Chapter 7

32 2 4
                                        

<Allison POV>

Dahil sa nangyari, nagambala kaming lahat dahil na rin sa takot..... Pero ano nga ba talagang nangyari? Bakit nagkaganoon si Kristen....?

"Guys ano? Lalaruin pa ba natin yan?"

Tanong ni Michael habang minamaneho ang sasakyan....

"Wag muna! Kailangan pa nating alamin ang totoong nangyari kay Kurt......"

Paliwanag ni Nicole sa amin....

Ilang saglit pa ay may nadaanan kaming karatula na nakalagay ay

"Turn Left, this Route is under construction"

Kaya't lumiko kami kahit ang aming pupuntahan ay nasa kanang daan...

"Oh? Pano na tayo makakapunta sa Bahay mo?"

Tanong ni Marcus kay Michael......

"Easy lang tol! May shortcut dito....!"

Walang alinlangan sinabi ng binata....

Maga-alas 5 na rin kasi ng hapon kaya nagmamadali na rin kami...

"Tol! Dumidilim na! At umuulan pa!"

Pagaalala ni Adam dahil dumidilim na ang paligid....

Ilang oras ang dumaan ay wala parin kami sa bahay nina Michael..... Lahat kami ay kinakabahan na...

Maya maya pa ay may napansin akong kakaiba sa bawat dinadaanan namin...

"Michael! Diba nadaanan na natin yung sign na yun?"

Tanong ko at hininto niya ang sasakyan...

Tumingala kami at napansin nga na ang parehong nakasulat sa sign na aming nadaanan makalipas ang halos 2 oras....

"Baka naman kapareho lang!"

Walang pangangambang sabi ni Anthony....

Maya maya pa ay nagising na si Kristen habang nakahiga sa aking hita...

"Asan tayo?"

Tanong ng dalaga..... Maya maya pa ay pagalit na tinanong ni Anthony si Kristen...

"Ano?! Wala kang naaalala?!"

Tanong nito....

Pinigilan ni Adam ang binata sa pagkainit ng ulo at pinakalma ang lahat....

Sa wakas ay nakaramdam ng katahimikan ang sasakyan......

Muli ay nadaanan na naman naming ang sign na may parehong mga salita na punapupunta kami sa kaliwa....

"Ayun na naman!"

Sambit ko......

"Alam mo ba talaga ang shortcut dito?"

Tanong ni Nikka....

"Oo alam ko!"

Sambit nito... Nagpatuloy sa pagmamaneho si Michael ngunit yoon at yoon parin ang dinadaanan namin....

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon