Chapter 9

24 3 2
                                        

<Adam's POV>

Ngayon ay malinaw na ang lahat, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lamang ito naintindihan...

Ang pag set up ni Allison kay Charlie,

Dumaan siya sa bintana na galing sa labas ng room kaya hindi siya nakita sa CCTV ng pumasok si Charlie sa room,

Pangalawa, ang pagbibigti ay hindi rin totoo, ito ay isa lamang palabas,...

Dahil nga sa nakita naming bakat sa ulo ni Charlie na para bang hinampas ng matigas na bagay, halatang sinadya ang pagpapalabas ng pagpapakamatay,

Ikatlo, si Charlie ay ex boyfriend ni Allison, naghiwalay sila dahil sa isang hindi kapanipaniwalang pangyayari,

Nahuli nya si Charlie at Nikka na nag-s** sa mismong kwarto ni Allison dahil gagawa dapat sila ng project,

Ang kwento ni Charlie samin ay bigla nalang daw hinalikan ni Nikka ang kaniyang mga labi at itinulak ito papahiga, hindi rin daw nakapagpigil ang binata at nadala sa pangyayaring iyon,

Pagbalik wari ni Allison ay nagulat nalang daw siya sa nakita...

Ito ang pangunahing motibo ng kaniyang pagpatay...

Ikaapat, dahil sa nakita ni Kristen na anino ng tao sa loob ng room,

Hindi naman ito aktwal na maaaninag dahil ang bintana ng room ay malabo at waring translucent ito...

Si Allison din ang unang nagsabi ng nakabigting tao kahit hindi niya igo nakita ng malinaw...

Ikalima, pagdating ni Allison ay pawisan at hingal na hingal siya....

Waring tumakbo siya ng mabilis...

Ikaanim, ang kaniyang dalang panyo ay naging pula kahit sa umaga ay puti ito....

Sanhi ng pagdududa na ito ay dugo....

Hindi ko lubos maisip kung bakit at paano niya ito magagawa, dahil lang ba sa maling akala?

Hindi patin kami makapaniwala sa mga nagyayari....

Si Agatha naman ay hindi na nagpakita sa amin dahil sa hindi maipaliwanag na sitwasyon....

Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, si Agatha ay walang permanenteng tirahan at palipat lipa ng bahay....

Nagsibol ng unang paghihinala na siya ang sanhi ng pagkamatay nito...

Kay Kurt naman ay halata ng pinatay wari ay may butas sa likod ni Kurt at may butas rin sa kama....

Ito ay nagsibol ng aming pagkatakot...

Ang tatlong katawang ginamit ay sadyang panlilito lamang,

Sa totoo ay isa lamang talaga ang katawan ni Kurt...

Ang una ay ang inilabas sa bahay....

Ito ay bangkay ng isang pulis....

Waring ito ay pinatay rin....

Ang katawang nakabigti naman ay ang katawang parehong nasa kabinet.... Ito naman ay inilipat lang..

Ang katawan naman sa burol ay gawa lamang sa clay, hindi rin ito totoo...

Pero bakit nga ba ngayon ko lamang ito naisip?

Sa dinami dami ng ebidensya ay bakit maling tao ang aking napaghinalaan?

Habang ako ay nagiisip ay biglang dumaan muli ang taong iyon....

"Ha! Haaaa ha!"

Dahan dahang tawa nito.... Sa pagkakataong ito ay parang alam niya na kung saan kami nakatago...

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon