❤❤❤Prologue ❤❤❤

46 3 2
                                    

❤❤❤ Prologue ❤❤❤

"Naniniwala ka ba sa pagbalik?" matamang nakatingin ang Ale sa aking mga mata.

Pagbabalik?

Sa ibang bagay? Oo.

Sa pag-ibig? Hindi.

"Nasaktan ka sa pag-ibig pero magmamahal kang muli at ang taong yaon ang muling magpapatibok sa iyong puso." naka-ngiting saad ng Ale habang hawak ang aking palad at bahagyang pinisil pa iyon.

Anong ibig-sabihin nu'n?

"Ah A-ale. S-salamat po! Aalis n-na po kami!" sabi ko at agad piniksi ang kamay ko na hawak-hawak niya. Hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko sa mga hula niya. Agad ko namang hinila si Danica para makaalis agad sa aming kinaroroonan.

"Uy, bakit mo naman ako hinila? Hindi pa nga ako nakakapagpa-hula eh. Ano ba 'yan..." sabi niya na may bahid ng pagka-yamot.

"Ikaw kasi eh?! May pahula-hula ka pang nalalaman?!?! Naniniwala ka pa sa ganoon? Panahon pa ni kopong-kopong noong nauso iyon eh. Naguguluhan pa tuloy ako ngayon." sabi ko sa kaniya.

"Eh akala ko ba panahon pa ni kopong-kopong iyong mga hula? Eh ba't naguguluhan at naapektuhan ka ngayon aber?" saad niya habang nakataas ang isang kilay. "Atsaka hula lang naman iyon eh. Hindi naman masama kung maniniwala ka sa sinabi nung Ale. Atsaka bakit? Natatakot ka ba sa pagbalik niya? Na siya pa rin ang mahal mo? Na mahal ka pa rin niya?" sunod-sunod na tanong niya. "Atsaka wala namang sinabi na SIYA ang babalik ah? Malay mo hindi naman siya ang babalik? Ay oo nga pala, siya nga lang pala ang minahal mo magmula pa noon." dugtong nito at unti-unting lumapit siya sa akin.

"Don't tell me... You're expecting that he'll comeback for you? Aren't you?" saad niya habang hindi iniiwas ang tingin at hindi ko napigilang ako'y napayuko na lamang.

Oo, natatakot ako.

Natatakot ako sa pagbalik niya.

At baka malaman ko na...

Na mahal ko pa rin siya.

Baka hindi niya na ako mahal.

Kasi baka sa pagbalik niya,

Mahulog na naman ako.

Masayang lahat ng pinaghirapan ko.

At masasabi ko na lang na:

I'm Falling Inlove With My Ex Again.

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon