Chapter 5

33 2 4
                                    

<Adam's Pov>

Dalawang magkasunod na araw, dalawang pagpapakamatay rin ng aming mga kaibigan ang naitala....

Ano bang nangyayari? Bakit isa isa kaming namamatay? Sino na ba ang susunod? Wala nang makakapagsabi at ang magagawa nalang namin ay ang magingat ng todo...

<Killer>

Dugo, tali, kutsilyo, at balisong, mga main ingredient para sa pagtawag ng demonyo.......

7 persons to go.... Sino kaya ang isususnod ko?.... Hahaha! Eenie Meenie Maynimo, Sino ang papatayin ko? Hahahaha!

"Guys, umuulan na!"

Malungkot na pagsasabi ni Nicole habang nasa burol ng kaibigan...

"Pati ang panahon ay nakikiramay saatin"

Idiyomatikong pagpapahayag ni Anthony.....

"Isa isa ng nagpapakamatay ang mga kasama natin...."

Pagdadalamhati ni Nikka...

"Ano kayang naging problema ni Kurt at nagpakamatay siya..?"

Pagtataka naman ni Allison....

Ilang sandali pa ay may gumulong na lapis pababa ng hagdan at patungo sa lugar ng magkakaibigan...

"San galing to?"

Tanong ni Michael at pinulot ang lapis....

"Nalaglag lang yan sa taas hayaan mo na ipatong mo nalang sa may lamesa.."

Pangengealam ni Kristen.... Nilapag ni Michael ang lapis sa lamesang katabi niya at biglang may napansin ni Adam...

"Cha.... Charlie?"

Napansin nito na nakaukit sa lapis....

"Charlie? Asan?"

Tanong ni Nicole..... Ipinakita ni Adam ang lapis sa mga kaibigan, nagtataka ang lahat kung bakit mayroong pangalan sa lapis na pagmamayari ni Kurt....

"Ano kayang trip ni Kurt at nilagyan niya ng pangalan ni Charlie ang lapis na ito?"

Pagtataka ni Anthony...

"Alam nyo guys, baka hiniram lang yan ni Kurt kay Charlie at hindi naibalik, alam niyo namang ulyanin yung si Kurt"

Pagsagot ni Allison.... Ilang sandali pa ang lumipas at may napansin na namang kakaiba si Nicole sa lapis...

"Guys, tingin ko hindi yan hiniram ni Kurt kay Charlie.."

Pagmamasid ni Nicole sa lapis...

"Bakit mo naman nasabi yan?"

Tanong ni Nikka habang minamasdan din ang lapis kung may kakaiba nga.

"Wala namang kakaiba ah! Bukod sa sulat ng pangalan ni Charlie at walang tasa at bago pa, ano pang kakaiba?"

Panguusisa ni Michael...

"Yun nga guys! Bakit ka mangheheram ng lapis na walang tasa at bago pa? Kung hiniram mo man ito ng walang tasa, ay bakit mo hindi tatasahan?"

Pagpapaliwanag ni Nicole...

"Oo nga no?"

Pagtataka naman ni Kristen... Ilang sandali pa ay biglang nagsalita si Adam..

"Tingin ko sinandya niya yan upang maglaro......"

Bigkas nito... Napakunot ng noo ang lahat ng kaniyang kasama at nagtaka..

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon