<Nicole's Pov>
Dalawang tao ang namatay sa dalawang magkasunod na araw....
Pareho ng uri ng pagpapakamatay at parehong hindi sigurado ang sanhi ng mga ito....
Nagpakamatay o Pinatay?
Ano nga ba ang totoong nangyari? Kung ngapakamatay sila... Bakit? At kung pinatay sila.... Sino?
"Nicole! Halika na! Baka mahuli pa tayo dito!"
Sigaw ni Adam habang tumatakbo kami papalayo sa isang bahay na nasa gitna ng gubat... Hindi ko alam kung nasaan ako...
"Takbo! Andyan na siya!"
Sigaw muli ni Adam habang nakahawak sa aking kamay at hinahatak ako papalayo...
May humahabol sa aming isang tao na may hawak na kutsilyo...
Naghiwalay kami ni Adam sa pagaakalang maililigaw namin ang taong gusto kaming patayin..
"Sino yon?"
Tanong ko kay Adam..... Bigla siyang huminto at dahan dahang humarap.... Sunog ang kalahati ng mukha niya at nakangiti....
Napaatras nalang ako bigla ng biglang.....
>Alarm<
"Ha! Ha!"
Nilibot ko ang aking mga mata at nakitang nasa aking kwarto na ang diwa ng katawan ko....
"Haay! Bangungot lang pala"
Pagiging komportable ko hanggang sa..
"Ahhhhhh!"
May sumigaw ng napakalakas bandang alas-4 ng umaga...
Lumabas ako ng aking kwarto maging ng aking bahay....
Paglabas ko ay walang tao sa paligid... Naglakad lakad ako upang maghanap ng mga tao.... Paglagpas ko ng aming street ay nakita ko ang mga tao na nakakumpol sa street ng aking kaibigan..... Na si Kurt...
"Anong nagyayari?"
Tanong ko at dahan dahan kong pinuntahan ang lugar....
Pagkarating ko ay nakita ko ang Ina ni Kurt na naghihinagpis at umiiyak ng pagka lakas lakas.....
Maya maya pa ay dumating na ang mga pulis... Sa mga oras na iyon ay doon na ako natakot.... Kinilabutan na para bang may nangyaring masama....
Ilang saglit pa ay dumating na din ang ambulansya... Sa mga oras na iyon ay unti unti ng pumapatak ang aking luha...
Ilang segundo muli ang dumaan at nakita kong inilalabas ang labi ng aking kaibigan.....
"Ku...... Kurt?"
Tanong ko sa aking sarili.... Tumulo ang luha ko at sabay dating ng iba ko pang kaibigan.....
Wala ding nakaaalam kung ano o bakit nagpakamatay si Kurt..... Pero isa lang ang sigurado ko, may dahilan ang lahat ng ito...
<Agatha's Pov>
Dugo,..... Kutsilyo....... Tali at iba pa.... Nawa'y matahimik ang kaluluha ninyo ang mga walang awang pinatay ng isang demonyo..
Hahahaha! Sino? Sino ang susunod? Hahahahaha sino ang sunod mong papatayin?!
"Grabe ang bagsak ng ulan.."
Sabi ni Anthony habang nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan...
"Ano gagawin natin dito sa Board?"

BINABASA MO ANG
I'll Be There
HororNaniniwala ka ba sa multo? Nakalaro ka na ba ng ghost games? Charlie Charlie? Bloody Mary? Spirit of the glass? Well play with your friend