PLAYGIRL #10

2.7K 37 8
                                    

©pinaykimchii

(Margaux)

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa ako nagda-drive pero hindi ko alam kung saan ko ihihinto ng dahil sayo!" Inis na sabi ni Benjamin.

Inirapan ko siya at sinalpakan ng fries ang bibig na nginuya niya naman.

"Just drive! Malapit na tayo." Sabi ko at tumingin muli sa mga nadadaanan naming building dito sa Alabang.

"Sprite please, bitch." Aniya habang ngumunguya pa.

Inis kong itinapat sa bibig niya ang sprite na mayroong straw at hinayaan siyang doon uminom. "Alam mo don't say please kung bitch lang din naman ang itatawag mo sakin!"

Ngumisi siya. "Why? Are you hurting?"

Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita.

"Uy, ano? Are you hurt?" Pamimilit niya pa.

Hindi ko parin siya pinansin at nanatiling tahimik hanggang sa makarating kami sa aming pinuntahan. Actually, this place is very close to my heart. Kaya tuwing nalalapit ang pagsapit ng kaarawan ko ay palagi akong nagpupunta dito dahil sa nakasanayan ko na. My uncle, even my mother ay hindi alam na nagpupunta ako sa ganitong lugar. Only my Grandpa Sky, ang nakakaalam.

"Hospicio de Medesina Institution." Dinig kong mahinang bigkas ni Benjamin.

Napatingin ako sakanya na nakatitig lamang sa lumang building ng Hospicio. Napansin ko lang na nanahimik rin siya at naging uneasy ng papasok na kami sa Hospicio pero hindi ko na iyon pinansin pa. Dahil mahal ko at mahalaga ang lugar na ito sakin.

"Pumasok na tayo." Sabi ko sakanya pero ihahakbang ko pa lang ang aking mga paa ng biglang hawakan niya ako sa braso.

"H-how did you know about this place?" Seryosong tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. Baka pagtawanan niya lamang ako kapag sinabi ko ang tunay na dahilan kung bakit ako naririto at kung bakit alam ko ang lugar na ito. Well, sino ba naman ang hindi pagtatawanan ang rason ko. Isa akong sikat at play girl at baka kapag nalaman nila na alam ko ang lugar na ito ay baka akalain nila na kabilang ako sa mga tao rito. Isa lang naman itong Hospicio para sa mga baliw na tao na mayroong karamdaman. Dito pinagagaling ang mga taong baliw at dito rin inilalagay ang mga taong may karamdaman na hindi na kayang alagaan o ipagamot ng kanilang mga pamilya.

"Let's go. Kung ayaw mo, ako ang mag-isang papasok sa loob." Sabi ko sakanya at inagaw ang dala niyang karton na puno ng pagkain.

Nauna na ako sa loob ng Hospicio at nakita ko agad ang mga batang mayroong mga beanie sa ulo at may suot na mask. Mga bata sila na mayroong cancer at ang iba sakanila ay iniwanan na lamang basta sa labas nitong Hospicio.

"Ate Margaux!" Sabay sabay nilang tawag sa pangalan ko.

Malawak na ngiti ang ibinigay ko sakanila.

"Ate, ang tagal mo pong bumalik dito. Namiss namin kayo, kahit sina Lola miss na kayo." Sabi ni Nene, ang pinakabata sakanila.

Hinawakan ko siya balikat. "Sorry ha? Medyo busy lang si Ate sa Manila. Pero nandito ako para makipaglaro sainyo maghapon. Pero bago ang lahat, dadalawin ko lang sila Lola at Lolo okay? Tska sila Sister." Sabi ko sakanila na mabilis naman nilang sinang-ayunan.

--

(Benjamin)

"Ikaw na bata ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita ha. Ilang linggo ka rin na hindi bumibisita sa mga bata." Sermon ni Sister sakin.

Napakamot na lamang ako sa ulo ko. "Sister, busy po sa restaurant. Nandito nanaman na ako."

"Kilala mo ba siya?" Tanong niya.

Dealing with the PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon