PLAYGIRL #13

2.6K 35 1
                                    


©pinaykimchii

(Margaux)

"Seriously? Nagseselos ka kay Kid?" Natatawa kong tanong kay Benjamin.

He look away. "I am not!"

I jokingly poke his waist. He just groan.

"Ikaw ang nagbukas ng topic tapos ikaw ang mapipikon sating dalawa." Sabi ko matapos niyang sumimangot.

Tinignan niya ako at binuklat ang mga libro kong nakakalat sa coffee table.

"Just stay away from him. He's not good on you." Aniya habang nakasimangot parin ang mukha.

I laugh. "Hindi ako type nun! Are you really a friend? E si Lauren ang pinopormahan ni Kid, not me."

Mas lalong sumimangot ang kanyang mukha. "I don't care. Just stay away from him and to every guy."

I smile widely. "Okay. Sabi mo eh!"

Ngumiti na rin siya at inabot ang sakin ang notebook ko. "Good girl. Now, answer this on your own." Aniya kaya ako naman ang sumimangot.

We are here at his house. Dalawang linggo narin akong naglalagi dito sa bahay niya pero never naman akong nakapaglibot. Only his living room, dining, kitchen and sa garden palang ako nakakapunta dahil sabi niya is bawal na daw ang ibang lugar dito sa bahay niya. I don't know why kasi hind narin naman ako nagtatanong. It's his choice naman at bahay niya ito.

"By the way, saan ka pala galing noong fourteen. Hindi kita natawagan ng buong araw nun. Kahapon ka nalang ulit nagparamdam sakin." Nagtataka kong tanong sakanya.

Tumitig naman siya sakin kaya itong letseng puso ko ay sige sa bilis ng pagtibok. Feeling ko hinihigop niya ang kaluluwa ko, sa klase palang ng pagtitig niya sakin. I wonder, ganito rin ba siya kung tumitig sa half sister ko? Kung nakatayo lang sana ako ay siguro kanina pa ako natumba dahil sa tuhod kong nanghihina.

"I'm busy. You know, business." Aniya at umiwas ng tingin.

Nagkibit balikat naman ako. "How about your parents? Siblings? Saan sila?" Tanong ko habang nagsasagot ng assignment.

"You're so nosy. Alam mo ba 'yun?" Tanong niya sakin.

Ngumiti ako. "Sungit. Sempre, as your girlfriend I just want to know. So, saan sila?"

Kumunot ang noo niya at inispread ang dalawang braso sa arm-rest nitong sofa.

"They're in Cleaveland." Simpleng sagot niya sa tanong ko.

Bilang ako, umiral ang pagka-chismosa ko. "Iniwan ka nila dito for business? Bakit ayaw mong sumunod sakanila doon? Or sila ang umuwi dito?" Curious na tanong ko.

He just smirk. "They're busy and I knew they are pretty fine in an another world."

"Kung sabagay." Sabi ko nalang.

"Ikaw, where is your mother? Aside from your father." Aniya.

Itinigil ko ang pagsusulat at itinuon ang buong pansin sakanya. Why all of a sudden natanong niya kung saan ang mommy ko? Yeah, alam niya ang tungkol sa father ko dahil nasabi ko na ang relasyon namin dati.

"My mom? I think she's fine with our house." Simpleng sabi ko. Hindi naman sa kinakahiya ko ang kalagayan niya pero wala akong lakas na loob na pag-usapan si mommy.

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. "You think? Hindi ka sure? Well, your uncle. How's Mr. Garcia, anyway?" Aniya sa ibang tono.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Nagpaparamdam ka ba sakin na you want me to introduce you as my boyfriend?" Sabi ko.

"Huwag kang assumera diyan! I am asking because he was once my employer at Celestine." Aniya. Defensive naman masyado.

Tumango ako at ngumiti. "Well my Uncle Stan, he's fine naman. He's pretty busy with their business. Hands-on kasi iyon at masipag sa lahat ng bagay, that's why Idol ko iyon." Tumawa ako sa nasabi ko. "Pero hindi ko naman siya matularan sa pagiging masipag, kasi alam mo na. Tamad ako!" Sabi ko sakanya.

Benjamin face is blank at parang walang pakialam sa sinabi ko. But nagtanong siya ulit.

"She's your idol?" Tanong niya na tunog na nag-uuyam. Sasagutin ko sana siya ng magtanong siya ulit sakin. "Close ba kayong dalawa?"

Napatango nalang ako. "Super. Siya na ang nag-alaga sakin at nagpalaki, sila ni Grandpa Sky. Kaya mahal na mahal ko sila kaysa sa tatay kong walang kuwenta. Hindi siya katulad ni Uncle Stan, na mabait at mapag-mahal. Si Uncle Stan, hindi kayang gumawa ng masama, magsinungaling at hindi marunong manloko, unlike sa tatay ko na lahat na yata ng kasamaan nasakanya!" Sabi ko.

"Really?" Simpleng tanong niya na may kakaibang tunog na hindi ko mawari.

"Oo naman. Si Uncle Stan, loyal. Kahit nung namatay sa aksidente ang asawa ni Uncle at kambal niyang anak, he's been loyal. Hindi na siya nag-asawa ulit at sakin niya lahat binuhos ng pagmamahal at pag-alalaga na kailangan ko." Sabi ko.

Pero napatingin ako sakanya ng bigla siyang tumayo at nagdudugo na ang kanyang kamao. Nasa malayo ang tingin niya at blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I see. You really loved your Uncle Stan, just a quick reminder." Aniya at humakbang palayo sakin pero huminto rin at nagsalita, sapat na para marinig ko.  "Huwag na huwag kang maniniwala sa mga pinapakita sayo ng isang tao, malay mo isa lang itong palabas. Iyong inaakala mong mabait at mahal ka, hindi pala iyon totoo." Aniya sa malamig na tono.

Napatitig lang ako sakanyang malapad na likod. Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon?

Lumingon siya sakin ng nakangiti. His expression is back again. His almond chinky eyes are back na hindi mo makikita kanina sakanya.

"I'll just clean my wound at the kitchen. Wait me here girlfriend." Aniya at tumalikod na paalis.

Pagod akong napasandal sa kinauupuan ko. Napapikit ako at pilit na pinapasok sa utak ko ang mga sinabi niya kanina lang. Anong ibig niyang sabihin kanina? Guni-guni ko lang ba ang mga iyon? O pinagti-tripan na naman niya ako? Seryoso ba siya kanina o hindi? Hay! Nakakabaliw talaga lalo na't matanda pa sayo ng sampung taon ang boyfriend mo. Ang dami niyang alam sa buhay!

"Next month, gusto kong pormal na makilala ang mommy mo at ang uncle mo. I want you to introduce me as your boyfriend." Biglang sabi niya ng ihatid niya ako pauwi galing sa bahay niya.

Nanlaki ang mata ko. "For real? Bakit hindi pa ngayon?"

He chukle at pinitik ng mahina ang noo ko. "Ofcourse hindi pa ngayon, next month nalang. Gusto ko handa ako kapag nag-meet na kami ni Mr. Garcia."

Kumunot ang noo ko. "Nagtrabaho ka sa Celestine, hindi pa ba kayo nagkikita o nagmi-meet man lang sa mga conference meeting ng mga faculty." Tanong ko.

Umiling siya. "Kaya nga, gusto ko handa ako kapag nagkaharap na kami ni Stan Garcia." Aniya sa seryosong boses.

Tumango ako at ngumiti. "Okay, sasabihin ko sakanya na may ipapakilala ako kahit next month pa."

Ngumiti siya then patted my head. "That's my girl! So, paano? Just text me. Mag review kana rin. Malapit na ulit ang long test niyo! Mag-aral ok? Hindi mag-facebook at mag-stalk ng kung sino-sinong lalaki!" Aniya.

Sumaludo ako at tumawa. "Yes boss!"

"Crazy." Natatawa niyang sabi.

Bumaba na ako ng kotse niya at ganun rin siya. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. Ugh! He's hot kapag ganoon ang porma niya. Kaya mas lalo akong naiinlove sa lalaking ito e.

Humalik siya sa pisngi ko na ikinagulat ko. "See you next weekend, let's have a memorable date but please, I want to see first your high grades okay?"

Malapad ang ngiting isinukli ko sakanya kahit na pigil na pigil ang kilig na nararamdaman ko ngayon. God! Bukas pa lang ang Lunes pero parang gusto ko ng pumasok ngayon at mag-aral ng mahihirap na lessons. I have an inspiration at may memorable date pa kami pagsapit muli ng weekends.

Dealing with the PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon