❤❤❤Chapter 7❤❤❤

14 2 0
                                    

Chapter Seven: Classmates

Minika's P.O.V.

Isang linggo na ang nakalipas mag-mula ng natanggap ko ang kontrata. Kaka-alis lang ni Papa papuntang Korea dahil biglaan siyang pinatawag ng Tito ko, emergency daw eh.

Pero sulit naman yung 6 days na kasama namin si Papa kasi nag-bonding naman kami.

"Minika, saang section ka?" tanong ni Danica. First day of school namin kaya hindi pa namin alam kung anong section kami at hindi pa inaanounce.

"Hindi ko pa alam, wala pang announcement." sabi ko.

Speaker: All students of Crossford High, you may now proceed to the gymnasium. Again, all students of Crossford High, you may now proceed to the gymnasium. Thank you.

Agad naman kaming nagpunta sa gymnasium, ang daming tao. Last year hindi naman dati ganito kadami pero ngayon puno ang buong gymnasium pero hindi naman nagkulang sa upuan.

Na-upo kami sa unang row dahil may bakante pang dalawa. Nakita ko nga si Iris doon kasama yung kapatid niyang bunso na si Ivory. Mas bata siya sa amin ng two years pero hindi kami magka-vibes hindi katulad ng Ate niya. Lagi kasing nagkukulong sa kuwarto at tahimik.

Kumaway na lang siya dahil kung sisigaw siya hindi rin namin maririnig.

Maya-maya ay dumating na ang mga teachers ng iba't ibang levels at ang may ari ng school namin na si Mr. Patrick Spencer Crossford. Ia-announce na yung mga sections.

"Good Morning to everyone, thank you for choosing Crossford High. I hope you'll have fun and study hard this school year." sabi nito at agad kaming nagpalak-pakan.

Maya-maya ay ina-announce na yung sa mga Grade 7 at sumunod naman ang Grade 8.

"Ivory Benitez, Section 8-1"sabi ni Ms. Bautista. Siya yung adviser namin ni Danica noong Grade 8. Nasa higher section si Ivory, matalino.

Maya-maya ay natapos na rin ang announcement para sa Grade 9 at Grade 10 na.

Hinawakan ni Danica yung kamay ko ng mahigpit akala mo may mae-evict sa amin. Ano ito? Bahay ni Kuya? (Char!)

"Danica Alonzo, Section 10-1" sabi ni Ms. Madrid. Terror teacher pa naman ito.

"Beshi, section one pa rin ako." sabi niya at hindi ko mapagkakaila na masaya siya.

"Ralph Rodriguez, Section 10-1" kaklase rin pala ni Danica yung boyfriend niya. Tumingin siya at kinikilig pa.

"Ang talino talaga ng boyfriend ko eh!" sabi niya at niyakap si Ralph at tumawa na lang.

Ang dami ng nagdaan na name at iba't ibang section sila. Yung iba kong kaklase naging sa mababang section pero yung iba classmate ko pa rin. Letter S na. Here yah go!

"Minika Reese Shin, Section 10-1" sabi muli ni Ms. Madrid. Kaklase ko si Danica! I'm so happy.

"Beshi!" sabi niya at nakipag-apir.

"Okay you may now proceed to your respective classrooms, I hope your room will be neat until the end of the school premises. Thank you." sabi ni Mr. Patrick at umalis na.

Kinuha na rin namin yung gamit namin at sinundan si Ms. Madrid papunta sa classroom namin.

"You may now sit, wherever you want but it's not permanent. I'm going to arrange your chairs next week." sabi niya at nagmadali na ang mga estudyanteng maupo. Akala mo mababait dahil nasa section one? Naku! Magugulo rin kami!

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon