❤❤❤Chapter 10❤❤❤

12 3 0
                                    

Chapter Ten: His Reaction

Brixx's P.O.V.

Hindi na pumasok si Minika matapos ang napag-usapan namin kanina. I think, napasama ko pa ata ang sitwasyon.

Damn! I shouldn't did it to her! Ni hindi ko nga alam ang buong pangyayari eh! Hindi ko nga dapat siya hinusgahan at umabot pa ako sa puntong masasabihan ko siya ng flirt! I wanna die now!

Maya-maya ay naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko. Nagbabaka-sakali na baka si Minika na ang tumatawag pero na-dismaya ako. It's Ms.Melanie. Alam ko na kung bakit siya tumatawag. Agad ko ng sinagot ang tawag, I think Ms.Melanie is probably mad at me now.

"Coleman!" sigaw ni Ms.Melanie sa phone. Halos mabasag ang ear drums ko sa lakas ng boses niya. "Where are you?!" tanong niya.

"Tita, I'm here in Philippines. Sorry, may biglaan kasi akong nalamang balita." sabi ko.

"Is it about Minika?" tanong ni Ms.Melanie. "For Pete's sake Brixx, pumunta ka na rito! Minika can handle the situation!" sabi nito.

"But Tita, she and I had a fight. I need to apologize to her." sabi ko.

"What have you've done Coleman?! Hindi mo na nga tinapos ang photoshoot mo at nagkaroon ka pa ng away diyan!" sabi ni Ms.Melanie.

"Tita, forgive me. Kausapin mo na lang yung mga staffs diyan and please tell them na may nangyaring emergency. I'm really sorry Tita. I have to go." sabi ko.

"Okay, fine. Bumalik ka na lang dito kapag okay na kayo ni Minika. Just call me, bye." sabi ni Ms.Melanie at binaba ko na ang tawag.

Good thing, pinayagan ako ni Ms.Melanie na hindi muna umalis. Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-apologize kay Minika.

"Hindi ka na ba pupunta ulit sa photoshoot mo?" tanong sa akin ni Phoebe.

"It's none of your business." sabi ko at nakinig na lang sa discussion but I'm still distracted.

Narinig kong bumulong si Phoebe, "Sungit naman." sabi nito at umayos na lang ng upo.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Halos buong school hours ay wala akong naintindihan sa lessons namin. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Minika.

Ayaw ko munang pumunta sa kanila dahil alam kong mas lalong magagalit lang iyon.

Bago pa man ako maka-labas ng school ay nakita ko si Phoebe.

"Can we talk?" tanong ko sa kanya na mukhang nagulat dahil niyaya ko siya.

"Is this real? You are taking me out on a date?!" she said and she caught all of the attention of the people around here. Nakita ko namang nagsi-labasan naman yung mga cellphones at kumukuha ng litrato. As usual, iu-upload nila iyan at ipapa-trend na naman.

"He's taking me out on a date!" sigaw niya na tuwang-tuwa.

"Hey! Stop it." sabi ko at tumigil na siya.

"Bye guys, wish me luck!" sabi nito at dumiretso na kami sa parking lot.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Phoebe at kumapit sa akin na parang tuko.

"Bitawan mo ako." sabi ko at tumingin siya sa akin.

"What's wrong with you?" tanong nito at tumingin sa akin na parang inuusisa ang mukha ko. Sinandal ko siya sa isang poste at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon