©pinaykimchii
(Margaux)
It's friday and I'm so excited for tomorrow. Hay! We have a memorable date tomorrow.
"Miss Garcia. Congrats! You got the highest score. 100 over 100." Sabrina bitterly said.
I just smirk at kinuha ang papel kong ibinigay niya. Pasimpleng inirapan niya ako bago tumalikod papunta sa table niya. Hindi niya siguro matanggap na nakakuha ako for the first time ng perfect score sa exam. Paano kapag bagsak ako, tuwang-tuwa siya na ipahiya ako sa buong klase.
"Taas ha? Inspirado ba?" Bulong ni Tony sa gilid ko sabay hagikgik.
Nginitian ko lamang siya at handa ng umuwi. Wala ako sa mood ngayon para makipag-usap, I am so excited about the date tomorrow and I'm sure matutuwa nito si Benjamin sakin, I got a perfect score na hiling niyang makuha ko.
"Mars, club tayo mamaya? Friday ngayon, walang pasok bukas." Yaya sakin ni Tony habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Pass ako ha? Magrereview ako para sa exam sa monday." Sabi ni Lauren.
Umiling naman ako at apologetic na tumingin kay Tony. "Mars, me too. Pass ako. I have some errands to do tomorrow." Saad ko.
He sigh at hindi kami pinansin na dalawa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lauren at nagkibit balikat na lamang. Gusto ko man mag-clubbing mamayang gabi pero pinipigilan ako ng puso ko na huwag muna, ayokong magalit si Benjamin sakin at ayoko na mag-away kaming dalawa. Good thing nga ang nangyayari samin dahil hindi na kami madalas mag-away, hindi niya na ako sinusungitan o sinasabahin ng kung ano-anong pangalan na ikinasasakit ng puso ko. Sa nakalipas kasi na linggo, I gave myself a chance to love him again, though hindi naman talaga nawala sa feelings ko na hindi ko na siya mahal. Sinabi ko lang sa sarili ko na titigilan ko na siya at susubukang burahin sa sistema ko dahil parang wala namang nangyayari sa ginawa kong deal. Ako pa nga itong nahulog at natalo sa deal na ginawa ko just for him. Pero sadyang marupok itong puso ko, ako na ang naiwas pero siya itong bumalik at naglahad ng panibagong deal. He wants to be my boyfriend...... But until Sabrina learn to love my man of my life. Ganyan ko na siya kamahal, gagawin ang lahat para sa pag-ibig. Para kay Benjamin. Kahit na sa huli, wala akong mapapala.
Pero kapag dumating ang araw na natutunan na siyang mahalin ni Sabrina, masakit man sa damdamin pikit mata ko siyang ibibigay sa taong mahal niya. Pero sana, habang hindi pa iyon nangyayari. Sana sa akin nalang mabaling ang pagmamahal niya, kaya gagawin ko ang lahat mapansin at mahalin niya lang ako. Kung ayaw niya sa mga pinaggagagawa ko noon, handa ko iyon talikuran para sakanya. Ganyan ko kamahal si Benjamin. Ganyan kalakas ang tama ko sakanya.
-
"Wow." Bulalas ko ng makarating kami sa Enchanted Kingdom.
"You like it here?" Marahang tanong niya sakin habang hawak ang kamay ko.
Malaki ang ngiti kong tumango. "I love it! First time kong makapunta dito." Masayang sabi ko.
Ngumiti siya. "Great! Dahil perfect score ka sa long test niyo at naging behave ka for the past days, this is my reward to you."
"Thank you." I sincerely said.
Hinawi niya ang takas na buhok na dumampi sa pisngi ko. "For you, I want you to make you happy. Gustong kong bumawi sayo sa lahat, and this is the first step." Aniya.
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at gusto kong mangisay sa kilig. Hindi mapapantayan ng kahit ano ang kagalakan na nararamdaman ko.
Hinila niya na ako. "C'mon!"
Sinakyan namin ang lahat ng rides. Mabuti nalang at parehas kaming hindi takot sa heights kaya wala sa amin ang naging pabebe. Pati mga booths dito ay nilaro namin, nagkaroon pa ako ng ilang stuff toys dahil palaging nananalo si Benjamin sa mga games. Hindi rin maiiwasan ang mga babaeng tingin ng tingin sakanya, kaya naman todo irap ako sa mga babaeng nagpapacute sa boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Dealing with the Playgirl
General FictionMargaux and Lucas (LIM Series #3) Written by: PinayKimchii xx Unedited