Chapter 11 (The Bloody Mary)

41 3 14
                                        

<Miara's Pov>

"Bloody Mary, Bloody Mary, Bloody Mary"

Sabi ko habang nakatapat sa salamin at nakapatay ang ilaw, wala namang kahit anong kakaibang pangyayari ang aking nakita pagbukas ko ng ilaw ng banyo.....

Maya maya pa ay tumunog na ang bell

Hindi ako naniniwala sa mga Ghost Games, nasubukan ko na silang lahat pero wala talaga.....

Maging ang, Charlie Charlie....

At marami pang iba, ang Bloody Mary ang huli kong sinubukan...

Pero as always, walang kababalaghang nangyari,

Ewan ko ba kung bakit halos lahat ng classmates ko paniwalang paniwala sa mga Ghost Games.....

Ang tropa ko nalang ang mga natitirang normal sa buong Class 4-1 wala din akong alam kung sino pa ang hindi naniniwala sa Ghost Games.....

Dati daw kasi, mga 10 years ago na yung lumipas, may nagbigti daw dito sa school, at saktong classroom pa namin, yung batch ng 4th year dati..... Malay ko, basta ang alam ko Charlie yung pangalan nun.......

Maya maya pa ay dumating na ang adviser namin na si Sir Adam De Velos.....

Sa mga bali-balita, kaibigan daw sya ni Charlie, Lahat daw ng kaibigan niya ay namatay....

Kinausap daw kasi nila yung Charlie gamit ang isang laro, pero, nung kami ng tropa ko, tinry yun, wala namang kakaibang nangyari...

"Uy! Miara! Sa tingin mo totoo yung sinasabi ng iba tungkol kay sir?"

Tanong ni Sandra.. Si Sandra ay kaibigan ko.... Since Grade school....

"Hello? Yun totoo? Eh ilang beses na nating natry ang mga ghost games diba?"

Mataray kong sagot.... Sumabat naman si Efrain

"Eh guys? Pano kung totoo yun?"

Tanong nito.... Sasagutin ko na dapat ito ngunit naunahan ako ni Aaron

"Tanungin nalang natin si Sir after class"

Sagot nito.... Isang oras lang naman at tapos na ang klase, last subject din kasi namin si sir.... Pero habang naghihintay kami, para bang ang tagal ng oras.....

Nasa may bintana ako at nakatulala sa labas.....

"Bloody Mary, Bloody Mary, Bloody Mary"

Bulong ko sa aking sarili at pumikit.... Pag dilat ko ay may reflection ng isang babaeng lumuluha ng dugo ang nasa likod ko....

Lumingon ako ngunit wala namang babae, pag lingon ko muli sa bintana ay naroon parin ang reflection ng babae....

Nanlaki ang mata ko at para bang wala akong ibang nakikita at naririnig kundi slang babae lang.....

Pumikit na lamang ako..... Maya maya pa ay narinig ko ang bell

"Miara! Uy ayos ka lang?"

Pag aalala sakin ni Sky......

Si Sky ay gwapo at aaminin kong crush ko siya

"A-Ayos lang ako..."

Sagot ko at tumayo ako sabay umalis...

Hindi ako mapakali, dumeretso ako sa CR..... Naghilamos upang mahimasmasan..... Maya maya pa ay kumukurap ang ilaw....

Nilibot ko ang mata ko at patuloy sa pagkurap ang ilaw....

Maya maya pa ay tuluyan na itong napundi......

Madilim ang CR kahit alas 3 palang ng hapon.....

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon