❤❤❤Chapter 9❤❤❤

16 4 0
                                    

Author: Hello Guys! How's reading? I hope you're enjoying! If you like it, you can also vote or recommend my story to your friends! If you have some questions, you can message me or comment in the comment box and your message will highly appreciated.

Good News:
New Cover!
Thank you CreepyPervy for giving me this beautiful cover. I appreciate it so much.
This chapter is also dedicated to CreepyPervy!

Thank you so much! You may now start reading this new chapter!
Love lots =)

Chapter Nine: Misunderstood

Minika's P.O.V.

Wednesday ngayon at 2 days na makalipas magmula nung first day namin(you know what I mean). Naging issue na naman ang first date namin ni Brixx sa Campus pati na rin sa ibang social media sites. I just ignored it kasi wala namang mangyayari kung proproblemahin ko pa. Pasasakitin ko lang ulo ko diyan!

"Ate Minika?" tawag sa akin ng isang batang lalaking mukhang 1st year highschool.

"Bakit?" tanong ko rito.

"Sabi po ni Kuya Brixx, hindi raw po siya makakapasok ng ilang araw dahil may photoshoot po siya abroad. Bilin niya po sa akin na mag-ingat po kayo at huwag niyo raw siyang ipagpalit sa iba." sabi nito at umalis na. Mababakas ko sa mukha niya na masaya siya at nakakatuwa siyang tingnan.

Hindi ko rin napigilan ngumiti. Pero bakit pinadaan niya pa sa iba yung sasabihin niya, eh pwede naman siyang tumawag o mag-text? Namerwisyo pa ng ibang tao para lang pakiligin ako! (Char! Wala akong sinabi ah!)

Dumiretso na lang ako sa room. Nauna kasing pumasok sila Danica kasi may aasikasuhin daw sila ni Ralph.

"Hello Minika!" bati sa akin ni... Sino nga ba ito? Naalala ko na!

Ay! Siya pala si Jester Clark Fajardo! He's one of my classmates.

"Hello Jester!" balik bati ko sa kanya.

"Hindi mo kasama si Danica?" tanong niya sa akin.

"Uhm, oo eh. May aasikasuhin daw sila ni Ralph." sabi ko.

"Ahhh. Sige, pasok na tayo." sabi niya at naglakad na kami.

Maya-maya ay nakarating na kami sa classroom at wala pa naman yung teacher namin.

"Nawala lang yung isa, naghanap na agad ng iba? Akala mo naman kinaganda niya iyan." sabi ni Phoebe.

"Oo nga! Akala mo naman napakaganda niya kung makapag-hanap ng ibang lalaki." sabi naman ni Stephanie(Phoebe's Friend/Alipores). Sino naman ang pinaparinggan nila?

"Beshi! Okay ka lang?" tanong sa akin ni Danica. "Ano? Sabunutan ko na ba? Suntukin na lang! Hindi mo ba alam na ang talim ng tingin nila sayo? Parang pinapatay ka na nila sa tingin oh!" sabi ni Danica.

"Ano ka ba Danica? Mamaya mapahiya ka pa! Malay mo hindi pala ako yung pinariringgan niya. Tamang hinala ka eh! Malay mo tumingin lang sa akin." sabi ko sa kaniya. Ayaw ko lang naman ng away noh.

"Babe, kumalma ka nga. Si Minika nga hindi ganyan nag-react eh, ikaw pa kayang nakarinig lang?" sabi naman ni Ralph.

"Basta, beshi. Kapag pinaringgan ka niyan o sinaktan. Masasapak ko na iyan ah! Humanda sila sa akin!" sabi ni Danica at umayos na ng upo sa tabi ko.

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon