagising nga Ama ni Charlie...
"Ah tito? Ayos lang po ba kayo?"
Pagsuyo ni Adam na nakabantay sa Ama ni Charlie...
"Anong nangyari?"
Tanong ng lalaki..
"Nahimatay po kayo kanikanina lang, nagsasabi din po kayo ng mga salitang Charlie, Charlie are you here?"
Ang sagot ng binata....
"Hah? Ako? Hhhh"
Bugtong hininga ng Tatay....
Lumipas ang gabi at paalis na ang magkakaibigan...
"Ah tita mauna na po kami! 11:30 na rin po kasi at baka abutin pa kami ng madaling araw..."
Paliwanag ni Nicole kasama ang mga kaibigan.
"O siya sige! Salamat sa pakikiramay"
Sagot ng Nanay......
Ng makasakay na ang magkakaibigan sa sasakyan, muli ay nabulabog ang lahat...
"Guys, mukang mauubusan tayo ng gas... San ba may malapit na gas station dito?"
Tanong ni Michael na siyang may ari ng sasakyan...
"Sa mga oras na ito at dahil sa lugar natin, tiyak na wala ng bukas na gasolinahan..."
Pagsumbit ni Nikka...
Umandar na sila Katuwang ang alanganing sitwasyon.... Magubat at madilim ang daan palabas sa kalsadang patungo kila charlie....

BINABASA MO ANG
I'll Be There
HorrorNaniniwala ka ba sa multo? Nakalaro ka na ba ng ghost games? Charlie Charlie? Bloody Mary? Spirit of the glass? Well play with your friend