Chapter 8

21 2 6
                                        

<Adam's POV>

"Sana ay mabuhay pa kami"

Bigkas ng aking bibig bago magsimula ang paglalaro namin ng Board....

Ilang sandali pa ay sinimulan na namin ang paglalaro..

"Charlie, Charlie are you here?"

Ako ang unang nagsalita at nagtanong...

Naghintay din kami ng ilang minuto ngunit walang kibo at tahimik parin ang paligid.....

Sunod ay nagtanong si Marcus

"Charlie, Charlie are you here?"

Paeehong tanong ngunit iba na ang nangyari......

Tumapat ang lapis sa "Yes"
Nagtayuan at nanlamig ang balahibo ng bawat isa ng makita ang lapis na nakaturo sa pagsangayon ng aming kinakausap...

"Charlie, Charlie can we talk?"

Sunod na tinanong ni Nicole... Muli ay umikot ang lapis at muling tumapat sa "Yes".... Mas kinabahan kaming magkakaibigan dahil sa nakita...

"Charlie, Charlie are you with us now?"

Tanong naman ni Anthony.... Muli ay tumapat ang lapis sa "Yes"..

"Charlie, Charlie where are you?"

Sunod namang tinanong ni Kristen... Umikot ang lapis at tumuro sa arrow na nakaturo naman sa kaisa isang kwarto na nakabukas na malapit din sa sala kung saan kami nakapwesto habang naglalaro...

"Charlie, Charlie are you in there?"

Tanong ko.... Ilang minuto ang lumipas at saka palang gumalaw ang lapis, tumapat ito sa "Yes"..

"Charlie Charlie can you throw something in there?"

Pabirong itinanong ni Anthony... Nagulat at kinabahan ang lahat ng biglang may bumato ng isang bola patungo sa kinaroroonan namin...

"Charlie, Charlie thank you but can we leave now?"

Natatakot na tanong ni Nikka...

Tumapat ng pagkabilis bilis ang lapis sa "No"... Naiiyak na kaming lahat pwera ka Allison, kanina pa siya walang kibo....

"Charlie, Charlie are you with Kurt?"

Tanong muli ni Marcus.....

Tumapat ang lapis sa "Yes".

Unti unti, minu-minuto ay kinakabahan ang bawat isa saamin,..

Muli ay tinanong namin ang multong kausap namin...

"Charlie, Charlie can you ask Kurt?"

Tanong ko at tumapat ang lapis sa "Yes"

"Charlie, Charlie please ask Kurt did he really commit suicide?"

Tanong naman ni Nicole..... Walang kibo ang lahat hangga't hindi gumagalaw ang lapis, ilang sandali pa ay muli itong gumalaw at tumapat sa "No".....

"Charlie, Charlie ask this to him, then what happened?"

Tanong ni Anthony sa multo.... Ilang minuto ang lumipas at walang kibo ang lapis kaya tinanong muli namin ito..

"Charlie, Charlie ask this to him, then what happened?"

Tanong muli ni Anthony.... Wala na namang kibo ang paligid at tinanong muli ito

"Charlie, Charlie ask this to him, then what happened?"

Tanong muli ni Anthony... Wala na namang kibo ang paligid at paulit ulit itong itinanong ng binata...

Sa pagkainis nito ay itinaboy ni Anthony ang lapis papalayo at napunta at gumulong ang isa sa kwartong itinurong naroroon ang multong aming kausap...

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon