Chapter 1

63 5 3
                                    

"Ano guys? Pano vacation ng tropa? 5 days nalang bakasyon na! San tayo?"

Tanong ni Marcus na para bang gustong gusto na niyang matapos ang pasukan.

"Oo nga! Eh pano kung doon tayo sa bahay na pinag-retreatan natin?"

Suggestion ni Adam.... Natahimik ang lahat dahil doon....

"Ay sorry oo nga pala nakalimutan ko!"

Dugtong ni Adam...

"Any other suggestions guys?"

Pamumunong tanong ni Nicole... Nagtaas ng kamay si Kristen upang magsuggest

"Eh kung sa resort nalang nila Nikka sa Palawan? Yung sa isang isla dun? Ano? Okey lang ba Nikka?"

Sagot ni Kristen, sumagot naman kaagad si Nikka

"Ayy oo nga noh? Tutal mga 1st day palang naman ng summer kaya wala pang tao dun.... So pwede tayong magstay ng 2-3 weeks? What do you think guys?"

Masiglang sagot ni Nikka.... Sumangayon naman ang lahat maliban kay Agatha....

Si Agatha ay ang pinakakakaiba sa magkakaibigan, siya lang ang naniniwala sa multo...

"Guys bakit? Pwede bang wag na?"

Tanong nito na para bang nagaalinlangan....

"Bakit naman Agatha?"

Tanong ni Kurt, hindi umimik si Agatha at umalis na lamang...

"Nangyari dun?"

Tanong ni Adam, walang nasabi ang lahat at kumunot na lamang ang noo ng bawat isa..

"So ano? Dun na kila Nikka?"

Tanong ni Allison, sumangayon na ang lahat..

Sa labas ng room ay nakikinig pa rin si Agatha at sinabi sa sarili.....

"Bakit? Kung alam niyo lang ang maaaring mangyari! Hindi kayo patatawarin ng kaluluwa niya!"

Sabi nito sa sarili at umalis na....

"So Nikka? Magkano ba ang entrance dun?"

Panguusisa ni Michael..

"Ahh dahil wala pa namang gaanong tourist sa mga panahong yon.. Siguro tig-100 nalang tayong lahat kasama na ang bangka papuntang isla at saka may mga pagkain naman dun sa bahay na papasukan natin"

Sagot ni Nikka,

"Okay guys final? Kila Nikka okay?"

Tanong ni Nicole at sumangayon naman ang lahat dito

"Okay ah!! Walang KJ sa April 16 ahh!"

Masayang sigaw ni Marcus, ilang sandali pa ay dumating na ang adviser ng 4th year at pinapila na ang buong klase para sa practice ng Completion ceremony, napansin ni Nicole na wala parin si Agatha

"Guys nakita niyo ba si Agatha?"

Tanong niya sa mga kaibigan

"Hindi pa! Diba kanina umalis siya kasi ayaw niya sumama sa swimming?"

Sagot naman ni Adam... Sa ilang segundo pa ay may napansing hindi normal si Kristen sa loob ng classroom

"Guys tumingin kayo sa room, tignan niyo yung bintana parang may anino sa loob ng room natin oh!"

Pangungutob ni Kristen, tumingin ang mga kaklase nila sa may bintana ng room, maging ang mga teacher..

"Parang naka...... Bigti!"

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon