©pinaykimchii
(Margaux)
"What's wrong, Celine? You can come on my house by the way. You have my spare key anyway. Just wait for me only in the living room. I'll be quick and yes, we will talk baby." Nanginginig kong binasa ang reply sakin ni Benjamin.
Is my Grandpa lying? Or is it Benjamin?
Based on his text, wala akong maramdamang kakaiba. Kung tama si Grandpa, bakit kasalungat naman nito ang mga sinasabi at pinapakita ni Benjamin? He still calm and compose na parang walang masamang ginawa. Kaya malakas ang loob kong hindi magagawang maghiganti sakin ni Benjamin, hindi niya ako magagawang lokohin. Kahit na hindi niya ako mahal at kahit nakakalito na ang pinapakita niya saking kabaitan at ka-sweetan, bakit wala parin akong maramdaman na kakaiba sakanya?
Kapag nalaman kong nagsisinungaling si Grandpa at ginagawan niya ng kuwento ang lalaking mahal ko, baka hindi ko siya mapatawad. Hell! Mahal na mahal ko si Benjamin.
I heaved a sigh.
Sinulyapan ko mula sa dito sa sofa na kinauupuan ko ang ikalawang palapag. Kung saan naroon ang kwarto niya. Kung saan mahigpit na bilin niya na huwag na huwag akong papasok doon.
I played with my fingers. I close my eyes. I bit my lip. Then I sigh once more.
Isa lang ang magpapatunay sa mga sinasabi ni Grandpa, isang matibay na ebidensya na magpapatunay ng lahat. Kung tama o hindi ang mga bintang niya sa lalaking mahal ko.
I badly need an evidence and I need to sneek out on Benjamin's room para makompirma ko ang lahat. Pero malakas ang pananampalataya kong walang katotohanan ang lahat at wala akong makikitang matibay na ebidensya laban sakanya.
Kailangan ko itong gawin para matigil na si Grandpa sa mga pagbibintang niya at para mawala na ang mga maling naiisip ko.
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan. Takot na gumawa ng ingay kahit na wala naman akong kasama sa malaking bahay na ito ni Benjamin. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng nasa harapan ko na mismo ang pintuan ng kwarto ni Benjamin. Pumikit ako at dahan-dahang binuksan ito.
It's not lock!
Napadilat ako ng hindi ito naka-lock. Dahan-dahan akong pumasok sa madilim niyang silid. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang ilaw sa kabuuan ng silid niya. And it's so plain! Medyo lumawag ang paghinga ko ng mapagtantong wala naman kahina-hinala ang makikita sa silid niyang ito. It's so plain and spacious. Naglakad ako papunta sa study table niya kung saan naroon nakalagay ang kanyang laptop, konting mga papeles at picture frame kung saan siya ang nasa larawan. Napangiti ako sa gwapong mukha niya na seryosong nakatingin sa kung sino man ang kumuha ng larawan niya.
Pero isang kulay itim na mayroong markang X ang umagaw ng pansin ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan na iyon, bumalik ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Feeling ko hihimatayin na ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam pero mas nakakakaba itong paghakbang ko palapit sa pintuang kulay itim.
Dahan-dahan ko itong pinihit pabukas at lumantad sakin ang kulay pulang ilaw na punong-puno ng mga litrato. Inilibot ko ang aking paningin. Punong-puno ng litrato ang silid na ito, unlike sa silid niya mismo.
Puro ito litrato ng batang lalaki na hula ko ay siya... Litrato ng batang lalaki na mayroong kasamang lalaki at babae na hula ko ay magulang niya. May litrato rin na kuha sa isang simbahan at lahat sila ay naka barong... Umawang ang bibig ko ng may litrato na kuha ang lalaking kasama ng batang lalaki kanina sa unang larawan na nakita ko na hinalikan ang babae sa kabaong.
Ano ito at sino ang mga ito?
Lumandas ang luha sa aking mata ng umagaw sa atensyon ko ang mga litrato naming pamilya sa isang basag na salamin na may tuyo na dugo.
BINABASA MO ANG
Dealing with the Playgirl
General FictionMargaux and Lucas (LIM Series #3) Written by: PinayKimchii xx Unedited