©pinaykimchii
(Margaux)
Cold breezy nights. Loud music. Smoke from cigarettes. Unlimited hard drinks. People making out in every corner of the club. Booze. Sexy and hot males dancing in the dancefloor and my boys.
I sigh and sipped my shot of Vodka.
"So, what is your plan? Hindi ka talaga sasama?" Lauren ask.
Umiling ako at uminom muli sa basong hawak ko.
"Pero Mars, baka magalit sayo ang Lolo mo." Paalala ni Tony sakin.
Tumingin ako sakanilang dalawa. Parehas na nag-aalala ang pinapakitang ekspresyon ng mga mukha nila. Pero ano ba ang sasabihin ko? Ang ipapaliwanag ko sakanila? I'm sure tulad din ni Grandpa, hindi nila ako maiintindihan.
"May I ask. Bakit hindi ka sasama sa States?" Usisa ni Kid sa tabi ni Lauren.
Inirapan ko siya at muling nagsalin ng alak sa hawak kong baso.
"Mars, hindi mo ba kami kikibuin man lang? Kanina pa tayo dito pero hindi ka naman nagsasalita. Inom ka lang ng inom diyan!" Naiinis na sabi ni Tony.
I heard Kid chuckle. "Wait text ko si Benj."
Umirap muli ako at uminom.
"Don't Kid! Masasapak kita, tignan mo." Saway ni Lauren sa boyfriend niya.
Tumayo ako ng maramdaman kong nahihilo na ako ng dahil sa alak. I want to dance. I want to divert my feelings and emotion.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sakanila ang problema ng pamilya ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sakanila ang dahilan ko. Ang alam lang nila ay tutungo na kami sa States for good at wala ng iba pang dahilan. Grandpa Sky sell our all properties and businesses here in the Philippines, including Celestine. Sa lagay ng Uncle ko ngayon, hindi niya na mapapatakbo ng maayos ang lahat ng business nila dito sa Pilipinas and my Grandpa wants us to lived in the States for the sake of Uncle Stan. And me? Tulad ng una kong sinabi. I will stay here because of Benjamin. Yeah I know! I'm such a crazy stupid little brat na mas pipiliin ang lalaki kesa sa pamilya.
Tonight, I just want to be in peace. Iyong tipong wala munang iisipin na problema. Dahil gulong-gulo na ako sa mga pahiwatig ni Grandpa na hindi ko maintindihan.
Hindi naman sana kasi mangyayari lahat ng ito kung hindi dahil sa Lucas na kinatatakutan ni Uncle Stan. Siya ang gumugulo sa tahimik naming pamilya. Kung hindi dahil sakanya, hindi kami aalis sa bansang ito at hindi magkakaganoon ang Uncle ko. Damn Lucas!
-
"Umaga na ha?! Nag club ka na naman?! Diba sinabi ko naman sayo na huwag ka ng lalabas pa sa gabi? Baka mapahamak ka!" Galit na sabi ni Grandpa.
"I'm with my friends naman and look, ligtas naman po akong nakauwi." Depensa ko at tamad na tinignan si Grandpa.
"Pack your things, sa susunod na araw ay aalis na tayo. Nahanda ko na ang mga tickets natin papuntang States." Biglang sabi niya.
Matigas akong umiling. "I said, no. Hindi po ako sasama. Dito lang ako!"
"Whether you like or not aalis tayo, Margaux! At iiwasan mo ang Benjamin na iyon kung iyon nga ba ang tunay niyang pangalan! Huwag ng matigas ang ulo." Galit na sabi ni Grandpa sakin.
Inis akong tumingin sakanya. "Grandpa! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Bakit ko iiwasan ang lalaking mahal ko? At isa pa, sumasang-ayon ka ba sa kabaliwan ni Uncle?! Naniniwala kang si Benjamin ay si Lucas, you have no proof!" Isang sampal ang natamo ko kay Grandpa at may isang folder siyang ihinagis sakin.
BINABASA MO ANG
Dealing with the Playgirl
General FictionMargaux and Lucas (LIM Series #3) Written by: PinayKimchii xx Unedited