<Nicole's POV>
Dasal, Rosaryo at isang maliit na rebulto ni Sto. Niño ang tanging hawak ko
Wala na akong ibang magagawa kung hindi humingi ng pabor sa panginoon...
Hindi ko alam kung sino pa ang buhay sa amin, wala din akong ideya kung bakit ito ginagawa ni Allison kahit wala kaming kasalanang nagawa sa kaniya....
Ilang saglit ang lumipas, bigla na lamang tumumba ang aparador sa loob ng kwartong aking pinagtaguan...
Pagbagsak nito ay lumitaw ang isang butas na para bang pintuan at may pulang ilaw ang nanggagaling dito...
"Nasa Impyerno na ba ako?"
Tanong ko sa aking sarili.... Pinasok ko ang kwartong iyon,
Wala akong ibang nakita kundi dilim at ang kaprasong pulang ilaw mula sa kisame ng kwarto....
Sumara na lamang bigla ito at para bang bumalik sa pagkakatayo ang aparador....
Nagulat na lamang ako ng mangyari ito....
Unti unti ng tumulo ang aking luha ng maisip ko ang aking pamilya...
Maya maya pa ay may tumawa mula sa kung saan....
"Hahahahahaha!"
Ani nito, hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang tawa dahil sa madilim ang paligid at ang maliwanag na parte lamang ng kwarto ay ang kinatatayuan ko...
"A-Allison?"
Tanong ko sa paligid, walang kahit sinong sumagot.....
Maya maya pa ay nanggaling sa dilim ang isang lalaki.... Ito ay si Marcus...
"Marcus? Anong ginagawa mo dito? Buti naman buhay ka pa!"
Pagsabi ko nito ay wala na kong ibang kasunod na nasabi....
Nakita ko ang kaniyang noo na may butas....
Napaupo ako sa sahig at tinakpan ang aking mata..
Tumalikod ako at pag dilat ko ay nakita ko naman si Kristen...
Wala din akong nasabi ng makitang butas din ang kanitang noo...
Sunod na lumabas si Michael..... Putol ang kamay nito...
Sunod ay si Anthony, Putol ang mga bahagi ng kaniyang katawan...
Sunod ay si Nikka, wala ang ibabang panga niya at magulo ang buhok nito....
Huling lumabas ay si Charlie......
"Nicole, lumabas ka sa kwartong ito at tulungan mo si Adam, kayo na lamang ang tanging paraan upang mapatay si Allison"
Bulong ni Charlie sa akin..... Napaharap ako sa kanilang lahat, ngunit isa isa silang nawala.....
Gumulong na lamang ang isang flashlight mula sa kung saan....
Muli ay may narinig akong bulong...
"Iyan ang gamitin mo"
Bulong nito.... Bumukas ang pinto at sarado pa rin ang mismong pinto ng kwarto...
Binuksan ko ang flashlight at itinapat ito sa pinto...
Nakita ko na nakatayo si Kristen at itinuturo ang labas ng kwarto....
Sinundan ko ito....
Pagdating ko sa tapat ng hagdan ay bababa na dapat ako ngunit itinuro ni Nikka ang isang daan....
Nagalangan ako ngunit sinunod ko ito......
Sunod ay itinuro ni Michael ang isang kwarto....
Pinasok ko ito.... Malaki ang kwartong iyon......
BINABASA MO ANG
I'll Be There
HorrorNaniniwala ka ba sa multo? Nakalaro ka na ba ng ghost games? Charlie Charlie? Bloody Mary? Spirit of the glass? Well play with your friend