Chapter 4

31 3 2
                                    

<Kurt's Pov>

Ako nalang magisa ang naglalakad papuntang street namin, may narinig akong boses na nanggagaling sa dulo ng daang tinatahak ko...

"Hello? May tao ba dyan?"

Tanong ko.. Ilang segundo ang lumipas at walang sumasagot sa akin at puro alulong lang ng isang tao ang aking naririnig..

Dahan dahan akong humahakbang at habang lumalapit ako ay palakas ng palakas ang tunog....

Patuloy akong naglakad.... Sa huling hakbang ko na pumaliko sa isang kanto, tumigil ng bigla ang alulong....

Natahimik bigla ang paligid at nagsimula ng isang boses ng lalaki...

"Charlie Charlie are you here?"

Paulit ulit na pagbigkas ng mga kataga.....

Habang tumatakbo ang oras ay palakas ng palakas ang pagbigkas ng bawat salita, tila ba papalapit ito ng papalapit...

Patuloy kong tinitigan ang madilim na bahagi kung saan nanggagaling ang boses....

May naaninag akong lalaki na papalapit ng papalapit sa aking kinatatayuan.....

Ilang sandali pa ay napakurap ako at pagtingin ko sa bahaging iyon ay wala na ang lalaki.....

Nilibot ko ang mata ko at tumingin sa paligid...

"TUMAKBO KA! PAPATAYIN KA NIYA!"

Sigaw ng isang boses malapit sa tenga ko.....

Tumakbo ako ng mabilis dahil sa sobrang takot.......

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa aming bahay at pagpasok ko ay kaagad kong ikinandado ang Gate ng aming bahay...

Agad din akong umakyat papuntang kwarto ko at saka ikinandado ang pintuan ng aking kwarto....

Makalipas anv halos isang oras... Naisipan kong laruin ang Board... Gaya ng nasa papel, naglagay ako ng lapis sa stand na nasa gitna ng board,

Wala akong maisip na pangalan ng yumaong tao......

Hanggang sa pumasok sa isipan ko si Charlie..... Isinulat ko anv pangalan niya sa dalawang lapis at saka ito ipinagpatong....

"Charlie Charlie are you here?"

Tanong ko, walang nangyari sa lapis at inulit ko ang tanong ko...

"Charlie, Charlie are you here?"

Umikot ang lapis kahit wala namang hangin dahil nakasara ang bintana ko at aircon naman ang kwarto ko kaya't di ko na binuksan ang electic fan,

Tumapat ang dulo ng lapis sa "Yes"

Kinilabutan ako ng bahagya dahil sa paggalaw ng lapis...

"Charlie, Charlie did you commit suicide?"

Tanong ko, ang sanhi ng pagtatanong ko nito ay dahil sa porma ng pagkabigti ni Charlie.... Para bang hindi ito suicide dahil may mga sugat ang kanyang katawan, para bang pinatay siya sa pamamagitan ng pagbigti sa binata at papalabasin na suicide ang dahilan ng pagkamtay..

Muli ay umikot ang lapis, laking gulat ko ng ito ay tumapat sa "No"

Unti unti na akong napapaisip na tama nga ang hinala ko na pinatay siya...

"Charlie, Charlie where are you?"

Tanong ko at umikot ang lapis at tumuro ito sa arrow na nakaturo saakin...

Lumamig bigla ang ihip ng hangin at pakiramdam ko ay nasalikod ko nga si Charlie...

"Charlie, Charlie if you do not committed suicide, who killed you?"

Tanong ko tumapat ang lapis sa arrow na nakaturo naman sa pinto ng kwarto ko....

"Charlie, Charlie is the killer was behind my door?"

Muli ay umikot ang lapis at tumuro sa "Yes"

Ilang sandali pa ay kumalabog ang pintuan ng kwarto ko....

"Charlie Charlie is that the killer?"

Tumapat naman ang lapis sa "Yes"

Sa mga oras na iyon ay kinikilabutan na ako..... Itinago ko anv board sa ilalim ng kama ko at saka hinarangan ang pinto ng aparador na aking itinulak....

Tumalon ako papuntang kama at nagtalukbong.....

Ngayon ay hindi dapat ako mamatay, maliwanag na sa akin ang lahat na hindi nagpakamatay si Charlie at pinatay siya ng hindi pa nakikilalang tao.....

Sa mga oras ding iyon ay iniisip ko nalang ang kailangan kong gawin upang malaman nina Adam ang tungkol rito........

Unti unti ay nararamdaman ko na nasisira na ang pinto.... Nagtago ako sa ilalim ng aking kama sa pagbabakasakaling hindi ako mahahanap ng killer....

Maya maya pa ay nakita ko na waring umaatras ang aparador na nakaharang sa pintuan.... Para bang isang demonyo ang taong gustong pumasok sa aking kwarto....

Tuluyan na ngang nabuksan ang pintuan ng aking kwarto... Ng makapasok ang killer ay naaninag ko ang isang babaeng hugis....

Nililibot nito ang aking kwarto na para bang hinahanap niya talaga ako....

Ilang sandali pa ay napapikit ako sa takot...

Pagdilat ko ay wala na ang taong iyon......

Maya maya pa ay may sumaksak sa likod ko ng isang matulis na bagay na waring ng galing sa ibabaw ng kama...

"Argh! Ahh!"

Sigaw ko dahil sa sobrang sakit..

Hinugot ang patalim sa likod ko at gumulong ako papalabas sa ilalim ng kama....

Nakita ko ang kaibigan ko....

Nagpumilit din akong gumapang upang humingi ng tulong.....

Tinuluyan na ako ng kaibigan kong iyon......... Wala na kong magagawa pa....  Sana ay malaman nila adam ang tungkol rito.....

<Adam's Pov>

Nabulabog ang buong subdivision dahil sa ingay ng sirena ng pulis at ambulansya....

Lumabas ako ng bahay upang tignan kung ano ang nangyari paglabas ko ay nagkakagulo ang mga tao sa tapat ng street nina Kurt.....

Pinuntahan ko ang lugar na iyon ngunit wala akong makita sa kapal ng hanay ng mga tao....

Nakita ko si Anthony, Nicole at Kristen sa may bahay....

"Ano nangyari?"

Tanong ko.... Umiiyak silang tatlo maging ang iba pang kamaganak ni Kurt...

"A.... Adam...... Si.... Si kurt..... Pa...patay na si Kurt!"

Ng narinig ko ang salitang mga binigkas ni Nicole ay agad na tumulo ang luha ko....

"Wag ka magbiro ng ganyan..."

Sabi ko dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nila.....

"Nakita siyang nakabigti sa may kwarto niya..."

Tuluyan ng tumulo ang aking luha na para bang ulan sa pagbuhos

"Hindi! Hindi hindi pwede to!"

Sigaw ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari....

Ng nailabas na ang katawan ni Kurt mula sa loob ng bahay ay naaninag ko ang palo sa kaniyang ulo.....

Napaisip ako dahil doon ngunit hindi ko muna inintindi iyon dahil sa sobrang lungkot....

"Bandang 3:00 am namatay ang biktima..."

Sabi ng pulis na nagiimbestiga....

Kalaunan ay pumunta kaming apat sa kwarto ni Kurt.... Naka harang sa pinto ang police line na dahilan kaya hindi kami makapasok sa loob...

Habang nakaupo kami sa labas ng kwarto ay may naaninag akong bagay sa ilalim ng kama...

"Guys! Tignan niyo yun!"

Sabi ko.... At ng tignan namin iyon ng mabuti, Board.............

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon